Tinnie's Pov
Madaling araw na pero hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Napanganga na lamang ako ng maalala ko ang biglaang paghalik niya kanina? Is he even interested? Kasi kung ako ang tatanungin I'm not interested. Hindi kasi siya needs para magka-interest ako sa isang katulad niya.
Muntik na akong mapatalong sa gulat nang sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko. Mukhang aatakihin ako sa puso nito nakalimutan kong i-silent. Dinampot ko ang cellphone ko para tignan kong sino ang nagmessage sa akin. Facebook notification lang pala.
Napamura ako sa nasaksihan ko.
Aki Cruise is feeling hot with Cristina Rielle Cordova
1 min . Public
2.1k Likes 500 Comments 60 Shares
Cheesecake! Ano to? Magka-friendship pala kami sa fb? Wow! Pero what the heck 'yung feeling hot churvaness niya!? Nasisiraan na ba siya ng ulo. Fame pala 'to akalain mo naka 2.1k likes, 500 comments, and 60 shares kaagad siya. Babasahin ko na sana ang mga nasa comment section pero may biglang nag pop-up na notification.
Aki Cruise tagged you in a video
Pinanood ko ang video. Uminit ang mukha ko. Bakit para akong nanood ng isang porn video?
'Dude, naka-score ka na?' - Francisco Elmo Diaz
'Shit! With feelings ang halikan moment niyo. Hahahaha!' - Ken Villegas
'Sa wakas napansin ka na rin.' - Raphael Plaza
'Take this down, Aki. Pinapahiya mo lang si Tinnie." - Drin Villanueva
'I'm enjoying this." - Henry Tan
'Seriously? Ipagkakalat mo 'to? She's cute.' Angelo Pimenova
'Back off, Angelo. I don't share her, she's mine.' - Aki Cruise
'Cut this crap, Aki. Don't do this to my stepsister!' - Drin Villanueva
Damang-dama ko na ang kahihiyan kahit sa social media lang ito. I hope he will cut this crap ayokong pagtsismisan. Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ng mga comments. I just stop reading dun sa part kung saan ipinagtanggol ako ni Drin Villanueva - my stepbrother.
Ramdam na ramdam ko na ang kahihiyan. My messenger starts popping. It took me minutes bago ko binasa ang messeges. Napanganga ako. Death threats ang mga natanggap ko. People are crazy these days konting kibot lang pinagpipiyestahan na. Another messenger notification pops up. Alam kong isa na naman 'tong death threats from those fangirls ng lalaking iyon.
Can I rest in peace?
******************
Aki's Pov
Naka frist base na ako sa babaeng 'yon. I like her attitude. She's feisty. Tinignan ko ulit 'yung kuha ng video
Shit! Ang lambot ng lips niya. Napangiti na lang ako.
"Yo! Drin, what's up?" bati ko sa bagong dating na si Drin.
"Stop messing my stepsis." may bahid ng galit ang bawat tono ni Drin.
"Sino ba?" napakamot ako ng batok at tinignan siya ng seryoso.
"Si Tinnie. She's my stepsis. Stepmom niya ang mama ko. Her mother died when she was 14 years old." sabi niya. Nagpeace sign ako.
"Sorry, dude. But I like your stepsister's attitude, too feisty. Akalain mo ininsulto ka rin niya at hindi lang ikaw tayong lahat sa tropa." napatawa na lang ako.
"Aki, mukhang masasapak ka ngayon." sabi ni Francel 'yung tinutukoy ni Tinnie na shine like a diamond.
"Bakit?' tanong ni Drin. Siya naman 'yung malapad ang balikat. Napailing na lang ako.
"Cordova." narinig kong sabi ni Ken.
"Punyeta ka Ken padaanin mo ako. Sasapakin ko lang 'yung kaibigan ko." napalunok ako. Totoo nga nakakatakot pala siya.
"YOU!" sigaw ni Tinnie nang makita niya ako.
"Tinnie, umayos ka." saway ni Drin sa kanya pero Tinnie just hissed at him.
Dapat na ba ako magtago?
"Shut up, Drin. Oy! Ikaw Aki hahalikan mo na nga lan ako vivideohan mo pa tapos ipagkakalat mo. Anong akala mo gumagawa tayo ng scandal?" dahan dahan siyang lumapit sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
"I'm sorry. Geez, para 'yon lang." pero sa hindi inaasahang pangyayari sinapak niya ako at nagmamadaling umalis.
Babaae ba iyon?
"Sabi ko sa'yo 'wag mo na ipagpatuloy 'yang ginagawa mo." komento ni Drin.
'Yung kagwapuhan ko nasira. Napangiwi ako sa pagsapak niya. Damn!
"Pero atleast diba nakuha mo na ang atensyon niya." natatawang sabi ni Francel.
Hinilot ko na lang ang sentido ko. Sumasakit talaga ang ulo pag naiisip ko ang babaeng 'yon.
Bakit ang hirap niya makuha? Kahit nga si Ardy madali kong nakuha ang loob pero si Tinnie ibang iba sa lahat ng babae.
Ano bang magagawa ko para magustuhan niya ako?
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...