Aki's Pov
HINDI pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Drin. Damn that man. He's trying to steal my girl.
"Paano ako makakapasok sa buhay mo Tinnie kung wala namang pintuan?" tanong ko sa aking sarili.
"Edi sa bintana ka dumaan." napalingon ako sa bagong ligo na si Tinnie. "Alam mo para kang nesfruta."
"Huh? Bakit?"
"Kasi real na real ka." napailing na lamang ako.
Minsan hindi ko maintindihan ang ugali ni Tinnie medyo mahangin na ewan. Umorder na lang ako ng makakain namin.
"Tsk. Subukan mong landiin ang lalaking kasama ko, pasasabugin ko mukha mo." napatingin ako sa kausap ni Tinnie nanlaki ang mga mata ko. Mukhang magiging gulo to.
Ang hirap talaga ng pogi problems, lagi na lang nilalandi ng mga sisiw.
"Tinnie, okay ka lang? Lilipat na lang tayo."
"Okay lang ako." tinignan niya ako ng masama.
Ang gulo talaga ng mga babae. Marami ang gusto pero pagtinanong mo sasabihing wala. Sasabihing okay lang kahit deep inside nagagalit at nagseselos na. Magagalit na lang kahit wala namang dahilan. Lahat ng rason mo may pambara. Laging tamang hinala. Kahit sinong babae pinagseselosan. Moody, pabago-bago ng isip at higit sa lahat laging gutom.
Umiling na lang ako. Paano ba yan? Hindi ko naman pwedeng baguhin ang nararamdaman ko. Hindi ko lang masabi sa kanya dahil natatakot akong mareject.
Na saakin naman siya, pero bat natatakot pa rin ako? Mamanipulahin ko ang lahat wag lang siya mapunta sa iba. I am obsess at possessive. Blame me or not kung tinatago ko ang totoo kong pagkatao na sa likod ng pagiging bad boy na ako lamang nagproklama ay isang lalaking naghahanap ng atensyon at pagmamahal.
"Miss, stop flirting and winking at me dahil nakakadiri." ngumisi ako sa babaeng kanina pa binubungangaan ni Tinnie.
"Pisti!" kinurot ko ang pisngi ni Tinnie dahil sa pagmumura niya.
"Red tide?" bigla na lamang siyang tumahimik at nagiwas ng tingin. Mahina akong tumawa.
"Wala ng mas maldita pa sa babaeng may regla."
"My level of sarcasm has got to the point where I don't know if I'm kidding or not." wala sa sariling sabi ni Tinnie. Napangiti na lamang ako mukhang sinusumpong na naman to ng kabaliwan.
"What's wrong?" tanong ko sa kanya. Iba yung tingin niya eh.
"Nothing." umiling na naman ako. Mga babae talaga ang hirap intindihin pag may regla.
"Back hug, kiss on forehead and tight hug, I like that shit." tinignan ko ulit siya ng mabuti. I think she's opening up.
"Si Drin? Isa lang siyang stepbrother ko, he's older than me. Masakit man isipin pero my mom was a mistress. Walang nakakaalam ng sekreto ko kundi si Drin lang. On the year 2014 my mom died due to her ovarian cancer, she was the only person I had. Para akong mamatay nung mawala siya technically, I was devastated. Then there kinuha ako ng papa at itinira sa iisang bahay kasama si Drin. Hindi kami blood related ni Drin, anak siya sa unang asawa ng stepmom ko. Kahit ayaw na ayaw ng papa ko sa akin sinuportan niya ako financially kahit kaya ko naman. Beside, I had Kuya Light pinsan ko." bawat salita niya ay nararamdaman ko ang lungkot.
"Laging sinisisi sa akin ni papa at ng stepmon ko kung bat muntik ng pabagsak ang negosyo nila. He blamed me for my mother's death." humingi siya ng malalim at nagunahan bumagsak ang mga luha niya. Parang may kumirot sa puso ko.
Hindi ko kayang nakakikitang nasasaktan at umiiyak si Tinnie, because it fvking hurts like hell. Pinunasan ko ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pagpatak.
"Tinnie, hindi ko hahayaang masaktan ka nila. I am going to protect you. Alam mo bang gusto kita makasama kahit saan at kung kailan. I wanna be 70 and still with the same person I was messing with when I was 21." hinalikan ko ang noo niya para kumalma siya sa kanyang nararamdaman.
"Damn I am so lucky. Then, I guess should I say it also that I wanna be 70 and still with same person I was messing with when I was 18." ngumiti siya sa akin at mahinang sinuntok ang braso ko. Dyahe! ngayon na nga lang ako magiging sweet iiral naman ang pagkasadista ng baliw.
"Hi kuyang pogi, pwede makipagkilala?" tanong ng babaeng lumapit sa akin. Dyusme Miss lumayo ka dito lagot ka sa kasama ko baka ma-flying kick ka.
"Huwag mong landiin ang taken na. Baka gusto mong hambalusin kita." pinagtaasan ng kilay ni Tinnie ang babaeng lumapit sa akin.
"Sino ka ba? Jowa ka ba ni kuyang pogi?"
"Kailangan bang jowa ang label para maging taken? Hindi ba pwedeng nasa magkaibigan na may something kesa sa jowang parang nothing." pagtataray ni Tinnie pero dineadma lang siya ng sisiw.
Sana mabuhay pa ako pagkatapos nito. Dahil, handang-handa na masuntok ni Tinnie ang sisiw.
"Kahit anong papansin ang gawin mo sa kanya, kung hindi naman ikaw ang gusto niya, hinding-hindi ka pa rin niya mapapansin." pagpaparinig ni Tinnie.
"Bakit gusto ka ba niya?" tanong nang babae sa kanya ngumisi si Tinnie at tinignan niya ako ng nakakaloko.
"Baby, now tell her na ako ang gusto mo." pinanlakihan niya ako ng mata. Sumagot ka Aki kundi tustado ka kay Tinnie.
"Pasensya na talaga, Miss, pero ang baby ko ang gusto ko at hindi ikaw." ngumiti ako sa kanilang dalawa. Inismiran lang kami ng babae at padabog na naglakad palayo sa amin.
Pero nag enjoy talaga ako sa mga pinagsasabi ni Tinnie.
"Selos ka naman." pangaasar ko sa kanya.
"Selos? Pwet mo. Nag eenjoy ka nga eh."
"Basta ikaw lang ang kasama ko, napakasaya na ng araw ko." banat ko sa kanya. "At alam kong hindi tayo, pero gusto akin ka lang." dagdag ko.
"Sayo lang naman ako, hindi ko naman ibibigay ang sarili ko sayo kung hindi mo ako pagmamay-ari, dahil, alam kong hindi ako makakawala sayo at sa mga plano mo pati na rin ang larong nasa isip mo." ngumisi ako.
Alam niya pala ang motibo ko.
"Then, It's a war."
"Oo, it's a war. I can't wait to see your downfall, Anthony Kiel Cruise. Titignan natin kung sino ang unang mahuhulog."
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Ficção AdolescentePaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...