TEN: Candidacy

698 23 6
                                        

Mainit. as in mainit. yung araw, sagabal sa buhay. ang init. 8 oclock palang ng umaga pero mainit na. Nakakatamad kumilos.

Kasama ko ngayon si Jane maglakad papuntang lockers namin para kunin yung gamit namin para sa susunod na klase.

"JULSSSSSSSSSSS!" Sigaw sakin ni Jane.

"Wag kang sumigaw. Anmeron?" Tanong ko naman sakanya.

"Tingin ka dun oh!" Sabi niya sakin habang nakaturo sa bulletin board.

"San dun?" Tanong ko sakanya habang nilalapitan namin yung bulletin board. 

"Eto oh! Pak!" tinuro niya yung papel.

DO YOU WANT TO BE A PART OF THE SUPREME STUDENT GOVERNMENT?

NOW IS YOUR CHANCE!

FILING OF CANDIDACY IS NOW OPEN

PROCEED TO THE SUPREME STUDENT'S OFFICE FOR MORE INFORMATION

GOOD LUCK!

"Ahhhhhh." Sabi ko habang tinititigan yung papel.

"O ano. tuloy ba yung sinasabi mo?" sabi samin ng boses sa likod namin.

Lumingon kami at nakita namin si Mr. Ledesco na nakangiti samin. Nakakatunaw. Grabe.

"Good morning sir." Bati sakanya ni Jane.

"Opo sir. Tuloy yung balak ko." Sabi ko sakanya.

"Well, Good luck sayo!" Sabi sakin ni Mr. Ledesco at umalis na siya.

Teka, nagsmirk ba siya? Uh. Weird. siguro distortion lang yun  kasi umikot siya agad. Ay may klase pa pala kami. Malalate na kami.

Lumakad na kami ni Jane papuntang lockers at kinuha na namin yung mga gamit namin, dumeretso agad kami sa room namin, late kami.

Pinapasok kami ng teacher namin at tinuloy niya yung discussion niya. After ng ilang oras at paglabas masok ng mga subject teachers namin, lunch break na.

"JULSSSSS!" CHOCOMILKKKKK!" Hala. Ayan na siya. Ayan na ang Chocomilk monster.

"HINDEEEE! JULSSSS! AKIIIIN NAAAAAA!" Ayan na silaaaaaa!

"HEPHEP!" Awat ni Jane habang hawak hawak yung sagradong chocomilk.

"Akin na to ngayon!" Sabi ni Dyegs habang kinuha niya yung chocomilk mula kay jane at ininom niya.

Kung makikita mo lang yung mukha ni Quen at ni Liana. Priceless. Parang nawitness nilang gumuho ang mundo. Naluluha na nga si Liana eh!

"HINDIIIIIII!" Sigaw ni Quen habang nag hahalumpasay sa sahig ng classroom. Seriously meron talagang times na mas bata siya kesa sakin. 

"Guys! kalma! Chocomilk lang yan!" Sabi ni Jane.

"HINDI LANG BASTA ANG CHOCOMILK!" Sigaw nila Quen at Liana.

Napafacepalm nalang ako sa inaasal nila habang tinatawanan silang magaway tungkol sa sagradong chocomilk, tinignan ko si Dyegs, yung mukha niya parang natuklasan niya lahat ng sikreto sa mundo.

"Grabe. Ang. Sarap. Nito." Sabi niya habang tinititigan yung sagradong chocomilk.

"Naku. Mukang nadagdagan ang worshipper ng sagradong chocomilk." Sabi ni Jane habang nilalabas yung lunch niya.

"Oo nga eh. Hindi na nga ako mag dadala ng chocomilk." Sabi ko habang nakangiti, earning gasps and screams of nos mula sa tatlo. 

"Wag Juls! ikaw lang ang pagasa namin." Sigaw ng tatlo.

"Sambahin ang Sagradong chocomilk." Sigaw ni Jane.

"Hay nako guys! Kain na tayo!" Alok ko sakanya at agad agad nilang kinuha ang lunches nila at nagsimula na kaming kumain.

Nagkwentuhan kami habang nakain, At mukang hindi pa tapos ang hangover ni Dyegs sa chocomilk. Evident padin ang pagkalungkot nila Quen at Liana. Nakakatuwa talaga tong mga toh.

Natapos kaming kumain at agad agad kong hinila si Jane papuntang SSG office para magfile ng candidacy leaving the chocomilk trio sa classroom.

"Eto na to." Sabi sakin ni Jane habang nasa tapat ng office. 

"Actually mamaya pa ang interview. Isusulat ko muna yung pangalan ko dito." Sabi ko sakanya habang turo turo ang papel na nakadikit sa pader.

"Write your name here. O ano pang hinihintay mo Juls!"

Binasa ko yung mga pangalan ng nagsulat sa papel, unang una si Ford. Tsch. Anong bago? Sumunod yung mga alimango. Tapos mga freshmen na nangahas na tumakbo. Goodluck sakanila.

"Yeah." Sabi ko habang sinusulat ko yung pangalan ko.

"Now lets all welcome the future vice president!" Sigaw ni Jane habang napalakpak.

"Thank you! Thank you!" Sabi ko habang nag bo-bow at nakaway. Tumawa lang kami pabalik ng room.

Nangbumalik kami ng room, nakita naming nagbubulungan yung mga tao, Nakita ko din na nakatingin samin sila Quen. Ambilis talaga ng balita. Nilapitan namin sila Quen at agad agad niya akong hinila para umupo.

"Hoy, Julia Machester. Ano tong nababalitaan ko." Tanong sakin ni Quen with a stern look. 

"Na ano? Na nagsulat ako ng pangalan dun?" Tanong ko sakanya habang nakasmirk.

"Nababaliw ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Hindi. Trust him Quen." Sabi sakanya ni Liana habang nakangiti. 

"All according to plan." Sabi ni Dyegs,

Tinignan ko si Quen, worry written all over his face. Eto yung gusto ko kay Quen eh. Para ko talaga siyang Big Brother.

"Class. Sit down." Ay, pumasok na pala yung teacher namin. Agad agad na kaming umupo sa respective places namin.

Naglesson kami, nakinig ako but I was not paying attention until na may crumpled paper na naglanding sa desk ko. Agad agad kong binuksan ang papel.

WAG KANG TUMULOY SA CANDIDACY MO.

Mr. President's EnemyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon