ANGELO'S POV
Ang sakit na ng pwet ko, my goodness! Makapunta na nga lang muna sa comfort room.
Halos isang oras na rin kasi akong nag-i-interview, pero wala pa rin nakakapasa ni isa sa kanila.
Sabagay, paano nga naman sila papasa, kung puro panlalandi lang ang alam nila? Landiin ba naman ako, mas maganda pa nga ako sa kanila e.
Paglabas ko ng comfort room ay may nakita akong isang babae na palabas na ng conference room.
Teka? Bakit lalabas 'tong gaga na 'to? Back-out ka na agad, girl? Tsk. Matanong na nga lang.
"Where are you going?" I asked her using my oh-so-manly-voice. Pati tuloy ako na-i-inlove na sa boses ko.
"A-ah lalabas po sana ulit ako. Akala ko p-po kasi wala na kayo dito e." Hala ka! Anyare sa babaeng 'to? Utal-utalan ang peg, te?
"Sit down. And tell me about yourself." Sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa upuan na nasa harapan nito.
Pagharap ko sa kanya ay naabutan ko siyang kinukusot ang mga mata nito.
W-wait! Nakita ba niya yung pagkembot ko? Hindi ko kasi mapigilan ang balakang at pwet ko sa pag-sway e. Damn!
Akala ko, pagkatapos niyang kusutin ang mga mata niya ay babalik na siya sa normal, yun pala ay hindi pa. Bagkus ay tulala pa itong nakaharap sa akin.
May dumi ba sa mukha ko? Tsk. Imposible naman 'yon. Ang linis-linis ko kaya sa katawan ko.
"Are you listening? Did you hear what I said?" Seryoso kong tanong sa kanya, dahilan para bumalik na siya sa kanyang wisyo. Thank God!
"A-ah y-yes, Sir." Sagot naman nito sa akin.
"I'm Achelois Zephyr T. Miranda. 20 years old. Dapat po ay 3rd year college na ako ngayon sa Thoren University, kaya lang tumigil po ako."
"Why?" Tanong ko naman sa kanya. Curious lang ako, bakit masama?
"Tumigil po ako sa pag-aaral, noong namatay ang mga magulang ko. Kami nalang po ni lola ang magkasama ngayon. Siya po ang kumakayod para sa aming dalawa. Actually, dalawang linggo na rin po akong naghahanap ng mapapasukang trabaho, kaya po nung nakita ko 'tong flyer na ito ay hindi na po ako nagdalawang isip na pumunta agad dito. Nagbabakasakali lang po ako na matanggap bilang secretary dito."
Medyo naawa ako sa kanya. Atsaka sabi niya ang Lola nalang niya ang kasama niya, ibig sabihin lola's girl siya.
So, conservative siya, tama ba? Mukhang ito na nga ang hinahanap ko. Gusto ko kasi yung secretary na hindi ako lalandiin o pakikitaan ng kung ano-ano.
"Okay. So, why should I hire you?" Tanong ko sa kanya.
"Sir, alam ko po na high school graduate lang ako. Pero, ipinapangako ko po sa inyo na ako ang magiging the best secretary in town. Kakayanin ko po lahat ng ipagagawa niyo sa akin. Hindi ko rin po pasasakitin ang ulo niyo. Madali rin po akong makasunod sa mga instructions. Masipag po ako, matalino, at maganda--este--masunurin. Sana po tanggapin niyo 'ko bilang secretary niyo." Pinigilan kong matawa sa huling sinabi niya.
"Okay. We'll call you." Sabi ko sa kanya.
"Thank you, Sir." Sabi nito, pero ako, hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Sige, Sir labas na po ako. Salamat po ulit." Sambit ulit nito sa akin na tila ba nagtataka kung bakit ako nakatitig ngayon sa kanya.
"A-ah yes. You may go now."
Parang familiar ka sa akin, Zephyr. Bulong ko nang makalabas na siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ZEPHYR'S POV
Nandito na ako ngayon sa apartment at nadatnan ko naman si lola na natutulog na. Grabe yung pagod ko ngayong araw, mga bebe.
Papikit na sana ako ng bigla namang tumunog ang pinakamamahal kong cellphone.
*I love you, you love me we're bestfriend like friend should be with a great big hug and a kiss for me to you won't you say you love me too*
Ganda ng ringtone ko no? Adik kasi ako kay barney the dinosaur. Hahahaha!
"Zephyr!!!" Grabi naman makatawag 'to sa pangalan ko, mukhang mababasag pa ng wala sa oras ang eardrums ko ah?
"Oh! Ang lakas ng boses mo, nakalunok ka ba ng Megaphone Megan!?" Naiiritang sagot ko sa kanya. My goodness! Gigil ako ng babaeng 'to.
"Wala lang namimiss na kasi kita e. Hindi ka na kasi nagpaparamdam sa akin." Malungkot na saad niya.
"Tse! Bakit naman ako magpaparamdam? Ano ako multo?"
"Beshie naman" nagmamaktol niyang saad sa akin.
"Oo, na. Biro lang. Busy lang talaga ako sa paghahanap ng trabaho, Beshie."
"Ganoon ba? Sige basta sa susunod na araw kita tayo ah?" Tingnan mo 'to, isip bata talaga e.
"Haaay! Sige, sige. Bye." sabi ko sabay baba ng aking cellphone. Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, baka mapuyat lang ako dahil sa kanya. Madaldal pa naman 'yon.
Pipikit na sana ulit ako ng bigla namang pumasok sa isipan ko yung itsura ni Mr. Davis.
Grabe to the highest level yung kagwapuhan niya! Ang gwapo niya halos malaglag yung panga, bra at panty ko sa kanya kanina. Para siyang Greek God na binagsak dito sa Lupa. My goodness! Tama na nga itong pinag-iisip ko.
Makapagdasal na nga lang muna. Sanay kasi akong nagdarasal muna bago matulog, sinanay kasi ako ni mama at papa sa ganoong gawain. Dapat daw araw-araw akong magpasalamat kay Lord, and dapat dapat rin daw na lagi akong humingi na tawad sa mga kasalanang nagawa ko.
So, ayun nga. Nagpasalamat ako kay Lord dahil hanggang ngayon ay buhay pa si Lola. Nagpasalamat din ako kasi binibigyan niya pa ng lakas si lola atsaka ako na harapin ang mga pagsubok na dumadaan sa pang-araw-araw naming pamumuhay. Humingi na rin ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko.
At higit sa lahat, ipinagdasal ko na sana matanggap ako sa trabahong pinapasukan ko ngayon. Ang trabaho bilang isang secretary ni Mr. Davis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
General FictionIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...