Annyeong! Happy New Year!
★★★★Aki's Pov
Nine months.
Days and nights hindi ako mapakali. I've been stalking her social media accounts and I think she's doing great.
It hurts to think that okay siya kahit wala ako. I mean nabuhay naman siya na hindi niya ako kilala.
Natigalan ako nang siniko ako ni Francel.
"She's here." aniya sa mahinang tono. Bumilis ang kabog ng puso ko.
Sa siyam na buwan na wala siya ginugol ko ang sarili ko sa pagbabago ayokong masabihin ulit na bobo lalo na pag galing sa magaling na bunganga ni Tinnie.
Malapit na akong gumraduate bilang Business Administration.
Naka tingin ako sa nakalapag na red carpet, waiting for her. Isang convention ang ginaganap ngayon.
"What if galit pa rin siya? What if nasasaktan ka rin, Aki? What if may iba na si Tinnie?" sunod sunod na tanong ni Henry.
Natigilan ako. Paano nga ba? Pero kunwari lang 'yun. Napanganga ako dahil nakita ko siya. Marami ang nagbago sa kanya. She looks more stunning. Madali ko siyang makilala. Those tantalizing eyes, sweet sultry lips, white milky skin, and those long legs.
It's her.
Si Cristina Rielle Cordova in all black. She looks like a goddess.
"Things that hurt, things that you regret, you might as well use them to make you stronger." sagot ni Raphael sa mga what if's ni Henry.
Tama si Raphael, ayokong sayangin ang mga pinaghirapan ko. Simula nung mawala siya lagi akong tambay sa bar ni Angelo, halos muntik ko nang mapabayaan ang pag-aaral ko. But things turn out well nagbago ako, nagsumikap ako dahil gusto ko pagbalik ni Tinnie may ibubuga na ako sa kanya. So, she won't out smart me. Dahil siya pa rin ang gusto kong ikulong sa mga kamay ko.
"Tinnie, narito kami!" sigaw ni Angelo, mukhang napansin naman ni Tinnie si Angelo at lumapit siya sa pwesto namin.
"Hi." bati ni Tinnie nang makalapit siya sa amin.
"Kumusta ka na?"
"Tinnie, you look more feminine."
"Where have you been?"
"Magkwento ka naman, matagal na tayong hindi nakakapagusap."
Natawa na lang si Tinnie dahil sa tanong at mga papuri ng mga kaibigan namin.
"Guys, hinay-hinay lang nalilito na ang dyosa." napatigil si Tinnie at tinignan ako gamit ang blangko niyang ekspresyon.
"Hi Aki." ngumiti siya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang binati niya ako.
"Hi Tinnie." ngumiti ako pabalik sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.
Naiwan akong nakatulala habang nakikinig sa mga nagtatawanan. She's having a great time with my friend. Napabuga na lang ako ng hangin.
"I really do think of you as a friend. I thought I was the only one who thought that way though. I thought you considered me a pain to be with. So, it would make me happy if we could just be friends." napabaling ang atensyon ko kay Tinnie na ngayon ay nakatingin sa akin.
Friendzoned na naman!? Shit!
"Mahirap maging kaibigan lang, kung ang sinisigaw ng puso ko ay AKIN KA NA LANG ULIT." nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Maglalaro na naman ba tayo, Aki?"
"Oo, gaya ng dati. Hahabulin kita hanggang mapasaakin ka muli." ngumisi siya.
"Tumatanda ka ng paurong." naka cross arm siya sa harapan.
"Still mad at me?" tanong ko sa kanya. Gusto kong magkalinawan na kaming dalawa.
Right here. Right now.
Tumayo siya at lumabas sa venue kung saan ginaganap ang convention. Nang maabutan ko siya bigla kong hinaklit ang braso niya at napasobsob siya sa dibdib ko.
"Nasasaktan pa rin ako, kapag naririnig ko ang pangalan mo." nasaktan ako. Parang may matalim na bagay ang sumaksak sa akin. Bigla ko siyang niyakap.
I miss hugging her. Naramdaman kong mabibigat ang mga paghinga niya.
"Hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ko para sa'yo, Tinnie." mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.
I am a obsessed possessive jealous man.
"Ang paki ko parang ipon, ubos na." bigla niya akong sinuntok sa dibdib para makawala siya sa yakap ko.
"You want me that badly? Now, beg for my attention and affection. Nacha-challenge ka, Anthony Kiel Cruise?" ngumiti siya ng nakakaloko sa aking.
Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko, kahit panandalian lang ay naramdaman ko ulit ang init ng kanyang labi. Lumipat ang labi niya sa tenga. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.
"You're playing with fire, Aki, now burn, baby burn. sabi niya bago ako nilagpasan.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...