Manchester's POV
Kakagaling ko lang sa bahay nila Quen, nagalok si Quen na ihatid ako pero sabi ko na maglalakad nalang ako magisa. Malamig ang hangin eh, sayang naman.
Masakit ang ulo ko. Naalala mo yung sabi kong information overload? Yun yung nangyayari talaga. Medyo nakatulong sakin yung kape, pero kulang parin talaga.
Naglakad lang ako nang naglakad. Nakita ko nalang ang sarili ko na papunta sa park.
Etong park na to.
Marami akong memories dito. Magaganda at cherished childhood memories.
Six years old ako nang unang beses kaming lumipat dito, Kasama pa namin yung father ko, divorced na sila ng Mother ko.
You see, nung time na yun, sobrang labo na talaga ng relationship nila, lumipat kami dito dahil sa nandito yung work nila. palagi ko silang naririnig na nag aaway at nagsisigawan, bilang na six years old palang ako nun, hindi ko talaga kinaya na nakikita silang ganun araw araw, so palagi akong pumupunta dito sa park every four oclock.
Tinignan ko ang park, ganito parin yun katulad nung six years old ako. maraming bulaklak, colorful yung mga slide at swing, at as usual maraming puno.
Tumingin ako sa swing at napangiti, lumapit ako at umupo ako sa swing, nagsimula akong magswing.
Dito nagsimula ang Magagandang memories ko sa swing.
May nakilala akong batang lalaki pero ang problema hindi ko alam yung pangalan niya. Nilabelan ko nalang siya as batang hoodie kasi palagi siyang naka hoodie pag pumupunta sa park. Palagi kaming naglalaro. Nawawala yung mga worries at fears ko pagkasama ko siya.
Meron pa nga kaming memory ni batang hoodie na hindi ko talaga makalimutan.
"Hoy bata." Tawag niya sakin
"Bakit bata?"
"Pano pag papakasalan kita paglaki ko, papayag ka ba?" Sabi niya sakin habang nakatingin sakin.
"Masyado ka pang bata, bata. pataba ka muna." Sabi ko sakanya habang natawa.
"Kahit na papakasalan parin kita." Sabi niya habang nakatingin sa paa niya.
"O sige, hihintayin kita." Sagot ko sakanya.
Tuwing naalala ko to eh palagi akong natatawa. Napakanaive kong bata, pumapayag sa alok ng isang bata na hindi ko alam ang pangalan. Pero alam mo ba?
Umaasa parin ako na babalik si batang hoodie.
Ganito kasi yun. Diba not in good terms ang parent ko. So nung time na lumipat kami dun eh pinaguusapan na nila ang divorce nila. So ang resulta eh naapprove ang papers nila at napunta ako sa mother ko kaya umalis kami sa lugar na to.
Since then wala na akong balita kay batang hoodie. Ngayong highschool nalang ako bumalik dito dahil nasa states ang mother ko. Dun ako nakatira sa bahay ng father ko, pero hindi dun nakatira ang father ko.
Gusto ko talaga na magkaroon ng buong family, noong bata ako naawa ako sa sarili ko kasi pag may family day eh hindi ako makapag participate kasi hindi kami kumpleto, palaging nagsasalitan ang parents ko sa pag attend ng mga school programs and palaging nagtatanong yung mga classmates ko kung nasaan ang mother or father ko, palagi ko nalang silang binibigyan ng sagot na gasgas na gasgas na.
"Busy kasi sila sa work nila."
Minsan nga eh gusto ko nang isipin na nasa work lang talaga sila at mahal parin nila ang isa't isa, masyado lang silang workaholic pero hindi ganun eh.
Tumingala ako para tumingin sa langit nang napansin ko na basa ang mga pisngi ko, hinawakan ko ang mukha ko at napansin na umiiyak ako.
Yumuko ako at hinayaan ko lang bumuhos ang mga luha ko, parang ganito din yung scene na nangyari dati nang nameet ko si batang hoodie. Pero ang pagkakaiba lang eh wala na siya.
Bumulong ako sa hangin na parang yun ang mga magulang ko, sinisi ko sila, sinisi ko ang palpak nilang relasyon, sinisi ko ang pagkamahina ng pagibig nila, sinisi ko ang lahat.
Umiyak lang ako ng umiyak ng naramdaman kong may yumakap sakin.
"Tahan na bata. Tahan na." Sabi sakin ng taong yumakap sakin. Lalaki siya at pamilyar ang boses niya.
"Wag ka nang umiyak bata." Sabi niya sakin trying to comfort me, hinawakan ko ang braso niya at sinubukan kong wag nang umiyak.
Humina ang iyak ko pero yakap yakap parin niya ako, caressing my hair. Hindi ko alam pero I feel safe sa piling ng lalaking to kahit hindi ko siya kilala. Tahimik lang kami habang yakap yakap niya ako ng bigla siyang kumanta.
Guten Abend, gute Nacht,
mit Rosen bedacht,
mit Naglein besteckt,
schlupf unter die Deck
Morgen fruh, wenn Gott will,
wirst du wieder geweckt.
Guten Abend, gute Nacht,
von Englein bewacht,
die zeigen im Traum
dir Christkindleins Baum.
Schlaf nun selig und sub,
schau im Traum ′s Paradies
Nang narinig ko ang kanta, muli akong naiyak, yan ang kantang kinakanta sakin ng father ko noong bata pa ako every night, noong maayos pa ang lahat. Muli, pinatahan niya ulit ako.
Nang tumahan na ako, hinalikan niya ang ulo ko at binitawan na ako, lumingon ako para tignan kung sino yung lalaking yun, nang lumingon ako tanging sillhoutte niya nalan ang nakita ko. Naka hood siya.
Batang hoodie?
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanfictionS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3