Chapter 40

2.3K 64 6
                                    

Tinnie's Pov

"Tinnie, mabuti at gising ka na." Saad ni Drin sa'kin. I'm still traumatized sa aksidente. "Drin?"

"Bakit?"

"Hindi naman masama ang mga sugat ko, diba?" Tanong ko sa kanya. Sumeryoso ang ekspresyon ni Drin at umiling na lamang siya.

"You're not bad, except lang sa benda mong nakadikit sa ulo mo." Natatawang sabi ni Drin. "Buti nga at hindi malala ang mga natama mo." Dagdag pa niya.

"Si Pinky? Is she okay?" Nagaalalang tanong ko.

"Oo, okay lang siya." Sagot ni Drin.

Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may kakaibang nangyayari. Parang may mali. Parang may isang trahedyang naganap.

"Tinnie, may sasabihin ako sa'yo. Wag kang magpanic." Hinawakan ni Drin ang kamay ko.

"Bakit ano bang meron?" Kinakabahan kong tanong. "Si Aki." Naguunahang bumagsak ang mga luha ko.

No.....

"Naaksidente siya habang papunta rito sa hospital at kanina lang ay muntik na siyang mag flatline. May sakit siya sa puso, Tinnie, at hindi niya iyon sinasabi. Pinky on the other side was his donor. Ayaw na niyang magpagamot dahil alam niyang mawawala rin siya pero nung nakilala ka niya nagbago ang takbo ng mundo niya nakipagkasundo siya kay Pinky. He is willing to risk everything for you, Tinnie." Pinupunasan ni Drin ang mga luha kong bumabagsak.

"Where is he? Dalhin mo ko sa kanya? Bat hindi niya sinabi?" Gumaragal na ang baritono ko.

How can he? Hindi niya sinabi sa'kin. He's so unfair.

"Nasa ICU siya nakatutok sa kanya ang lahat. I can take you there. Hindi niya sinabi sa'yo dahil masasaktan ka lang at baka kaawaan mo siya." Napatigalgal ako sa sinabi ni Drin.

"Mas lalo akong masasaktan kung hindi niya sasabihin sa'kin." Yumakap ako kay Drin.

"You want to see him, right?" Tumango ako. "Let's go." Inalalayan ako ni Drin patayo upang makapunta kami sa ICU.

It's heartbreaking. Hindi ko alam kung kaya ko pa. Hindi siya 'yung Aki na malakas, matatag at napakaarogante. Pero ngayon...

May kung anong aparato ang nakakabit sa kanya. Nakapikit ang mata niya at mag bahid pa ng mga sugat ang mukha niya.

"Is he going to be okay, Drin?" Tanong ko kay Drin.

"He will. Kakatapod lang ng surgery niya. 24 hours lang ang hinihintay para malaman kong irereject ba nga katawan niya ang bagong puso." Sagot ni Drin. "Maniniwala ako na bakla ang gago na 'yan pag hindi siya gumising." Dagdag pa nito.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.
"Baby, please wake up." Bulong ko. Hindi ko napigilang pangilidan ng luha. "Aki, gising na please. Nagaalala na kaming lahat sa'yo."

Pagnawala ang taong mahalaga sa'yo dun mo lang madama ang sinasabi nilang paghihinayang. Sana ipinaglaban ko siya kay papa.

"Gagong to, gumising ka na." Humihikbi na ako. "If you won't wake up ibibitay kita patiwarik dito sa hospital." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya at patuloy na umiiyak. "I love you dangerously. High as the Mt. Everest and deeper as the bottom of the ocean."

"Aki?"

Patuloy ang pag-iyak ko. Rinig na rinig ko ang pagsardo ng pinto at ang aparato.

"Wake up..."
"Hindi pa kita sinasagot. Gumising ka na." NO REACTION.

"Diba we'll be together always - days, years and eternities. Baby, please squeeze my hand."

Am I dreaming? Or not? Naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.

"Aki." Sinusubukan niyang imulat ang mata niya.

"Wait, tatawag ako ng doctor." Naglandas ang luha ko sa mga mata. He's awake. Umungol siya.

"Ano 'yun?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tumitig siya sa'kin. Hindi ko siya maintindihan dahil sa nakakabit na tubo sa bibig niya.

"I..... Love... You... Always...." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya sa gilid ng mata niya. "You... And... I..." Halos pabulong ang pagsasalita niya. Nagtaas baba ang dibdib niya.

"Tatawag ako ng doctor." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan siyang umiling.

Ipinikit ni Aki ang mata niya. Hindi ako makagalaw nang tumunog ang isang aparato.

FLAT LINE

When The Bad Boy Fall In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon