ANGELO'S POV
Ano ba naman 'yan, kanina ko pa gustong umuwi at mag-beauty rest pero hindi pwede, kailangan kong tapusin 'tong sandamakmak na documents na nakapatong ngayon sa table ko.
Kumusta na kaya yung babaeng 'yon? I mean, tapos na kaya siya sa pinagagawa ko? Medyo marami pa naman 'yon. Mapuntahan na nga lang muna.
Teka, anong oras na ba?
WTF!? 10pm na? Aba! Sumobra naman yata ang sipag ko ngayong araw. See? Ako ng maganda at masipag. Hahaha!
Para akong napako sa kinatatayuan ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
"Boss" walang emosyong sambit ni Zephyr sa akin.
I tried to compose myself habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Oh, Kuya! Anong ginagawa mo dito?" Huwaw! Ako pa talaga ang tinanong niya. Nice.
"As far as I remember, I am the CEO of this company. Hawak ko ang oras ko. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat kanina ka pa nakauwi?" Kung pwede lang magtaas ng kilay ay kanina ko pa ginawa, kaso hindi pwede baka malaman niya kung anong talaga ako. Patience Angelo. Patience.
"Naabutan ko siya rito kanina na maraming ginagawa, so tinulungan ko nalang siya." Nakangiting sagot ni Ivan. Tss. 'Wag kang ngumiti, hindi ako natutuwa sa'yo. Bruho ka.
"Oo, Sir. Tama po si Ivan. Tinulungan niya lang po ako, para mabilis akong matapos." Bakit wala akong makitang emosyon sa mukha niya ngayon? Anyare sa'yo, te?
"So, are you done?" Tanong ko.
"Opo/Yes" nagkatinginan pa silang dalawa nung sabay silang sumagot. Sarap pag-untugin e.
"Put those files in my office. Now." Hindi ko na siya hinintay sumagot bagkus ay lumabas na 'ko at bumalik sa office.
"Sir Angelo, ito na po yung mga files na pinagawa niyo kanina." Saktong kauupo ko lang nang magsalita si Zephyr. Hindi ko namalayan na nakasunod na pala siya sa akin. Ang bilis niya, infairness.
"Good. Just put it there."
"Sige po. Uwi na po ako. See you tomorrow, Sir Angelo."
"Wait!" Pigil ko sa kanya bago pa siya tuluyang makalabas ng office.
"Bakit po? May iuutos pa po ba kayo, Sir?" Ano ba 'yan! Bakit ang cold ng expression niya? Daig niya pa ang Antarctica sa sobrang lamig e.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ZEPHYR'S POV
"Bakit po? May iuutos pa po ba kayo, Sir?" Walang emosyon kong tanong sa kanya. Nagtatampo pa rin ako sa kanya. Matapos niya 'kong sungitan kanina. Tss.
"Sir?"
"Sir Angelo?"
"Sir Angelo!" Ayan! Napasigaw na tuloy ako. Kanina ko pa kasi siya tinatawag e. Ano na naman kayang problema nito?
"A-ah, n-nothing. Y-you can g-go now, Ms. Miranda." Nauutal na sambit nito habang titig na titig pa rin siya sa akin. Hindi kaya...
"Sir? Nagagandahan ka ba sa akin ngayon?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Gustong-gusto ko ng ngumiti pero hindi pwede. Kailangan kong pigilan 'to.
"W-what? A-are you crazy!? Get the hell out of this office. Now!" Hala ka! Napatayo siya sa sobrang galit niya.
"Okay, Sir Angelo. Bye." Pero bago pa ako tuluyang lumabas ng office ay tinawag ko ulit siya.

BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
Ficção GeralIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...