Walang pasok hindi na ito yung usual na ginagawa ko kundi ito ay napaka unusual.
"Waaah!" sigaw ko mas lalo akong yumakap sa kanya.
Sino? Walang iba kundi si Aki lang naman ang kasama ko nasa condo niya ako kinidnap niya kasi ako.
"Natatakot ka rin pala." bulong ni Aki.
"Punyeta ka." narinig ko humalakhak siya.
Parang hindi na ako mabubuhay dahil sa horror movie na lights off. Linsyak parang naiihi ako.
"Aki?" nakapulupot pa rin ako sa kanya.
"Hmm?"
"Naiihi ako." mangiyak-iyak na ako.
"Umihi ka sa cr." mahina kong sinuntok ang dibdib pniya.
"Samahan mo ako."
"Ikaw na."
"Please."
"No."
"Sige na."
"Ayoko pa rin, Tinnie."
"Anthony Kiel Cruise, baby, honey my love so sweet sige na please naiihi na ako." I pleaded.
Huh? Ano raw? Honey my love so sweet? Yucks!
"Oo na sasamahan na kita, honey my love so sweet." gaga ka talaga Tinnie.
Bumangon kami sa kama at nagpunta sa cr.
"Pumasok ka na."
"Ayoko."
"Para kang baliw, Tinnie, pasok na."
"Ayoko samahan mo ako sa loob. Natatakot ako."
"Oo na." hinila ko siya papasok.
"Wag kang lilingon kundi masusuntok kita." pagbabanta ko sa kanya.
"Oo na."
Matiwasay akong umihi habang nakatingin sa nakatikod na Aki.
Namula ako ng maalala ko yung meaning ng flatscreen at melons. Putcha! Yung ano raw basta yung ano.
"Tinne, tapos ka na ba?"
"O-- Waaah!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng c.r.
Hindi ko na tuloy na ayos ang shorts ko dahil bigla niyang ini-off ang ilaw.
"HAHAHAHA" tawa niya.
"Bwesit ka talaga." bigla ko siyang nasuntok sa dibdib.
"HAHA-" napatigil siya sa pagtawa ng nakita niya akong inaayos ang zipper ng shorts ko. Ang malas ko ata ngayon dahil tae nasira yung zipper.
"Nasira?" tanong niya.
"Oo, dahil sayo." lumapit siya sa akin at lumuhod.
"Ako na mag aayos." hahawakan na niya sana pero bigla ko siyang pinigilan.
"Wag na." hindi siya nagpapigil at inayos niya nga. Napakagat labi na lang ako.
"Ayos na." tumayo siya at bigla na lang akong hinagkan.
"S-salamat." bakit ba ako nauutal?
"Tinnie?"
"Bakit?"
"I am going to own you now." napalunok ako.
"Can't I stop you?"
"No, you can't. And this will hurt." huminga ako ng malalim.
Handa ka na ba talaga, Tinnie? Isusuko mo yung sarili mo? Wala naman kayong label? Well, kung meron it will just be like I dunno.
"Katulad nga ng sinabi mo kiss me I don't care if it hurts." ginawa niya nga.
Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito. And I am hoping for the best.
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...