Chapter 18

111 9 2
                                    

ZEPHYR'S POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Hindi muna kasi ako pinapapasok ni Boss, magpahinga lang daw muna ako. Si Cristel muna ngayon ang tumatayong secretary ni Boss.

Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang nangyaring pagsagip sa akin ni Boss Angelo mula kay Mr. Smith, at hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang mga nangyari noong gabing iyon.

Flashback

"Damn you! How dare you to touch my secretary! Fuck you, Smith! Fuck you!" Paulit-ulit na sinasabi ni Boss Angelo ang mga salitang 'yan habang pinagsusuntok si Mr. Smith na noon ay nakahiga na sa sahig.

Pinilit kong tumayo kahit na nanginginig pa rin ang aking mga tuhod. "S-Sir Angelo, t-tama n-na." Lumuluhang sabi ko sa kanya habang pinipilit kong abutin ang kanyang kamay na patuloy pa rin na sumusuntok sa lalaking nakahiga sa sahig.

Ang kaninang malinis at maamong mukha ni Mr. Smith ay punong puno na ngayon ng dugo. Kitang-kita na rin sa kanyang mukha ang pamamaga nito.

"Get off me, Zephyr. I'm going to kill this bastard!" Walang mababakas na pagod o hingal sa boses ni Boss Angelo.

Hindi ako nakinig sa kanya, bagkus ay niyakap ko nalang siya mula sa kanyang malapad na likod, "Tama n-na Sir, p-please. U-Umalis nalang t-tayo d-dito." Mukha namang natauhan si Boss, kung kaya't agad itong humarap sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko sa kanyang yakap ang pag-aalala.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin, saka niya hinubad ang kanyang suot na coat. "Here, take this."

"S-Salamat, S-Sir Angelo." Sabi ko sa kanya bago niya ako inalalayan tumayo. Mukhang ano mang oras ay bibigay na ang tuhod ko.

"Tumawag n-na tayo ng p-pulis, Sir."

Saka palang ako sinagot ni Boss Angelo ng makalabas na kami ng opisina, "Don't worry alam na ng mga pulis ang nangyari. Sila ang nagsabi sa akin kung nasaan ka." Nakaalalay pa rin siya sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng building.

"Here they are," nagulat nalang ako nang magsalita si Boss, saka ko lang napansin na papunta na sa direksyon namin ang mga pulis.

Hindi pa man nakakapagsalita ang mga pulis nang magsalita si Boss. "I'll take care of my secretary. Kayo na ang bahala kay Smith. Make sure na hindi na makakalaya pa sa kulungan ang tarantadong 'yon." Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Boss Angelo. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang galit.

Hindi niya na hinintay pang sumagot ang mga kaharap naming pulis. Nagsimula na ulit kaming maglakad, papunta sa kanyang sasakyan. Ngunit bago pa man kami tuluyan makapasok sa kotse, ay bigla siyang humarap sa akin at saka ako niyakap muli ng mahigpit. "I was so scared. I thought, I'm going to lose you." Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

"Natakot ako. Akala ko may mangyayari na talagang masama sa akin. Akala ko walang darating para iligtas ako."

"Hush now. I'm here." Sabi niya saka hinaplos-haplos ang aking buhok.

Nakabibinging katahimikan ang bumabalot ngayon sa kotse ni Boss. Halos tatlong minuto na kami dito sa loob ng sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa pinaaandar ang makina.

Hindi ko na natiis ang katahimikan, kung kaya't ako na ang unang nagsalita. "Boss, I mean Sir, a-ayos ka l-lang ba?" Nakayuko lamang ito habang nakahawak sa steering wheel ng sasakyan. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Ibinalik ko nalang muli ang aking paningin sa harap saka ko isinandal ang aking ulo.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon