Manchester's POV
"Hindi na ako magaalala, kasi alam ko nandyan ka para protektahan at iligtas ako." Sabi ko sakanya nang nakangiti.
Tahimik lang kaming dalawa, tinitigan ko lang siya at tinitignan niya lang ako, parehas na kuntento sa katahimikan.
"I guess tungkulin ko nang protektahan at iligtas ka. Ms. Manchester." Sabi niya sakin ng nakangiti at tumatawa.
"Oo. Sa tingin ko. parang superhero?" Sabi ko. Nagtinginan ulit kaming dalawa at bigla kaming tumawa ng malakas.
Tumingin ako sa langit. Palubog na pala yung araw, Color orange pink na ang langit. Oras na para umuwi, maggagabi na.
"Pano ba yan Ford. Una na ako ha." Sabi ko sakanya at tumayo na ako at lumakad papuntang pinto.
"Ingat." Bulong niya. Di ko siya nilingon at tumuloy lang ako sa paglalakad.
"Thank you." Bulong ko sakanya bago pa ako lumabas ng pintuan at alam kong narinig niya yun dahil nararamdaman kong nakangiti siya kahit na hindi ako lumingon.
Tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan, Hindi ko alam pero ang saya saya ko ngayon despite sa fiasco na nangyari kanina, parang may invisible weights na natanggal sa balikat ko. Pagbaba ko, nakita ko sila Jane na naghihintay, wala na si Kuya Chong at yung mga alimango.
"JULSSSSS!" Sigaw sakin ni Jane at niyakap niya ako. Agad ding lumapit sakin si Kara at niyakap niya din ako habang nasigaw ng 'Ate Juls'.
"Hey!" Bati ko sakanila.
"Okay ka lang? May masakit ba? Anong nangyari? Oh gosh. Paano? Bakit?" Tanong ni Jane habang tinitignan ako kung may injury ba ako.
"Ano ba! Okay lang ako! Kalma lang." Sabi ko sakanya habang natawa.
"Okay, okay, Kalma ako. Wooh, Haaah, Kalma ako. Inner peace." Tapos nag ala monghe na si Jane sa isang sulok, bumubulong ng 'Inner peace'.
"Ate Juls, okay ka lang ba?" Tanong naman akin ni Kara.
"Oo naman. Ako pa! Okay na okay!"
"Haaaah. Buti naman. Nagalala talaga kami ng todo todo Ate Juls." Sabi niya sakin habang tinitignan si Jane na naka 'monghe mode' parin.
"Oo nga eh. Thank you" Sabi ko sakanya at tumawa kaming dalawa.
"Umm. Ate Juls, Alam kong maraming nangyari ngayon, Umm- Gusto mo bang mag movie marathon ngayon sa bahay at magrelieve ng stress? Isama din natin sina Ate Jan at Ate Liana, parang Girls night." Alok ni Kara sakin.
"Disney movies?" Tanong ko sakanya.
"Disney movies." Sagot niya sakin at nag highfive kami. Biglang tumalon si Jane at niyakap kaming dalawa.
"May narinig ba akong disney movies?" Tanong niya samin habang nakangiti ng todo todo. Umoo kaming dalawa ni Kara.
"HELL YEAAAH!" Sigaw ni Jane at nag fistpump siya habang tumatalon.
"Ate Jane, patawagan si Ate Liana, alam mo na ang sasabihin." Utos ni Kara.
"Roger that!" Sagot ni Jane at sumaludo siya samin.
"Uy. Una muna ako ah. Magpapalit ako ng damit. Tapos na ba ang klase? Naexcuse na kasi ako ni Sir eh." Paalam ko sakanila.
"Nope. 2 hours pa. Sige meet nalang tayo dun sa. Uhm- San tayo magmemeet Kara?"
"Dun tayo sa bahay ko, Wag tayo kayla Kuya. Di na Girls Night pag kasama si Kuya." Sabi ni Jane at nagwink siya samin.
"YEAAAAAH!" Sigaw ni Jane.
"O sige na! Una na ako. Balik na kayo sa klase niyo." Utos ko sakanila.
"Ciao." Paalam ni Kara.
"Mkay. See ya Girl!" Paalam ni Jane at umalis na sila.
Lumakad ako palabas ng School, Ngayon ko lang nararamdaman yung pagkadrain ng Energy ko at ngayon ko lang narealize na Inaantok at gutom na pala ako. Sa bahay nalang ako kakain. Magastos pa pag kakain ako sa labas eh.
'RRRRRRR.'
Hinawakan ko yung tiyan kong nagrereklamo na. Nagdesisyon na ang tiyan ko, di na siya makakapaghintay, kakain ako sa labas kahit ayaw ng bulsa ko.
'RRRRRRR.'
Ano ba tiyan, kakain na nga tayo eh, wag ka nang magreklamo please. Malapit na tayo sa restaurant. Kaya mo yan.
'RRRRRRR.'
Tiya- Oh wait. Di ko na tiyan yun, Cellphone ko yun.
"Haaaah!" Sigaw ko at kinuha ko yung cellphone ko na nag vivibrate violently sa bulsa ko, pano ko hindi naramdaman yung pag vivibrate nitong cellphone ko?
CALLING: 09xxxxxxxx
Oh. Unknown number.
"Uhm. Hi?" Tanong ko sa tao sa kabilang linya.
"Magingat ka." Sabi niya sakin. Ahh. Kilala ko na kung sino to.
"Utos yun kaya di pwedeng di ka magingat." Sabi niya sakin with a Bossy voice.
"Wala kang karapatan utusan ako! Dudurugin kita! Humanda ka!" Banta ko sakanya.
"Pero- Sige wag kang magalala magiingat ako. Kalma." Paninigurado ko sakanya.
"Buti naman. Bye. Seryoso magingat ka." Sabi niya at binaba niya na ang linya. Napatawa na lang ako sa inaasal niya.
Napangiti ako pagkatapos niya akong kausapin. Di ko alam pero parang gusto kong tumalon talo mag sumigaw pagkatapos niya akong kausapin.
Kaaway kita, pero bakit ang bait mo sakin? Rebelde ako yan ang sabi mo. Pero bakit mo ako iniingatan? Di ko alam kung bakit ganito ka umasal pero ang saya ko. Nilabas ko yung cellphone ko at tinext ko siya.
To: 09xxxxxxxx
Siguro may binabalak ka, Siguro may plano ka. Pero di ako papatinag, ako ang Rebelde ng Olympian! DI AKO PAPATINAG TANDAAN MO YAN! MABUHAY ANG INSURGENCY!
Pinindot ko ang send at huminga ng malalim. Dederetso nalang ako sa bahay, di na ako gutom. Pagdating ko sa bahay, isasave ko yung number niya. Naglakad ako papuntang bahay at nag vibrate ulit yung cellphone ko, tumatawag siya. Sinagot ko yung tawag niya.
"Oo naman, Ikaw ang Rebelde ng Olympian, pababagsakin din kita afterall ako ang Presidenteng Supreme. Long Live Supreme. Wag kang magalala, Ako ang superhero mo, This is our secret." Sabi niya sakin.
"Oo naman, This is our secret, Daniel." Sagot ko sakanya at narinig ko siyang nagsabi ng 'Good' at binaba niya na ang Linya. Ngumiti ako at naglakad na ako papuntang bahay, may Girls night pa kami nila Kara mamaya.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanfictionS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3