SIXTEEN: Stephen

316 16 3
                                    

Pagkababa ko ng cellphone, naglakad ako papuntang convenience store dahil hindi na talaga kaya ng tiyan ko ang gutom. Tinignan ko ang oras at nakita kong may oras pa ako para kumain at magpahinga.

"Good afternoon ma'am" Bati sakin ng cashier, nginitian ko siya at dumeretso ako sa mga sandwiches.

Kumuha ako ng ham and cheese sandwich. Pumunta naman ako sa mga softdrinks at kumuha ng Sprite. May nakita akong Pringles na sour cream at Trolli na gummybears na nagmamakaawang bilhin ko na daw sila kaya kinuha ko sila. Kumuha din ako ng chocomilk. Ang sagradong chocomilk! Pagkatapos kong siguraduhin na sapat na to sakin eh pumunta na ako sa cashier para magbayad.

Nagbayad ako sa cashier at nilagay niya lahat ng binili ko sa isang paperbag, lumabas ako ng convenience store na masaya at may tiyan na gusto nang mapuno ng pagkain.

Naglakad ako papuntang bahay, nang makarating ako sa tapat ng bahay eh may taong naghihintay dun na may dalang maleta.

"HOY!" Sigaw niya sakin habang nakaway. Kelan pa siya bumalik?

"Stephen?" Tanong ko sakanya habang papalapit sakanya, nang nakalapit na ako eh tinignan ko lang siya.

"Ba't ganyan ka makatingin? Ano ako monster?" Tanong niya sakin. Hinampas ko siya sa braso at tumawa lang siya.

"BAKIT DI KA NAGSABING BABALIK KA NA?" Sigaw ko sakanya.

"Bakit kailangan mong sumigaw? Gusto lang naman kitang isurprise! Ate Julia." 

Nabangit ko ba na may kapatid ako? Siya si Stephen Sam Manchester. Sa magkahiwalay na lugar kami lumaki, ako sa Pilipinas, siya sa Germany. Heck, di ko nga alam na may kapatid ako eh, sinabi nalang nila sakin nung 8 na ako. 1 year ang tanda ko sakanya. 

"Mindestens benachrichtigen. Meine Güte." Sabi ko saknaya habang ginugulo yung buhok niya. Anlaki ng inangkad niya ah.

"Ja. Ja. Masama na palang mangsurprise ng ate ngayon" Sabi niya with a huff.

"Gano ka na katagal na naghihintay dito sa labas?" Tanong ko sakanya.

"Chill. Di naman matagal, mga fifteen minutes lang." Sagot niya casually.

"Buti nalang at maaga akong nakauwi. Kundi Two hours mahigit kang maghihintay dito sa harap ng bahay!" 

"Ugh. Para kang si ma. Kulang nalang eh pingutin mo ako." Sabi niya habang hinahaplos ang tenga niya. 

"Onti nalang talaga. mapipingot na kita. Pasok na tayo. May pringles ako." Sabi ko sakanya habang winawasiway yung paperbag na buhat ko sa harap niya. Napa'yey' siya at pumasok na kami sa loob ng bahay.

Nilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni Jane, mukhang di ako makakanood ng disney movies.

"Hey Juls!" Sabi niya.

"Hey. Jane, Di ako makakatuloy kayla Kara mamaya." Sabi ko sakanya habang nirurub yung batok ko.

"Hah? Bakit?" Tanong niya sakin.

"Brother Alert. Brother Alert." Sigaw ko at narinig kong sumigaw si Stephen ng 'Ano ako monster?!'

Napasigaw si Jane at alam kong nabitawan niya yung cellphone niya dahil biglang lumayo yung boses niya, natawa nalang ako nang nakita ko si Stepehen na nakapout at bumubulong na 'Hindi ako monster. Bat kayo nasigaw?'

"Jane nanjan ka pa?" Tanong ko sakanya.

"Yung gwapong kapatid mo nanjan?" Tanong niya sakin habang nabulong.

"Sa pagkakaalam ko wala na akong ibang kapatid, di ko lang alam kung gwapo siya pero yup, Nandito si Stephen." Sagot ko sakanya at napasigaw ulit si Jane, pero sa tingin ko fangirling na ang ginagawa niya. 

"OMAYGASHHHHH! HINTAYIN MO LANG NA MARINIG TO NI LIANA! KYAAAAA~" Sigaw niya. Confirmed. Fangirling nga ang ginagawa niya.

"Uh ghed. Jane. Bingi na yung tenga ko." Sabi ko sakanya habang nilalayo yung cellphone ko

"Sorry Juls. Oh sige na. Alam ko na ang topic namin mamaya, magdadala ako ng pictures ni Stephen." Sabi niya sakin habang natawa. 

"Yeah! Hahahaha! Bye na Jane." Paalam ko at binaba ko na yung linya.

Tinignan ko si Stephen at nasa kusina na siya at nakasuot ng apron, nabanggit ko bang ang galing niyang magluto ng sobra sobra? Isa siyang multi talented na nilalang.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko sakanya. Buti nalang pala nakapaggrocery na ako bago pa siya dumating.

"Hmm? Ah. Mac and Cheese lang. May request ka ba?" Tanong niya sakin

"Hmm. Wala naman." Sagot ko saknaya at umupo ako sa may dining table.

Pinanood ko siyang magluto habang nakanta, Ang laki nga nang tinangkad niya. Ilang years ko na ba siyang di nakita? 2 years? Antagal na pala.

"Yo Steph." Tawag ko sakanya.

"Hmm?" Sagot niya haabng nagragrate ng cheese.

"Warum haben Sie nach Hause kommen?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ni Ma umuwi daw ako dito si Pinas. Warum?" 

"Wala naman." Sagot ko sakanya at na pa'hmm' nalang siya. Hinalo niya yung cheese sa milk at hinalo to.

"So. Magaaral ka din ba sa Olympian?" Tanong ko sakanya.

"Pinagiisipan ko pa. Since may pinapaasikaso din si Ma na business works dito sa Pinas. So 50:50." Sagot niya sakin. Anyway nabanggit ko bang tumutulong na si Stephen sa company ni Ma sa Germany? Well, tumutulong din naman ko eh. Pero di lang madalas kasi napunta nga ako sa Custody ng Father ko so Sa business ako ni Pa tumutulong. 

"Ah. Ano namang trabaho yung aasikasuhin mo?" 

"Hmm. Small stuff. Keine Sorgen." Sagot niya sakin haabng hinahalo yung sauce sa macaroni.

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko sakanya.

"Yup. And pagnahirapan ako eh nanjan ka naman eh." Panigurado niya sakin at nilapag niya na yung mac and cheese na niluto niya sa table. 

"Ate. San yung mga plato niyo?" Tanong niya at tinuro ko sakanya yung rack kung nasan yung mga plato, kumuha siya ng dalawan plato at dalawang kutsara at nilapag niya to sa table.

"Bon appetite Ate." Sabi niya at kumain na kami.

Ang galing talagang magluto ng kapatid ko.

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon