A/n: Sorry for the very slow update, guys! Babawi ako sa inyo, promise!
Enjoy reading!
***
ZEPHYR'S POV
*Kring~kring~kring~kring*
Ugh! Inaantok pa 'ko e. Anong oras na b—
*blink*
*blink*
*blink*
Putahamnida! Late na 'ko! Ibig sabihin kanina pa nag-a-alarm 'tong phone ko, pero hindi ko napapansin? Kaiisip ko 'to ng plano kagabi e.
Kaiisip ko ng kung paano ko aakitin si Boss; at kung ano yung susuotin ko ngayon. Oo, maganda ako. Pero, syempre kailangan ko pa rin maglagay ng konting effort para naman mapansin ako ni Boss Gelo. Naks! May nickname na agad ako sa kanya. Hehe.
Naglagay na 'ko ng konting pulbos sa mukha, at lip balm sa aking labi. Inilugay ko na rin ang aking buhok. Sayang naman yung pagiging wavy ng hair ko kung hindi ko ilalantad diba?
Nakasuot na rin ako ng pencil skirt na black at blouse na white on top. Pinatungan ko rin ito ng Fuchsia pink na blazer. Then nag-high heels na rin ako na plain black. Oh, pak! Simple but elegant ang dating ng lola niyo ngayon, mga bebe!
*AKD Company*
My goodness! Late ako ng 5 minutes. Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba akong late? Haaaay! Bahala na. Basta act normal ka Lang, Zeph. Kaya mo 'yan. Fighting!
"Good morni—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na agad ang pinakagwapo kong Boss.
"And why are you late again?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. See? Baklang-bakla ang peg niya diba?
"A-ah traffic p-po kasi, Sir."
"Huwag mo naman akong sungitan, nagpaganda at nag-ayos ako para sa'yo e." Gustong-gusto kong sabihin yung mga salitang 'yan sa kanya, kaso baka yung kilay niya umabot na sa bumbunan niya sa sobrang taas.
"That's not an excuse! If you know na traffic kada umaga, edi sana gumigising ka ng maaga!" Singhal niya sa akin.
"I'm so—"
"Shut up! Get out of my sight, and do your work now!" Gusto ko ng umiyak, pero hindi pwede! Kaya ko 'to. Tiwala lang.
Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko. Mukhang ayos naman kami kagabi ah? Mukha ngang nag-aalala pa siya e, pero, bakit ganoon siya ngayon? Alam ko na masungit, cold at demanding si Boss, kaya nga walang nagtatagal na secretary sa kanya e.
Sayang naman 'tong pag-aayos ko. Oo, bakla si Boss, pero syempre umaasa pa rin ako na matutuwa siya o di kaya'y magagandahan sa akin, pero mali ako. Instead, nasigawan lang ako. Hay! Buhay nga naman.
"Ms. Miranda!" Ay palaka! Jusme, ang gwapo naman ng nasa harapan ko ngayon. Ang perfect talaga ng physical features niya, kaso medyo tagilid sa ugali e. Pero...
Crush ko pa rin siya!
"Nakikinig ka ba? Kanina pa 'ko dada ng dada dito. Atsaka kung makatitig ka naman sa akin parang gusto mo na 'kong iuwi sa inyo ah?" Nakataas kilay niyang sambit habang nakahalukipkip.
"Ah, Sir, bakit po?" Shet! Ang tanga ko talaga.
"Ay! Nakakaimbyerna ka talaga. Yung pinagagawa ko sa'yo tapos mo na ba?"
Huh?
"Sir, 'di po ba sabi niyo sa akin kahapon ngayon ko nalang tapusin? E, halos isang oras palang po ako nakaupo dito."
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
Genel KurguIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...