Chapter 2

191 13 0
                                    

ANGELO'S POV

"Sir Angelo?" Tawag sa akin ng clown na secretary ni mom. Bakit ko nasabing clown? Well, everyday kasi yung blush on, eye shadow at lipstick niya ay putok na putok. Hindi ko nga alam kung bakit ito tinanggap ni mom bilang secretary niya e.

Tapos kung makapagpakita pa ng cleavage 'yan minsan akala mo wala ng bukas. My, ghad! Hindi ba siya aware na mukha siyang clown na may malaking pakwan na nakakabit sa kanyang katawan!?

Oh! By the way, let me introduce myself first before I continue may panlalait sa secretary ni mom.

I'm Angelo Kean M. Davis. 23 years old. Yes, tama kayo ng basa I'm just 23 years old. Tatlong taon ko ng pinatatakbo ang kumpanyang ito. Sa edad kasi na 20, ay ibinigay na agad sa akin ni daddy ang company. Sa akin daw kasi ito, kaya dapat lang na ako na ang mamahala at magpalago nito. And so, I grabbed it. Sayang ang opportunity.

May sasabihin pa pala ako, mga bebe!
I'm GAY. Sa umaga you can call me "Angelo" or "Kean" at kapag sa gabi naman ay "Angel" or "Kiana" Ganda no? Well, ganyan talaga maganda ako e.

"Sir, Angelo nandyan po ba kayo sa loob?" Naputol ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita ang clown.

"Yes, come in" I said. "What do you want?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa swivel chair. Istorbo talaga 'to e. Ang dami-dami ko pang kailangan tapusin pero, ito siya, nanggugulo. Sarap sabunutan. Imbyerna.

"Sir, Ms. Manabat informed me na napakarami raw po nang nag-aaply para maging secretary niyo." Sagot naman nito sa akin.

"Ngayon na rin ang interview portion, right?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, Sir."

"Sige, pakisabi hintayin nila ako sa conference room. I'll be there in 5 minutes."

"Noted, Sir Angelo."

"Wait, Eunice!" Pigil ko sa kanya.

"Bakit po, Sir? May kailangan pa po ba kayo?" Gosh! Haharap nalang kailangan pang magpacute? Anong akala niya sa akin tibo? Duh! Hindi ako pumapatol sa katulad kong babae. Gross! Okay pa sana kung lalaki siya at kamukha niya si Enrique Gil o kaya si Chris Evans. Hihihi. Landi ko no?

"Buy me one slice of blue berry cheescake and one frappuccino."
Sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin alam ko na kasi na magpapacute lang sa akin ang gaga. Like duh! As if naman cute siya sa paningin ko. Mukha kaya siyang ipis este clown.

"Yun lang po ba, Sir?"

"Yes, that would be all. You can go now."

"Baka sunugin pa kita ng buhay dito at madamay pa itong kumpanyang inalagaan at pinalago ko ng bonggang-bongga."

"May sinasabi po kayo, Sir Angelo?" Akala ko nakaalis na ang gaga pero hindi pa pala.

"Nothing. You can leave now." Itinaas ko pa ang aking kamay, senyales na pinaaalis ko na talaga siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ZEPHYR'S POV

"Listen everyone! Mr. Davis will be in the conference room in 5 minutes. Tatawagin ko nalang kayo isa-isa, okay? Good luck!"

Mr. Davis? So, lalaki ang CEO? Ilang taon na kaya siya? Siguro nasa mga 40's or 50's na siguro siya no?

"Ms. Veronica Manliclic"

"Ms. Brenda Wui"

"Mr. Carlo Salas"

"Mr. Jerome Gutierrez"

My goodness! Ayan na, tinatawag na kami isa-isa. Damn! Kinakabahan ako!

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

"Ms. Achelois Zephyr Miranda" Shet! Ako na pala. Kaya ko 'to. Kakayanin ko ito para sa akin at para kay lola.

"Good luck, Ms. Miranda." Sabi sa akin ng katabi kong nag-a-apply din.

"Thank you. Kaya natin 'to." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Pagpasok ko sa conference room ay wala akong nadatnan. Teka? Tapos na ba? Akala ko ba ako na ang kasunod? Akala ko ba i-interviewhin na ako? Nasaan na yung CEO?

Lalabas na sana ulit ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Where are you going?" What the fuck? Ang sexy ng boses niya!

"A-ah lalabas po sana ulit ako. Akala ko p-po kasi w-wala na kayo dito e." Makalaglag panty kagwapuhan niya mga, bebe! Kaya ayan, nagkanda-utal-utal ang lola niyo.

"Sit down. And tell me about yourself." Sabi niya saka siya naglakad papunta sa upuan na nasa harapan ko.

T-teka? Bakit parang kumekembot siya habang naglalakad?

Kinusot ko ang aking mga mata sa kadahilanang baka namamalikmata lang ako. Imposibleng maging bakla 'to. Super manly kaya ng voice niya, ang tikas ng pangangatawan niya, ang ganda rin ng mga mata niya, ang tangos ng ilong, tapos yung labi niya naman ay manipis na mamula-mula.

Sarap halikan ng putik. Sabi ko sa isip ko.

"Are you listening? Did you hear what I said?" Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"A-ah y-yes, Sir." Bakit ba ngayon pa ako nautal? Naku naman!

"I'm Achelois Zephyr T. Miranda. 20 years old. Dapat po ay 3rd year college na ako ngayon sa Thoren University, kaya lang tumigil po ako.

"Why?" Tanong naman ni Sir. Ugh! Ang gwapo talaga e. Gigil mo si ako!

"Tumigil po ako sa pag-aaral, noong namatay ang mga magulang ko. Kami nalang po ni lola ang magkasama ngayon. Siya po ang kumakayod para sa aming dalawa. Actually, dalawang linggo na rin po akong naghahanap ng mapapasukang trabaho, kaya po nung nakita ko 'tong flyer na ito ay hindi na po ako nagdalawang isip na pumunta agad dito. Nagbabakasakali lang po ako na matanggap bilang secretary dito." Mahabang sambit ko sa kanya.

"Okay. So, why should I hire you?" Ito na ang 1 billion worth question.

"Sir, alam ko po na high school graduate lang ako. Pero, ipinapangako ko po sa inyo na ako ang magiging the best secretary in town. Kakayanin ko po lahat ng ipagagawa niyo sa akin. Hindi ko rin po pasasakitin ang ulo niyo. Madali rin po akong makasunod sa mga instructions. Masipag po ako, matalino, at maganda este masunurin. Sana po tanggapin niyo 'ko bilang secretary niyo."

"Okay. We'll call you."

"Thank you, Sir." Sabi ko, pero si Sir ay nakatitig lang sa akin. "Sige, Sir labas na po ako. Salamat po ulit."

"A-ah yes. You may go now."

Matatanggap kaya ako?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon