ANGELO'S POV
Ang sakit ng ulo ko dahil sa mga investors na 'yon. Tsk. Pero, hindi pwede 'to. Hindi ako pwedeng mastress dahil sa kanila, baka masira pa ang beauty ko.
Saktong pagpasok ko sa office ni Ms. Miranda ay siya namang paglabas nito kasama si Ivan. Paano nagkakilala 'tong dalawa na 'to? At mukhang close na sila sa isa't isa.
"Where are you going?" Taas kilay kong tanong kay Zephyr.
"It's lunch time, kuya. So, we decided na kumain nalang sa labas." Sabat ni Ivan. Wow! Ngayon ko lang nalaman na spokesperson na pala siya ni Zephyr.
"I'm not talking to you, Ivan. Si Ms. Miranda ang tinatanong ko." Galit na sagot ko sa bunso kong kapatid.
"What's your problem, kuya?" Napansin niya siguro na medyo tumaas na ang boses ko. Saan ba kasi pupunta 'tong dalawang 'to?
"Mag-lu-lunch lang po sana kami, Boss." Nakayukong sagot ni Zephyr.
Ano raw? Maglu-lunch? So ganoon na nga sila ka-close nitong kapatid ko?
"Tara na, Zeph. Hayaan mo na siya." Aba't walang hiya talaga yung mokong na 'yon ah? Hindi man lang ako hinintay magsalita at hinila nalang bigla ang kamay ng secretary ko at umalis! Ugh! Lagot siya mamaya sa akin sa bahay! Sinisira niya ang beauty ko este ang araw ko!
Pero, bakit ganoon? Bakit naiinis ako sa paraan ng pagkakahawak ng kapatid ko sa secretary ko?
Ah! Siguro gusto ko rin na may humawak sa akin ng ganoon. Oo, tama yun nga. Naiinggit lang ako sa kanila. Oh my universe! Kailan mo ba ako bibigyan ng yummy na jowa? Jowang-jowa na kasi ako. Gusto ko yung may 6-pack abs. Hahaha! Cheret leng!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ZEPHYR'S POV
"Nakakainis si kuya! Ano na naman kayang problema niya?!" Naiinis na sambit ni Ivan habang nagmamaneho.
"Hindi mo dapat ako hinila agad. Baka mas lalo ka lang pag-initan ni Sir Angelo niyan." Sabi ko sa kanya. Feeling ko talaga lagot siya kay Boss niyan e. Haaay.
"Hayaan mo na si kuya, ako ng bahala sa kanya mamaya. So, saan mo gustong kumain?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Ah, k-kahit saan nalang." Nahihiyang sambit ko sa kanya.
"May lugar ba na 'kahit saan'?" Naguguluhan ngunit natatawang tanong niya sa akin. May pagka-abnormal din pala ang isang 'to e.
"Ih! Ano ba 'yan. Sige, sa McDonalds nalang tayo kumain, kung okay lang naman sa'yo."
"Sige. Okay lang." Sagot niya sa akin. Yes! Makakakain na 'ko ng McFlurry! Hahahaha. Favorite ko 'yon e.
"Oh! Nandito na pala tayo" ready na 'kong bumaba at sugurin ang McDo este ready na akong kumain hehe.
"Hintayin mo nalang ako sa loob, ipapark ko lang 'to saglit. Baka kasi mahuli tayo kapag dito ako nag-park, mahirap na." Paalam sa akin ni Ivan.
"Sige, sige. Bilisan mo no? Nagugutom na 'ko, nakakahiya naman sa'yo kung mauuna akong kumain." Nahihiyang sabi ko sa kanya saka na 'ko bumaba ng sasakyan.
"Yeah" sagot niya at saka umalis upang maghanap ng parking lot.
Mas nakikita ko na mabait si Ivan kumpara kay Boss. Siguro dahil mas bata siya? Or baka naman ipinaglihi lang talaga sa sama ng loob si Boss Angelo? Ay ewan! Basta ang alam ko ay nagugutom na 'ko. Huhuhu. Mameeeehhhh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
IVAN'S POV
"Sige, sige. Bilisan mo no? Nagugutom na 'ko, nakakahiya naman sa'yo kung mauuna akong kumain." nahihiyang sambit niya sa akin bago ako umalis. Hahaha. She's so cute.
That's why I like her.
Hindi naman ako nahirapang maghanap ng parking lot. Thank God!
Panigurado gutom na gutom na si Zeph, kaya kailangan ko ng bilis—"Ouch/Aray" magkasabay na sambit namin ng babaeng nabangga ko.
"The hell! Are you stupid or are you blind?" Pasigaw na sambit sa akin nitong babae habang inaayos ang kanyang damit.
"I'm sorry, Miss." Sinubukan ko siyang tulungan pero tinabig lang niya ang kamay ko.
"Sorry your face! Don't touch me!" Sigaw niya sa akin, pero busy pa rin siya sa pag-aayos at pagpapagpag ng damit niya. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Pasensya na tal—" nahinto ako sa sasabihin ko nung mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko.
This can't be...
"Oh? Bakit ka nahinto sa sasabi—" pati siya ay nahinto ng mapagtanto na ako yung nakabangga sa kanya.
"Chelsea?/Ivan?"
"I missed you, Van." Sabi niya at bigla nalang akong niyakap na akala mo ay wala ng bukas.
"Ah, pasensya na Chelsea nagmamadali kasi ako." Sabi ko sa kanya at tuluyan ng bumitaw sa pagkakayakap niya.
"Wait! Where is Angelo? Namimiss ko na rin siya e." Malungkot na sambit nito sa akin.
"I don't know. I have to go." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Alam ko kasi na hindi niya ako titigilan sa katatanong niya hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan si Kuya.
Childhood bestfriend namin ni Kuya Angelo at Pipi si Chelsea. Mabait, sweet, mapagmahal at maalaga na kaibagan at anak si Chelsea sa amin at sa mga kaibigan niya.
Ngunit nagbago ang lahat ng dahil sa isang aksidente. Ang aksidente na nagpabago sa buhay naming lahat. Umalis patungong America sina Chelsea kasama ang mga magulang nito right after ng accident na 'yon. Nasaktan kami ni Kuya Angelo dahil doon, kasi ni hindi man lang siya nagpaalam sa amin na aalis siya. Kaya hindi ko maiwasan na magkaroon ng tampo at galit sa kanya.
At ang isa pa sa pinakamasakit ay ang pagkamatay ni Pipi at ng mga magulang nito. Namimiss ko na yung bonding naming apat noon. Kaso, hindi na mangyayari ulit 'yon. Kasi wala na si Pipi.
"Hey! Okay ka lang? Kanina ka pa mukhang wala sa sarili ah?" Alalang tanong sa akin ni Zeph, habang sinusuri ang mukha ko.
"Y-yeah, o-okay lang ako" alanganing sagot ko sa kanya.
"Sure ka? O sige, anong gusto mong kainin? Treat ko na. Mukhang may pinagdadaanan ka e."
"Hindi na, ako nalang ang mag-oorder at umupo ka nalang ulit dito. Ako ang nagyaya, meaning treat ko 'to. So, ano bang gusto mong kainin bukod sa McFlurry ba 'yon?"
"Okay sige, sabi mo e. Gusto ko ng McFlurry, spaghetti, chicken fillet ala king and fries." Nagniningning pa yung mga mata niya habang sinasabi yung mga order niya. Hahahaha
"Okay. Noted, Ma'am." Natatawang sabi ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
Fiksi UmumIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...