Chapter 11

127 11 1
                                    

ZEPHYR'S POV

Nakakahiya talaga yung nangyari kanina sa amin ni Boss. Oh, God! Wala na yata talaga akong mukhang maihaharap sa kanya. This is insane!

Flashback (Kiss)

"Good afternoon po, Sir Angelo" kababalik ko lang dito sa office at mukhang sasabog na naman sa galit si Boss dahil sa akin. What a day. Haaay.

"Walang good sa afternoon ko. Atsaka, bakit ngayon ka lang? 1:15 na! You're 15 minutes late, Ms. Miranda." See? Told you, guys, galit siya. Tsk.

"I'm sorry, Sir. Na-traffic po kasi kami ni Ivan." Nakayukong sambit ko habang nilalaro-laro ang mga daliri. Kinakabahan na talaga ako.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ko namalayan na unti-unti na palang lumalapit si Boss sa akin.

What the hell!?

"A-ah s-sir? B-bakit po?" Kinakabahang sambit ko habang humahakbang na ng patalikod.

"Alam mo bang kanina pa kita hinihintay dito?" Sambit niya habang patuloy pa rin ang paglapit sa akin.

What the hell is his problem? Pinagtitripan ba 'ko nito? Sir, 'wag kang ganyan baka ma-fall ako. Char! But, seriously ang bilis ng tibok ng puso ko. What should I do? Argh!

"Sh*t" mura ko ng tuluyan ng lumapat ang aking likod sa glass wall ng office.

"Are you aware that you are beautiful when you're scared?" Nakangising sambit nito.

Putik! Akala ko ba bakla 'to? E, bakit ganito siya umakto ngayon?

"P-po?" Nauutal na sambit ko. Sasabog na yata talaga ang puso ko. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari ngayon!

Unti-unti pang nilapit ni Boss ang kanyang mukha sa akin. Wait! Hahalikan ba niya 'ko? No, this can't be! Aalis na sana ako ng bigla kong matuunan ang pencil case na nakalagay sa table ko, dahilan kung bakit gumalaw ito at

WHAT THE F*CK!?

My lips crashed against his lips. Damn! Ang labot ng labi ni Boss. Ang sarap ng labi niya.

I can feel that he's about to move his lips, that's why I immediately pushed him.

"I'm sorry, Sir Angelo. It's my fault." Sambit ko at mabilis na nilisan ang opisina. God! Anong kagagahan ba yung ginawa ko!? Argh!

End of flashback

Dapat ay bukas pa ako babalik ng office, kaya lang kailangan kong balikan ang bag ko. Nawala kasi sa isip ko kanina. Besides, sigurado naman ako na wala na si Boss dito. Baka nga kanina pa nakauwi 'yon at nag-b-beauty rest na e. Dinaig pa 'ko. Tsk.

Papasok na sana ako ng opisina ng biglang...

"Oh, Jesus!/Ay palaka!" Sabay naming sambit ni Boss?

Wait! What!? My Boss is still here!

"Good evening po, Sir. Pasensya na po kung hindi na ako nakabalik kanina, sumama po kasi ang pakiramdam ko e." Pagdadahilan ko sa kanya. Sinabayan ko pa ng paawa effect. Buti nalang talaga hindi ako nag-retouch ng make-up kanina, kaya medyo maputla ang lips ko ngayon. Hahaha!

And, kung hindi niyo naitatanong ay dati akong theater artist, kaya ayan, basic lang sa akin ang umarte.

Siguradong maniniwala 'to.

"It's okay. By the way, what are you doing here? I thought you're not feeling well?"

See? Naniwala nga, kaso mukhang wala pa rin akong lusot.

Isip.

Isip.

Isip.

Yown! Tama, ganoon na nga lang...

"Kukunin ko lang po yung ibang paperwork na hindi ko natapos kanina, iuuwi ko po sana sa amin."

*Cross fingers*

Maniwala ka, please! Boss naman 'wag mo na akong pahirapan! Gustong-gusto kong isigaw 'yan sa kanya. Naku naman!

"No. You can finish those paperwork tomorrow. Just get some rest muna."

"P-po?" Hindi ko alam kung namali lang ba ako ng dinig o talagang concern si Boss Dragon este Boss Angelo sa akin ngayon?

"Sabi ko, magpahinga ka na muna. Bukas mo na tapusin 'yan. Umuwi ka na." Tsk. Tinagalog lang niya e. Hina rin ng utak ni Boss e. Hahaha! Joke!

"O-okay po, Sir. Thank you po." Paalis na sana ako, pero pinigilan niya 'ko.

Ano na naman ba ang gusto mo? Gusto mong halikan ulit kita? Tara dito, kiss kita ng pak na pak!

Pero, syempre hindi ko sinabi 'yan. Hopia kayo no?

"Ah, Ms. Miranda, about what happened kanina, I'm very sorry. Hindi ko sinasadyang pagtripan ka."

"O-okay lang, S-sir. Kasalanan ko rin po, kung hindi po sana natuunan ng kamay ko yung pencil case kanina hindi po sana maaalis sa pwesto 'yon at hindi po sana mangyayari yung nangyari kanina. So, I'm sorry po talaga." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"You mean, hindi mo talaga sinasadyang mahalikan ako kanina?" Hala ka! Nag-hysterical na si Boss.

Anyare? Bakit parang galit siya? Nababaliw na yata 'tong si Boss e.

"Yes, Sir. Pasensya na po talaga. Mag-iingat na po ako sa susunod."

"It's okay. Umuwi ka na at magpahinga. See you tomorrow." Laglag ang kaniyang balikat na lumabas ng opisina.

Okay? So, anyare doon?

Makauwi na nga rin. Bukas ko nalang tapusin 'yong pinagagawa niyang report. Haaaay!

SANDALI! Diba, ang pamagat nito ay "Operation: Seducing My Gay Boss"? E, bakit hindi pa rin ako gumagawa ng move hanggang ngayon? Tsk.

Eng tenge ke telege. Hahahaha!

Osige, bukas na bukas ay gagawa na ako ng paraan para maseduce or should I say, maakit si Boss.

Be ready, Boss Angelo! I will make you mine.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.

Operation: Seducing My Gay Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon