Saturday ngayon, so walang pasok, Pahinga ngayon, relax lang. Kaya di kailangang bumangon ng maaga.
"JULIAAAAAAAAA!" Sigaw ng boses galing sa baba na kilalang kilala ko.
Uulitin ko, Saturday ngayon. Walang pasok. Pahinga. Panahon ng pag rerelax. Maaga pa. Di kailangang bumangon ng maaga.
"HOY JULIAAAAAA! JULIAAAAA! JUUUULSSSSS!" Sigaw ulit ng boses at mas malapit na siya ngayon, nasa harap na siya ng pinto ng kwarto ko.
"JANE! WAG KANG SUMIGAW MAY MGA NATUTULOG PA!" Sigaw ko sakanya habang tumatayo para buksan yung pinto. Pakabukas ko ng pinto eh hindi lang si Jane ang nakita ko, nandun din sila Liana at Kara.
"Sorry Ate Juls. Makulit kasi si Ate Jane eh. Gusto niyang pumunta dito." Sabi ni Kara habang hinahaplos yung braso niya.
"JULSSSSSS! JULSSSS! JUUULSSS!" Sigaw ni Jane.
"Tumigil ka nga sa kasisigaw mo Jane!" Sabi ko sakanya at tinakpan ko ang bibig niya.
"Hello Juls! Good Morning!" Bati sakin ni Liana habang nakangiti ng todotodo. Binalik ko din yung ngiti.
"Nsphfwh nhsss shhh Stphnshhhhhs" Sabi ni Jane habang nakatakip pa din ang kamay ko sa bibig niya.
"Oo nga, nasan si Stephen?" Tanong ni Liana at nagnod nang nagnod si Jane at nakita kong kuminang yung mata ni Kara. Binitawan ko yung bibig ni Jane para sabihin na tulog pa si Stephen
At on Cue bumukas ang pinto ng Kwarto ni Stephen na katapat lang ng kwarto ko, at hindi niya alam na may mga tao dahil wala siyang suot na tshirt at may yakap yakap pa siyang unan, halatang kakagising niya lang.
"Ate? Mmmmmmm. Ano yung mga ingay kanina? Mmmmmm." Sagot niya habang napikitpikit at kinakamot yung tiyan.
"OHMYFUSJSKDSFDFDTRDFGFD" Sigaw/muffle ni Jane kasi tinakpan ko agad yung bibig niya. Tiningnan ko yung dalawang babae at nakita kong nakatitig lang sila kay Stephen.
"Hoy. Wag niyong titigan yung kapatid ko." Sabi ko sakanila at hinarangan ko yung view.
"Aww. Juls. Harang." Sabi ni Liana at napa'oo' si Kara at napa 'mphmhhf' lang si Jane.
Lumingon ako at tinignan ko si Stephen na gising na ngayon at ngayon lang nag reregister na may tatlong babae bukod sa ate niya ang nasaharapan niya.
"Uuuuuuh- Hi!" Bati niya at pumasok siya agad sa kwarto niya, nang nagsara na yung pinto eh binitawan ko na yung bibig ni Jane.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw nilang tatlo at narinig kong sumigaw si Stephen nang 'BAT BA PALAGI NALANG KAYONG SUMISIGAW PAG NAKIKITA NIYO AKO! DI AKO MONSTER!' Tinawanan ko lang silang lahat.
"HOOOOOY! Bat ang ingay niyo jan sa taas?" Tanong samin ng boses galing sa baba. btw si Quen yun.
"Hi Quen! Good morning! Bat ka nandito." Bati ko sakanya nang nakaakyat na siya, kinawayan niya ako at tinignan niya yung tatlong babae with a 'imnotimpressed' look at naka ngiting inosente lang yung tatlo.
"Ah. Pinag drive ko tong tatlong to." Sagot niya at tinuro niya yung tatlo still giving them the 'imnotimpressed' look
"Anong nangyari?" Tanong niya sa tatlo habang nakafold yung arms niya. Nagbulungan ang tatlo at ang maririnig mo lang sakanila ay 'wala.' Tinawanan ko lang ulit silang lahat.
"At bat ka natawa Julia." Tanong ni Quen sakin habang nakataas yung isang kilay niya.
"Para kang tatay" Sagot ko sakanya habang natawa at tumawa din yung tatlo, napa 'hmpf' lang si Quen at tumawa na din siya.
After some time eh bumukas na yung pinto revealing a Stephen na nakasuot na ng tshirt, ngumiti siya sheepishly habang kinakamot yung ulo niya.
"Good morning." Bati niya samin habang nakangiti padin.
"Oy! Julia! Si Stephen na ba yan?" Tanong sakin ni Quen.
"KUYA ENRIQUE!" Bati ni Stephen at nag brofist silang dalawa ni Quen.
"Sup bro?" Tanong ni Quen at sumagot naman si Steph ng 'okay lang'.
"WAIT! WAIT WAIT WAIT! HOOOOLD UP!" Sigaw ni Jane habang nakataas ang dalawang kamay. Tumingin kaming lahat sakanya at bigla niyang tinuro si Quen. Sinigawan siya ni Jane ng 'IKAW!' at sinagot ni Quen si Jane ng 'Ako?'
"KILALA MO NA SI STEPHEN?" Tanong ni Jane, napanod nalang sila Liana at Kara habang minamata si Quen, tinaasan lang sila ng kilay ni Quen.
"Kilala naman natin siya ah? I mean lahat tayo kilala siya." Sagot ni Quen at napa'NO NO NO' nalang si Jane.
"ANG IBIG KONG SABIHIN KILALA KA NA NI STEPHEN?" Sigaw ni Jane.
"Oo. Nagmeet kami nung bumisita siya dito. Uhm.. 2 years before? Tama ba ako?" Sabi ni Quen at nag nod lang ako.
"Ay oo naalala ko yun! Dun din natin nakilala yung Kwagong Asungot!" Sabi ni Stephen habang nakasmirk. Napailing nalang ako sa memory na yun.
"What? Kwagong Asungot?" Tanong ni Kara.
"Yup. Kwagong Asungot. You see. Etong kapatid kong si Stephen. Siya ang Original na kalaban ni Ford. Siya ang nagtulak sakin para Buuin ang Insurgency." Sabi ko sakanila at napa'oo' nalang yung Dalawang lalaki.
Tinignan ko yung tatlo at natawa nalang ako sa mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanfictionS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3
