ZEPHYR'S POV
"Ano ba 'yan, lahat ba ng ito ay kailangan kong gawin para lang maakit si Sir Angelo?" Nanlulumo akong nakatingin ngayon sa harap ng computer habang binabasa ang mga dapat kong gawin para mabalik sa pagiging lalaki si sir at siyempre para na rin magustuhan niya ako.
10 Ways to Seduce a Gay Man
1. "Humor is our universal ice-breaker." Anak ng tipaklong naman! Umpisa pa lang ekis na ako agad.
2. "Compliment him." Lagi ko naman siyang sinasabihan na gwapo siya e, yun nga lang lagi siyang nagagalit. Tsk.
3. "Don't monopolize his time." Ay! Madali lang 'to. Basic.
4. "Introduce them to your friends." Friends? Awit! Isa lang friend ko at yun ay walang iba kundi si Princess slash Megaphone.
5. "Play disinterested." Huh? How? Ano ba 'yan! Ang hirap kayang magpretend na hindi ako interesado sa kanya. Kainis naman.
6. "Ask about his workout routine." Hindi kaya ako masabihan na chismosa nito? Pati workout routine niya itatanong ko?
Hmm...
May abs kaya si sir?
Wooooh! Ano ba itong pumapasok sa isip ko?
7. "Don't be mean." Noted! Napakadali naman ng isang 'to. Pinanganak kaya akong mabait. Hihi
8. "Listen to him. Always." As in? Sabagay, boss ko naman siya, diba? So, why not listen to him every time?
9. "Show him that you care for him." Itulak ko kaya siya mula 3rd floor hanggang Ground floor tapos tanungin ko siya kung okay lang siya? Joke lang hehe.
10. "Show him that you love him." Ha?
How to love a person?
What does it feel to love someone?
How can you say that you love a person?
Kasi in my case, hindi ko alam kung mahal ko na si Sir Angelo. Basta ang alam ko gusto ko siya. Masaya ako kapag nakikita ko siya. Kinikilig ako kapag tinitingnan at kinakausap niya ako. At tanggap ko kung ano siya.
Anyway, mabalik tayo doon sa 10 Ways ko. Nasimulan ko na rin ang iba sa mga 'yan, so medyo madadalian na siguro ako sa iba niyan, diba?
Sana...
"What are you doing? Didn't I tell you to hand me tha papers that I needed to sign?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang medyo matinis na boses ng aking boss.
Dali-dali kong kinuha ang mga papel sa drawer ko dahil baka mamaya mabugahan pa ako ng apoy nitong boss ko. Hindi ko alam pero mukha siyang badtrip, last time I checked okay naman kami. Feeling ko nga gusto na niya ako e. Don't me, mahilig lang talaga akong mag-assume like you, guys.
May pa "I missed you" chuchu pa siya kahapon tapos ngayon back to pagsusungit na naman siya sa akin? Naku! Kundi ko lang gusto itong boss ko malamang sa malamang kinotongan ko na 'to. Hayyy!
"Here are the papers, Sir." Sabi ko sabay harap sa kanya.
"Put those papers in my office." Sabi niya habang nakataas ang kilay at nakaturo ang isang daliri sa pinto ng kanyang opisina.
"And, you can go home after that." Dagdag na sabi nito na nagpawindang sa akin.
"SIR!?"
"Don't Shout, Miss Miranda." Naiiritang sambit nito habang takip-takip ang mga tainga.
"Ay pasensya na po. Nagulat lang po ako sa sinabi niyo. Sir, 3pm pa lang po, pinapauwi niyo na po ba talaga ako?"
"Yes. I have something to do. Hindi ka naman kailangan doon, so you better get home early." Walang ganang sabi nito.
"Sir, may nagawa ba ako? Galit po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
Sa halip na sagutin ay basta lang ako tinitigan nito na para bang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya masabi. Ilang minuto rin siyang nakatingin lang sa akin bago tuluyang lumabas ng opisina.
Anong nagawa ko?
May mali na naman ba akong nasabi?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
General FictionIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...