Aki's Pov
"Nafriend zone ako mga dude." nakaka frustrate first time to.
"Friendzone is real." sabi ni Henry yung kabayong mahaba ang baba."I told you. Nothing beats my stepsis. Pa-fall ata yun." komento naman ni Drin.
"Sinong pa-fall?" nagulat kaming lahat kay Tinnie.
Ano bang ginagawa ng halimaw na to? Nabebeast mode pa rin ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Wag mo munang pansinin Aki. Nafriendzone ka. Pansinin mo na lang ang paggawa ng journal entry, general ledger, trial balance, cash flows, financial position tapos income statement.
"Ken, tabi nga dyan."
"Bakit ba? Sarap ng pag upo ko rito tapos paalisin mo lang ako."
"Tabi nga kasi dyan. Gusto ko si Aki ang katabi ko." relax lang Aki. Yung puso mo.
"Dun ka na lang kay badjao."
"Yoko. Hindi naman si Raphael si Aki. Hindi naman siya si Anthony Kiel Cruise." narinig ko ang pag ubo ni Francel at ni Drin.
"Oo na." naramdaman ko ang pagtabi ni Tinnie sa akin. Pag sa iba ang tapang-tapang ko pero pagdating kay Tinnie naku tiklop ang kaangasan ko.
"Oy?" tinusok niya tagiliran ko. Jusme! Tinnie baka sa susunod yung abs ko ang mahawakan mo.
"Tinnie, baka gutom ka. Nung gusto mo kainin?" narinig kong tanong Raphael kay Tinnie.
"Hotdog" deretsong sagot ni Tinnie.
Wait! What?
"Gusto mo nang hotdog? Meron ako yung di na uubos." hindi ko na napigilan pananahimik ko. Nagkatinginan kaming lahat. At mukhang nag sink in kay Tinnie ang sanabi ko.
"Huta! Tingin mo sa akin. Hmp!" pinukol niya kami ng masamang tingin.
"Tinnie kababae mong tao ang hilig mong magmura." saway ni Drin sa kanya.
Napangisi naman ako. Naku Aki mukhang makaka damoves ka nito.
"Ikaw nga kalalaki mong tao kung umasta ka minsan parang bakla hindi lang yun mas maganda ka pa sa babae." nagsitawanan kaming lahat. "Accounting ba yang ginagawa mo. Magaling ako niya. Gusto mo tulungan kita?" pag iiba ni Tinnie sa usapan.
"Ayoko." galingan mo sa pag acting Aki
"Sige na please."
"Ayoko nga."
"Aki naman. Sige na. Gagawin ko lahat. Pretty please with the cherry on top." palihim akong ngumiti.
"Mahilig ka sa basic accounting?" tumango siya. Eto na yung chance ko.
"Gagawin mo lahat?"
"Oo." ngumisi na talaga ako.
"Then, ipapakilala kitang girl friend ko sa aking magulang." napanganga silang lahat.
"Wag na nga lang." humalakhak ako.
"Edi ayaw. Pero sayang naman tong acctg. Gusto ko pa naman sana magpaturo." pangongonsensiya ko. Papayag na yan si Tinnie. Acctg kaya to.
"Oo na nga sa ngalang ng Acctg. Pero don't fall for me." sabi nito sabay agaw ng general journal ko.
"Fine." kahit masakit. Wala talaga Aki. Friendzone ka na talaga. "Pero kung mahuhulog ka na sabihin mo lang dahil I am here to catch you." bulong ko sa tenga niya.
Kahit bituin susungkitin ko mahulog ka lang sa akin Cristina Rielle Cordova. Soon you'll be mine and everyone will just be a collateral damage.
You'll fall for me deep and hard.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...