Chapter 8

130 10 0
                                    

ZEPHYR'S POV

"Why are you late again?" Shocks! Sabi na nga ba. Putahamnida kasi yung traffic at si manong driver e! Ano ba 'yan, ang aga ko na nga umalis sa bahay, pero wala pa rin. Late pa rin ako.

"I'm sorry, Sir." Hingi ko ng paumanhin sa kanya. Sarap kutusan nung driver kanina e! Ang takaw kasi sa pasahero. Paano ba naman kasi punong-puno na, tapos pilit pa rin siyang nagpapasakay.

"If you're going to be late again, I will definitely fire you, Ms. Miranda. Lagi ka nalang late. Go to your office now." Kalmado siya kung titingnan, pero sa kaloob-looban niyan, panigurado gusto niya na 'kong saksakin.

"Okay, Sir." 'Yan nalang ang tangi kong naisagot sa kanya.

Ilang araw pa lang akong nagtatrabaho dito, pero yung katawan at utak ko ay gusto ng bumigay.

Gusto ng bumigay kay Boss. CHAROT!

Hindi ako pwedeng sumuko, kailangan kong makapagtapos. Kailangan kong gawin ang lahat para kay lola. Kailangan kong magkaroon ng pera.

Kailangan kong hanapin kung sino ang tarantadong bumangga sa kotse na sinasakyan ng parents ko.

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa burol ni mama at papa, kasama ko rin ang iba kong pinsan, tito at tita. Nandito rin si lola. At kung tinatanong niyo kung nasaan si lolo, matagal na rin siyang patay.

"Ate Zephyr, may naghahanap po sa'yo sa labas" sabi sa akin ng pinsan kong si Nathan. Dali-dali akong lumabas dahil alam ko na mga pulis ang naghahanap sa akin.

"Marahil ikaw ang anak ni Mr. & Mrs. Miranda tama ba, iha?" Tanong ng isang pulis ng makita niya ako.

"Opo, ako nga po."

"Ma'am, 'wag po sana kayong mabibigla sa ibabalita namin tungkol sa pagkamatay ng parents mo." Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang mga katagang binanggit ng isa sa mga pulis.

"A-ano po ba i-iyon?"

"Ma'am ayon sa pag-iimbestiga namin ay hindi aksidente ang nangyari sa mga magulang mo. Sinadyang banggain ang kotse na sinasakyan nila, iha. Sinadyang patayin ang mga magulang mo."

Halos hindi ako makahinga dahil sa mga narinig ko. Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko, kasabay no'n ay ang pagtulo ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Bakit? Bakit nila ginawa iyon kay mama at papa? Ano ba ang ginawang kasalanan ng parents ko, para ganoon nalang ang gawin nila?

"Mga walang kaluluwa ang gumawa no'n sa parents ko! Mga walang hiya sila! May lead na ba kung sino ang gumawa non kay mama at papa?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Galit na galit ako sa mga taong pumatay kay mama at papa. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa kulungan oras na mahuli sila.

"Wala pa po, Ma'am. Pero, sinisiguro po namin na hindi kami titigil hanggat hindi namin nahuhuli ang gumawa non sa parents mo."

"Sige po. Gawin niyo po ang lahat ng inyong makakaya upang mahuli ang mga walang hiyang iyon. Please po." Umiiyak na sabi ko sa kanila.

"Sige po. Makakaasa po kayo. Condolences, Ma'am."

Pumasok na ako sa loob at nagtungo sa sala kung nasaan ang kabaong ni mama at papa.

Ipinapangako ko sa inyo na hindi ako titigil hanggat hindi nahuhuli ang mga kriminal na iyon. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa inyo, mama, papa.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon