Di ko naiwasan ang pag titig ko sa kanya nang narinig ko yung lumabas sa bibig niya. Tumingala ako at ngumiti.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinend ko na ang text message na kailangan para sa dapat gawin nila Quen
"Well meron siya ng mga bagay na wala ka." Sabi ko sa kanya habang nakatingala.
"Katulad ng ano?" naramdaman ko na lumingon siya at tumingin sa akin.
"For exmple, kagwapuhan." Sabi ko sakanya, bat ba ang tagal nila Quen?
"Sus. madami kaya ako nun." Sagot niya. Sheteks ang hambog ng bwisit.
Sasagot sana ako ng bigla kong nakita ang mga batong tumatama sa bintana ng Detention Room. Sa wakas! ang tagal nila ah.
"Pano ba yan Ford, Una na ako ah." Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ko ang bag ko. Naramdaman kong tumayo din siya, hinawakan niya nanaman ang kamay ko.
"Mr. Parkinson, Mukhang nagiging hobby mo na ang paghawak sa kamay ko ah. Ano nalang sasabihin ni Ms. Bernardo kapag nakita niya to." Sabi ko sa kanya with a smirk, hinarap ko siya at evident ang lungkot sa mukha niya.
"Matagal na kaming wala ni Kara, Hindi talaga tumagal ng taon ang relasyon namin, ginagawa nalang namin to para sa reputasyon namin." Sabi niya habang nakatingin sa paa niya.
Hinila ko ang kamay ko at umalis na ako sa Detention Room, bat niya kailangang sabihin yun saakin, anong ibig sabihin nun? Kaya pala kung magtinginan nalang sila eh puro galit.
Stealth mode akong dumaan sa mga corridor para walang makakita sakin, sa parking lot ulit kami magmemeet, mukang tagumpay ang ginawa nila ah.
"Hey Guys!" Sabi ko habang tumatakbo papunta sa kotse ni Quen kung saan dun sila tumatambay.
"JULSSSS! Buti okay ka! Nako! dininig nila ang panalangin ko." Tumakbo papunta sakin si Jane at niyakap ako.
"Syempre okay ako! jusko naman! wag kang OA girl!" Sabi ko habang yakap yakap siya, dapat ko kayang ikwento yung nangyari sa Detention Room kanina?
"Akala ko mamatay ka na Girl!" Lumapit samin si Liana at niyakap din kami, Ang OA talaga nila.
"Grabe ka Girl! Feeling ko tuloy eh kakagising ko lang mula sa Coma. Wala pa nga akong 15 minutes dun sa Detention Room eh." Sabi ko habang natawa.
"GROUP HUUUUG!" Sigaw nila Quen at Dyegs at sumama narin sila sa yakapan session naming tatlo.
Nagstay lang kami ng ganun habang natawa ng may narinig kaming ehem dun sa parking lot, lumingon kami agad at nakita namin si Sir Ledesco.
"Paumanhin na at maari ko ba kayong maistorbo mga bata?" Tanong niya samin habang lumalapit papunta samin.
"Ano po yun Sir Ledesco?" Sabi ni Liana with a full out smile.
"Gusto ko sanang makausap si Ms. Manchester kung pwede lang." Paalam niya, agad naman akong lumapit sa kanya, Gosh nakakatunaw yung ngiti niya.
"Bye guys." sabi ko at kinawayan ko sila.
Naglakad kami ni Sir Ledesco, siya sa harap ako sa likod. Tumigil kami dun sa back garden, ang garden na sobrang ganda na hindi pinupuntahan ng mga estudyante. Sayang nga at di to pinupuntahan ng mga estudyante, pero okay lang din yun para mapreserve yung ganda nitong garden na to.
"Umupo ka dito iha." Sabi niya habang tinuturo yung tabi niya.
"Bakit niyo po ako makausap sir?" Tanong ko sa kanya habang umuupo.
Tumingala siya at nagexhale. Mukhang mabigat tong sasabihin niya ah. Hala. Baka nakita niya akong tumatakas mula sa Detention Room.
"Ang pagibig ay parang bato. Marami silang pagkakapareha. Malakas ito at pwede ka rin nitong Masaktan." Sabi niya at kumuha siya ng bato. Inabot niya to sakin.
"Ano pong ibig sabihin nun sir?" Tanong ko sakanya
'Kumplikado ang pagibig Julia, Alam mo ba yun?" Yumuko siya at kumuha pa siya ng mga bato.
"Kilala mo ba yung estuyanteng may pangalang Elisa?" Tanong niya saakin.
"Yung babaeng nagsuicide noong Second year kami, tumalon siya sa third floor ng HRM building." tumingin ako sakanya at nakita ko ang mga luha ng bumabagsak mula sa mga mata niya.
"Fourteen palang siya nun, Andami niyang gustong marating sa buhay, Alam mo ba kung anong dahilan niya kung bakit siya nagpakamatay? Dahil sa pagibig. Ng dahil lang sa pagibig." Umiiyak at sumisigaw na siya ngayon. Tinapik ko ang likod niya habang naiiyak siya.
Hinayaan ko lang siyang umiyak, hindi ko nga alam kung anong gagawin kasi hindi naman ako yung taong marunong mangcomfort kasi usually ako yung cinocomfort nila Jane at Liana. Kaya hinayaan ko nalang siyang umiyak habang tinatapik ang likod niya.
"Tahan na sir. Punasan mo na yang mga luha mo sir." Sabi ko habang nagaabot ng panyo sakanya, kinuha niya ang panyo at pinunasan ang mga luha niya.
"Death anniversary niya ngayon Julia. Sabi pa nga niya pag third year na daw siya eh tatatagan niya na ang sarili niya at sasali na siya sa deadman. May dahilan din kung bakit gusto niya sumali sa Deadman. Dahil kay Parkinson. Karelasyon niya si Parkinson nung Second year kayo." Kwento ni Sir Ledesco. Totoo nga yung sabi ni Ford na hindi sila tumagal ng taon ni Bernardo, First year kami nung nagstart ang 'relationship' nila.
"At alam mo ba kung anong apelyido niya Ms. Manchester?" Dagdag ni Sir.
"Ano po sir?" Tanong ko.
"Ledesco." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanfictionS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3
