Aki's Pov
"Walang pinapaasa dito, Pinky. Iniwan si Aki hindi dahil ayaw na ni Tinnie, kundi iniwan siya dahil alam ni Tinnie na may nagiba." nagtagis ang bagang ko sa sinabi ni Francel.
Hanggang dito ba naman may asungot pa rin na sumusunod kay Tinnie.
"How thoughtful mo naman, Francel. Why are you protecting that bitch? Obvious naman na nilalandi ka niya pati na rin si Aki. She even made sampal to me." mataray na sinabi ni Pinky. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko kaya.
"Dahan-dahan sa paninira, kasi baka mukha mo na ang sunod na masisira." tinaasan ng kilay ni Tinnie si Pinky.
Hindi ko alam kung anong pinaghuhugotan ni Tinnie.
"You're so bastos." bakas ang pagkadisgusto sa boses ni Pinky.
"Tama na, Tinnie. Siguro nga guilty ka dahil sinampal mo si Pinky pero tama na." nabigla si Tinnie sa rebelasyon ko.
"Naniniwala ka sa higad na 'yan? Oh My Gosh! Wala kang alam, Aki. Sino ba ako para pigilan ka sa mga pinaniniwalaan mo galing sa anak ni Hello Kitty? Next time google before you speak." napakuyom ako ng kamao.
"At ikaw naman Pinky, hindi ako lamesa para patungan ng iba. Kung wala kang matinong sasabihin, manahimik ka nalang. Basic na nga lang, 'di mo pa magawa." dinuro ni Tinnie si Pinky.
"Watch your words, Tinnie!" sigaw ko sa kanya.
"SHUT UP! You drugged me. Akala mo hindi ko pa nakakalimutan, kaya pala nawawalan ako ng tiwala. Anong gusto mo kwentahan tayo!?" napatayo ako sa kinauupuan ko at inilang hakbang ko si Tinnie.
"Bitiwan mo nga ako!" pagprotesta niya.
"Bitawan mo siya, Aki." aniya ni Francel pero inambagan ko lang siya ng isang suntok.
"Aki, where are you going?" hindi ko pinansin si Pinky. Hindi ko pinansin ang pagprotesta ni Tinnie bigla na lamang akong yumuko at isinampay ko siya sa katawan ko na parang isang sako na bigas. Maramdam ko ang pagsalampak ng mukha niya sa likod ko.
Nagmamadali ako sa paglakad. Nakarinig ako ng may mga sumipol pero hindi ininda ang pagkainis dahil sa oras na to gusto kong makipagusap ng malinaw kay Tinnie. Nang makarating kami sa parte ng isla na wala masyadong tao ay ibinaba ko na siya sa buhanginan.
Bakas sa mukha niya ang pagkairita. I clenched my jaw.
Tinnie's Pov
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainis. Ano na naman ba ang ginawa ko? Nanlaki ang mata ko nang tumabi siya sa akin. Ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ko.
For Pete's sake! Naramdaman ko ang mainit niyang hininga niya sa may tenga ko nang sumiksik siya sa leeg ko.
Pilit kong kinakalas ang pagkakahawak ni Aki, masyadong mahigpit ang yakap niya at hinding-hindi ako makakawala.
"Don't...." mas lalong humigpit ang yakap niya. "I miss our long talks, your smile, your laugh, your smell, your kisses and your hugs. I wish I could have them back."
I'm seriously speechless! Mukhang tumaas ata ang self-confidence niya.
Siguro kaya hindi ko siya makalimutan, kasi hindi ko naman talaga siya dapat kalimutan.
"Sana hindi ka nalang nagparamdam. Kasi okay na ako, ginulo mo lang." nanlumo ako sa sinabi niya.
Is he better when I'm not with him?
"I missed everything about you and its killing me." hindi ako makapagsalita nanunuyo ang lalamunan ko.
"Hindi mo ba talaga ramdam? Na kahit ilang beses mo ako sinaktan kaya pa din kitang mahalin. Kasi 'yun ang sinasabi ng puso ko, pero magkasalungat ang sinasabi ng utak ko. Pagod na pagod na akong mahalin ka, Aki. Kapag dumating na 'yung panahon na hindi na ako 'yung nasa puso mo at hindi mo na ako maalala, tatanggapin ko 'yun dahil masaya ako na dumating ka sa buhay ko at tinuruan akong magmahal ng totoo." mas lalong humigpit ang yakap niya.
"Ikaw lang yung gusto kong makasama saan man ako dalhin ng aking mga paa. Namimiss ko na 'yung dati. Pero kailangan kong tanggapin na dati na 'yun at marami ng nagbago ngayon. One day, gigising din ako sa umaga na ikaw na ang kayakap muli at hindi na unan." bumibilis ang tibok ng puso ko.
What is he doing to me?
"Will you please stay with me, Tinnie?"
![](https://img.wattpad.com/cover/89486101-288-k543919.jpg)
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...