Aki's Pov
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Her smile, I just can't simply forget it. Pilit kong iniisip kung paano ko siya makakalimutan siguro she's my extreme love.
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Galing sa isang unregistered number. Who on earth ang magtetext sa'kin?
From: Unregistered Number
Ang hirap mag kunwari na hindi kita namimiss, pero yung totoo sobrang miss na miss na kita.
"Hoy!" tinapik ni Henry ang balikat ko. "Hindi ka pa rin maka move on kahapon?" tanong niya.
"Oo eh."
"Ang hirap talaga pagtinamaan ka. Kapag tinamaan ka tinamaan ka talaga hinding-hindi ka makakawala." komento ni Francel. Sumangayon ako sa kanya. Tama siya kapag tinamaan ka hinding-hindi ka na makakawala. There's no cure in falling in love and no spell to cast out the curse.
"Pilit ko naman siyang kinalimutan." I sighed. At least I tried forgetting her.
"Never forget someone worth remembering." saad ni Ken. " You've became a great man dahil sa kanya, she's the reason kung bat you're at the best of yourself. Pe--"
"She's the best of me." putol ko sa sinabi niya.
"Are you going to sit there? Kung ako sa'yo pupuntahan mo na siya." nabigla kaming lahat sa sinabi ni Drin.
"Paano ko siya pupuntahan hindi ko naman alam kung nasaan siya." sagot ko.
"What am I here? Alam ko kung nasaan siya." napanganga kaming lahat. Bat ngayon lang niya sinabi. "She's in Mindanao somewhere in Davao Oriental. She is staying at Dahican it's a kinda resort. She's with Light at mga pinsan niya." pagpapatuloy niya. "Puntahan mo na siya bago pa mahuli ang lahat." dagdag pa niya.
"What do you mean?" tanong ko.
"Magtatravel siya around the world ata, hindi ako sigurado." sagot niya.
"C'mon dude, what are we waiting for? Dahican here we go." bakas sa tono ni Angelo ang pagiging excited.
*********************
"Putcha! Nahihilo ako sa byahe! Jet lag!" reklamo ni Henry. I eyed him.
"Jet lag mo mukha mo! Simple Plan 'yan." pamimilosopo ni Francel. Napailing naman ako.
Naamoy ko ang simoy ng hangin sa tuwing dadampi sa balat ay mararamdaman mo ang napakasariwang pakiramdam. Natatanaw ko ang karagatan.
"Drin!" tawag ni Light sa hindi kalayuan.
"Yo! Kuya Light pasensya na kung natagalan kami." ngumit si Drin sa sinenyasan kaming lumapit.
"Alam ba niya?" bulong ko kay Drin.
"Hindi." sagot nito. Para akong mabibingi sa bilis ng kabog ng puso ko.
"Tinnie!" sigaw ng kasamahan ko ng makita nila si Tinnie na naglalaro ng buhangin kasama ang isang babaeng o lalaki. Bigla kumuyom ang kamao ko.
Sino ba siya para makipag bonding kay Tinnie?
"Chill lang bro pinsan niya 'yan kapatid ni Light." tinapik ako ni Raphael sa balikat. Bakit ba ang dami nilang alam.
Lumingin si Tinnie at nagtama ang mga mata namin. Kumaway ako sa kanya at kumaway rin naman siya sa'kin.
Napansin kong may sinabi siya sa lalaking kausap niya, muli naman siyang tumingin sa'kin at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Maliliit na hakbang ang ginawa ko dahil sa kabang nadadama ko.
At sa wakas nakalapit na ako sa kanya.
"I don't really care how long I waited for you, your here now and that's all that matters." I parted my mouth. "Bat ka nga pala naparito?" tanong niya sa'kin. Napakamot ako ng batok.
"To prove that I love you." nanlaki ang mga mata niyang nakatitig sa'kin bago siya humalakhak. "Pero bago ko gawin 'yun, manliligaw ako." mukhang natigilan siya.
"Huh? Ano? Lugaw?" natawa na lamang ako at lumuhod upang magkapantay ang mga mata namin.
"Sabi ko ligaw. Naalala ko kasi na hindi pa pala kita naliligawan, santong paspasan kasi ang ginawa ko kaya siguro maraming hadlang. Pero Tinnie sincere ako. If it's illegal to love you, then let me be a criminal. Your voice became my favorite song. I badly missed you, Tinnie."
"Kaya mo bang tiisin ang lahat?" tanong niya.
"Oo naman, kung ang premyo ay ikaw." nakakaloko akong ngumiti sa kanya.
"Kahit ilang dekada ang pagtitiis?"
"Oo." tumingin siya sa malayo at ibinalik ulit sa'kin ang tingin niya. "Kahit pahirapan ka nila?" tinuro niya si Light at 'yung isang lalaki.
Tumango ako. "Say it." saad niya.
"I'll do everything."
"I pushed everyone away because they weren't you. Hindi sila si Anthony Kiel Cruise isang typical na bad boy kuno na gagawin ang lahat para mapansin ko. Hi--"
"Hindi 'yung Anthony Kiel Cruise na nababakla at natitiklop ang kaangasan kapag ikaw ang kaharap." tumawa siya ng pagkalakas-lakas.
"I love you. I loved you all along and I missed you. You've been far away for far too long. I keep dreaming you'll be with me and you'll never go." ipinagsiklop ko ang kamay namin. The warmth of her hand. I missed this cliche kind of moment.
"I want you forever even when we're not together." pagpapatuloy ko.
"It's really complicated." napangiti ako sa idinagdag niya. "Complicated or not this is a random time of our life."
"I love you....."
"I love you too.... Pero manligaw ka muna."
BINABASA MO ANG
When The Bad Boy Fall In Love (Completed)
Teen FictionPaano raw maiinlove ang isang bad boy? Anthony Kiel Cruise was just a typical bad boy. Hindi niya alam kung paano magmahal. But everything changed when he met Cristina Rielle Cordova. Attraction. And being needy of attention. Ganyan si Anthon...