Tinnie's Pov
"Cristina Rielle Cordova, bat mo naman sinapak si Aki?" tanong ni Chinny. Kanina pa niya ako tinatanong kung bakit pero yun rin naman ang sagot ko. Naikwento ko kasi sa kanya yung video kung saan hinalikan niya ako.
Nagfi-feeling na gumawa ng porn dinamay pa talaga ako.
"Ang kapal naman kasi ng mukha. Napaka KSP." sagot ko napa face palm na lang si Chinny
"KSP? Kulang sa pansin."
"Baliw hindi what I mean kulangot sa pader. Nababanas ako sa pagmumukha niya." I rolled my eyes.
"Kapitbahay ko siya." nanlaki ang mga mata ko.
Huta!
"Makalayas na nga." tatayo ba sana ako nang may nag door bell.
"May bisita ka pala Chinny." Shutanginerns boses yun ni Aki
"Bisita? Wala eh. Bwisita meron." sagot ni Chinny.
"Tse! Makalayas na nga dito." narinig kong tumawa si Aki.
Mukha ba akong clown para pagtawanan?
"Aalis ka ng ganitong oras? C'mmon Tinnie alam naman natin na delikado na ngayong gabi. Ihahatid na lang kita." ngumiting aso si Aki. I don't like that smile. Nakakakilabot.
"Mabuti pa nga marami pa namang tambay dyan sa kanto." suhestiyon ni Chinny. Poprotesta sana ako nang bigla akong kinaladkad ni Aki palabas ng bahay ni Chinny.
"Let. Me. Go. Masakit." binitawa niya kaagad ang pagkahawak niya sa palapulsuhan ko.
Dyusme baka maaga akong mamatay sa lalaking to."Sorry." ngumiti na lang ako.
"Stepbrother mo pala si Drin." sabi niya tumango ako.
"Bakit ba lagi kang nag iisa?" Ako nag iisa?
"I have my set of friends." sagot ko kahit hindi naman konektado sa tanong niya.
"I know. You have Chinny ang mukhang living doll, Sunshine mas siga pa sa lalaki, Apple ang masungit na chinita, Virgina ang pabebeng laging broken hearted, Ayana ang dyosa, tapos si Chaira ang medyo manyak mag isip." napanganga ako sa sinabi niya."Hindi mo naman sila nakakasama kaya nag iisa ka. And I'm all yours." dagdag pa niya.
"Ano bang gusto mo? Kung si Ardy nadale diyan sa mga salita mo pero ako hindi." huminto ako sa paglalakad at huminto rin siya.
"I just want you that's all. All your flaws, smiles, jokes, sarcasm and everything. I just want you." sagot niya.
Dear heartbeat,
Please stop beating so fast. You're making me damn insane.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...