ANGELO'S POV
"Where the fuck is she? You said that within 20 minutes she'll be here! But where is she now!? Damn!" Sigaw ko sa telepono dahil hanggang ngayon wala pa rin yung secretary ko.
It's already 9:05 in the morning, and yet wala pa siya dito? My ghad! Unang araw palang palpak na agad.
Habang nanggagalaiti ako sa galit ay biglang may pumasok na isang babaeng hingal na hingal na kulang nalang ay maubusan na ng hininga.
"I'm sorry for being late, Sir." Hingi niya ng paumanhin habang hingal na hingal pa rin.
"And why are you late?" Sabi ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Traffic po kasi, and may nakabangga rin sa akin kaninang lalaki nung papunta na ako dito sa office niyo. Pasensya na po talaga." Sabi niya.
"Fine, just make sure that this will not happen again. Do you understand, Ms. Miranda?"
"Yes, Sir." Sunod-sunod na tango naman nito.
"Okay. Listen very carefully, I don't want to repeat this again, Ms. Miranda." Sabi ko sa kanya habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa table ko.
"I bet you know the work of being a secretary, right? You are the person na mag-a-assist sa akin about my schedules and meetings." I said while looking intently at her.
"Yes Sir, I know all those matters. You can count on me, Sir. And, I promise that I will not disappoint you." Sagot naman nito sa akin.
"Well, I hope so. I hope that you will not disappoint me like you've said awhile ago."
"By the way did you see your office?" Tanong ko sa kanya.
"Not yet, Sir. Dumiretso po kasi agad ako dito."
"I see. Come on, I will show you your office." Pagkasabi na pagkasabi ko ay agad naman itong tumayo. Good, girl.
"So, this will be your office starting today. Three rooms ang pagitan ng office nating dalawa. Kaya, kapag may kailangan ako sa'yo, ay tatawag nalang ako through telephone. Do you copy?" Sambit ko sa kanya habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa aking bulsa.
"Yes, Sir Angelo! Noted po." Magiliw na sambit nito sa akin.
"Go to your work now." Sabi ko sa kanya saka ako naglakad palabas ng office niya. Marami pa kaya akong dapat gawin no, duh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ZEPHYR'S POV
Haaay! Hindi ko inexpect na ganito pala kahirap maging secretary ni Boss Angelo. Unang araw palang, pero tambak na agad ako ng gawain.
Ewan ko ba, pero mas gusto kong binabanggit yung first name niya. Para kasing narinig ko na 'yon dati.
"Sir, your next meeting with the investors is exactly 3:00 in the afternoon at Grand Palace Royale."
"Okay." 'Yon lang yung sasabihin niya? Gusto ko pa naman talagang marinig yung boses niya pero parang sobrang tamlay niya. Oh my! Baka naman may sakit si Boss, hindi ko yata kayang makita na sobrang tamlay ng baby ko ay este ni Boss Angelo. Hehe.
"Sir, may sakit po ba kayo?" Wow! Edi ako ng concern.
"None, why? Masyado na bang halata yung wrinkles ko? Oh, my golly gosh! This can't be!" Pasigaw niyang sabi. My goodness! Bakit lantaran yung pagkabakla ni Boss sa harapan ko? Dahil ba alam ko na kung ano talaga siya? Hindi ba niya naisip na nasasaktan ako kapag ganyan siya? Huhuhu. I kennat mommy.
"Sir, kahit naman may wrinkles na kayo, GWAPO pa rin naman kayo e." Sabi ko with full emphasize sa salitang "GWAPO" para naman madama niya na isa siyang lalaki at hindi isang babae.
"What the heck, Ms. Miranda!? MAGANDA ako at hindi GWAPO so stop talking. It's nonsense, bebe girl." Sabi niya na parang diring-diri sa mga narinig na salita mula sa akin.
Pero, wait! What!? Bebe girl daw? Shocks! I'm willing to be your one and only bebe girl basta ba ipangako mo na magiging lalaki ka bago kita magahasa! Enebe yen, eng heley ke ne.
"What's with that smile?" Sabi niya nahalata niya siguro na nakangiti ako. Ihhhh! Boss naman kasi e.
"Ah! Nothing, Sir, may iniisip lang po ako." I said while giggling.
"Okay. Just to remind you again, Ms. Miranda, you need to finish the powerpoint presentation before 3:00 pm."
Kung hindi ka lang talaga gwapo at kung hindi lang kita crush, matagal na kitang sinakal. Tsk. First day na first day ganito agad? Expectation vs. Reality talaga. Haaay.
"Okay, Sir Angelo." Sagot ko sa kanya. Kaya mo 'yan, Zephyr! Fighting!
Paglabas na paglabas ko ng office ni Boss ay may nakasalubong naman akong isang babae na sa palagay ko ay nasa 40's na ang edad. Gulat na gulat pa nga ito ng makita ako e.
"Who are you, iha?" Mahinhing tanong niya. Pero, kahit mahinhin yung pagkakatanong niya, still, na-intimidate pa rin ako ah!
"I am Achelois Zephyr T. Miranda po Ma'am. I am the new secretary of Mr. Angelo. How may I help you, Ma'am?" Sagot ko sa kanya, saka ako yumuko bilang paggalang.
"Oh, so you are the new secretary of my son?" Nakangiting sabi nito sa akin.
"S-son po?" Tila nabato ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kaharap ko ang mommy ni Boss Angelo! Putahamnida!
"Yes. So, how is he?" Tanong nito sa akin.
"Ah, okay naman po siya. First day ko palang po kasi, kaya hindi ko pa po masyadong alam kung anong ugali mayroon si Sir Angelo."
"Ah, ganoon ba? Sana magtagal ka sa kanya, iha. Marami ng umayaw at nag-resign na secretary niya, dahil sa ugali niya. Masyado kasing mainitin ang ulo niya at laging nagsusungit. Sana lang talaga ay magtagal ka sa kanya. Sana matagalan mo ang ugali niya. You look kind and trustworthy naman, kaya ipinagkakatiwala ko sa'yo ang pagdidisiplina sa kanya. Kahit na he's your boss still meron kang karapatan na pagalitan siya once na nagsungit na siya sa'yo. At kapag hindi siya nakinig sayo sumbong mo lang siya sa akin." Totoo ba 'to? Naks! Ang bait ng mommy ni Boss Angelo!
"Hindi pa naman po niya ako nasusungitan pero grabe po pala siya magbigay ng paperwork kasi hindi ko pa man po tapos yung iba, nagbibigay na naman po siya ng panibago."
Totoo naman dba? Hindi pa man ako tapos sa ibang paperwork may kasunod na agad.
"Hayaan mo nalang siya, iha. Basta dapat lagi kang nasa tabi niya as his secretary and also as his friend." Wew! Akala ko naman as his girlfriend sayang.
"Yes, Ma'am. Makakaasa po kayo. By the way, may I know your name, Ma'am?" Ang tagal na naming nag-u-usap, pero hindi ko pa rin alam yung name niya.
"I am Mrs. Elizabeth Victoria Davis." Ang bait niya talaga. Ang hinhin pa magsalita. Kahit na nasa ganoong age na siya still maganda at makinis pa rin ang mukha at balat niya. Napaka elegante niya tingnan. Wala ka ring makikita sa mukha o ugali niya na kahit katiting na pagka-arogante.
Namiss ko tuloy bigla si mama dahil sa kanya. Sana nandito rin siya.
"Nice to meet you po, Ma'am Victoria." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Nice to meet you too, young lady. Okay, I have to go na. Hindi na ako papasok sa loob, at mukhang busy rin naman ang Boss mo." Sabi niya, saka niya ako kinindatan at umalis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Don't forget to VOTE, COMMENT, and RECOMMEND my story, guys! Lovelots.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
General FictionIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...