FIVE: Deal

776 20 1
                                        

Napatigil ako nang narinig ko ang sinabi ni Sir Ledesco. Kapatid ni Sir Ledesco si Elisa. Naalala ko nang second year kami, si Elisa ay  isa sa mga matatalino at magagandang babae dito sa Olympian, no wonder na nagkaroon sila ng relasyon ni Ford.

"Sorry to hear that sir." Sabi ko with a sympathetic voice. 

Tuloy lang siya sa pagiyak, Maski ako nalulungkot din, di pa ako nawawalan ng kamaganak, lalo na ng kapatid, pero alam kong mahirap na mawalan ng kadugo. Pagkatapos ng ilang minuto humina na yung mga sigaw at hagulgol niya hanggang sa naging hikbi nalang ang mga dating hagulgol niya.

Pinunasan niya ulit ang mga luha niya at tumayo siya, humarap siya sakin with a serious stoic face. 

"Ms. Manchester, I need your help." Sabi niya sakin, agad agad akong tumayo sa kinauupuan ko para makausap siya ng mas maayos.

"Ano po yun sir?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan mongg pabaksakin si Mr. Parkinson." Utos niya. Mas lalo kong nagugustuhan ko tong teacher na to ah.

Sasagot na sana ako nang may narinig akong mga footsteps na papunta sa lugar namin.

"Welcome to the Insurgency sir Ledesco." Sabi ng boses sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko sila Quen na palapit na saamin.

"Ang mission ng Insurgency ay ang pabaksakin si Ford at ang SUPREME." Sabi ni Jane habang tumatabi siya sa kaliwa ni Quen.

"You came to the right place sir." Dagdag ni Liana while stepping forward katabi ni Jane. 

"Pero ang tanong Mr. Ledesco." Tanong ni Dyegs. 

"Are you With us or Against us?" Sabi ko with a low tone. Pumunta ako at tumabi ako kayla Quen, This is our Insurgency mode. Welcome to the dark side. 

Tinignan namin si Sir Ledesco at nakita kong nakangiti siya, mukhang alam ko na kung ano ang magiging sagot niya.

"I am with you." Sagot niya. 

"And the Deal is Sealed." Sabi ko, sealing the deal and our agreement.

Pinaguspan namin ang plano at ang 'terms and regulations ng agreement na ito. Once na may lumabag sa nasabing 'terms and regulations' agad na papatawan ng parusa at agad agad na mababasura ang agreement na ito. 

Pagkatapos namin pagusapan ang lahat lahat, naghiwalay kami nila sir Ledesco, Bumalik kami sa parking lot, na wala nang laman bukod sa sasakyan ni Quen.

"Gaano na kayo katagal dun?" Tanong ko sa kanila.

"Dumating kami dun sa part na umiiyak lang si sir. Angtagal mo kasing bumalik kaya hinanap ka na namin." Sagot ni Liana.

"Ano bang nangyari Juls?" Tanong ni Jane.

Kinuwento ko sa kanila yung nangyari. Halohalo yung mga emosyon na naramdaman nila nang nagkwekwento ako, naiiyak na nga si Liana eh. Pagkatapos kong ikwento ang nangyari naging mas pursigido sila na tulungan ako na pabagsakin si Ford.

Well, Dati pa kami pursigido.

"Guys, late na uwi na tayo." Aya ko. Pagod na ako phisically and emotionally. 

"Sige, Hatid ko na kayo, sakay na." Sabi ni Quen.

"Hindi muna ako sasabay guys." Sabi ko, kailangan kong magisip, at alam nila yun kahit hindi ko sabihin.

"Okay, Ingat ka girl!" Sabi ni Liana at niyakap niya ako, pula pa din yung mata niya.

"Thanks Girl!" Sabi ko while hugging her back.

Pinanood ko silang sumakay sa sasakyan ni Quen at umalis saka ako naglakad palabas ng parking lot. Nakita ko si Ms. Bernardo na naghihintay sa labas ng parking lot.

"Hey." Sabi niya with a high pitch tone.

Si Karalyn Bernardo, ang 'girlfriend' ni ford. Galing siya sa maimpluwensyang pamilya, sila ang may ari ng Bernardo Corporation, kaya di ako nagtaka nung naging sila ni Ford. Dahil ka level niya si Ford. 

"Hey." Sagot ko naman.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.

"Bakit hindi."

Lumakad siya at sinundan ko siya, Papunta kami ngayon sa isang coffee shop, sabi na eh, dito niya ako dadalhin. Umupo kami sa kauluduluhang table at nilapitan kami ng isang waiter, Umorder siya ng Frapuccino, Hazelnut coffee naman ang inorder ko, nang dumating na yung order namin, saka siya nagsalita.

"Kilala kayong The Insurgency dahil sa malaking galit niyo sa SUPREME." Sabi niya.

"Tama."

"Malaki ang Galit niyo kay Ford." Sab niya while sipping her frapuccino.

"Na ex boyfriend mo noong first year." Dagdag ko.

Napatigil siya sa paginom at napatingin siya sakin straight to the eye. Nakasmirk siya at yung glint ng eyes niya. Ngayon ko lang narealize, halos magkaparehas sila ng mata ni Quen. Weird.

"So alam mo na pala ang nangyari." Sabi niya, naalis na ang pagkahigh pitch ng boses niya.

Nagnod ako para maconfirm yung sinabi niya. Kumuha siya ng ballpen mula sa bag niya at tissue mula sa tissue holder at nagsulat siya.

"Kilala mo ba ito?" Tanong niya sakin habang inaabot ang tissueng sinulatan niya. Kinuha ko ito at tinignan ang sinulat niya.

"Kilalang kilala. Sino ba namang di makakakilala sa kanya."  Sagot ko sakanya. Sinulat niya ang pangalan ni Elisa. Sikat siya sa tawag na 'HRM Girl'.

"Siya ang girlfriend ni Daniel nang second year tayo." Sabi niya.

"Alam ko. May nagkwento sakin. At hindi ka maniniwala kung sino ang nag kwento sakin." Sabi ko. Lumapit siya at kinuwento ko lahat ng nangyari, di ko nga alam kung bakit kinukwento ko sakanya to lahat.

"Mukhang tama talaga ako ng nilapitan." Sabi niya. 

"Ms. Manchester, Gusto kong pabagsakin si Daniel, Gusto kong sumali sa The Insurgency." Dagdag niya. 

Kaya pala madali kong nakwento sa kanya ang lahat.

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon