Sa high school, Walang pinipili ang mga tao. Kung ikaw eh di ikaw, kung hindi ikaw eh di hindi ikaw.
Ang high school ay isang Battlefield, well para samin, ewan ko sainyo.
Katulad nga ng sinabi ko, kami ang the Insurgency, ang terrorista ng Olympian high school. Yan ang nilabel saamin ng SUPREME.
Ang SUPREME, sila ang namumuno sa Olympan high school, sila Kabe, Giri, Gothico, Carlito at si Ford.
Nagsimula ang lahat dahil sa impluwensya ni Ford. Dahil sa siya ang Presidente ng Student Government, mabilis niyang naimpluwensyahan ang mga kapwa ko estudyante at nilabelan kaming mga terrorista.
Kung sino mang lumaban sa kanya at sa SUPREME ay tinatawag na terrorista, at kami lang ang nangahas na lumaban at suwayin sila.
The Insurgency, Binubuo kami nila Gil, Loyzaga, Oineza, at Barretto. Sila ang matatalik kong kaibigan sa Olympian highschool. Sila ang mga taong handang sakyan ang mga gusto ko at handang pabagsakin ang SUPREME.
Bakit ko kinakalaban si Ford. Simple lang ang sagot jan. Deadman.
Deadman. Ang larong sikat at kinahihiligan ng lahat. Limang eskwelahan ang naglalaban laban dito, Garreta, Kalmin, Ditrio, Perlea at Kami, ang Olympian.
Pipili ang bawat eskwela ng ipanlalaban nila sa Ultimate Deadman, Magkakaroon ng Elimination Round. At kami ni Ford ang palaging naglalaban sa Olympian Deadman.
Kilala kaming dalawa bilang mahusay na manlalaro ng Deadman. Binansagan si Ford bilang 'Warrior' Dahil sa special power niya na Strength Multiplier at ako bilang 'Ranger' dahil sa Weapon kong Crossbow at special power na Eagle Precision.
Kaya ako ang nasa top ng hatelist ni Ford. At wag kamo siyang magalala, The feeling is very mutual.
First day of School ngayon, Third year na kami. Tumabi lahat ng tao nang dumaan ako. Kinakatakutan ako dito. pumunta ako sa parking lot para imeet ang mga kaibigan ko.
Nandun na sila, Nakatambay sa sasakyan ni Gil.
"Ang ganda ng sasakyan mo ah!" Sabi ko kay Gil, lumingon silang lahat at ngumiti sakin. Exception si Gil kasi na peace sign siya habang nakangiti. Nagpeace sign din ako
"HAY Juls! Kanina ka pa namin hinihintay! Medyo matagal ah." Sabi ni Oineza.
"Syempre! yan pa si Juls! Fashinably Late yan palagi eh!" Sabi ni Barretto habang kumakaway sakin.
"Ang dami niyong alam guys! Anyway, kamusta anong bago? Medyo tumaba ka Loyzaga ah!" Sabi ko at tumabi ako kay Barretto.
"Ugh. Tumigil ka na nga sa mga apelyido Juls! Third year na tayo!" Sabi sakin ni Loyzaga.
"Fine Dyegs. panalo ka na Everybody happy?"
Nagnod sila lahat at tumawa kaming lahat.
"Guys, 7:30 na. First period na natin." Warning ni Quen.
"Oh Shoot. Tara guys! takbo! Patay tayo!" Sabi ko at agad agad na kaming tumakbo papuntang classroom. As usual Section One kaming lahat., which means kaklase ko ang SUPREME. Oh joy.
Stealth mode kami habang papuntang room dahil pag may nakakita samin, automatic detention ang kalalapagan namin, at ayoko nun. Marami pa akong kailangang asikasuhin sa buhay ko.
"Quen. Katok." Sabi ko kay Gil dahil nasa tapat na kami ng room namin. Agad namang kumatok si Quen at binuksan ng teacher yung pinto.
"Good morning students, Come in." Sabi niya, Bagong teacher ang adviser namin ngayon.
Agad agad kaming pumasok sa loob at umupo sa likod, reserved na para samin ang space sa likod. At as usual nasa gitna at tabi tabi ang SUPREME. Ang sarap nilang tirisin.
"Psst. Girl kalma! Medyo lumolobo na yung ugat mo sa leeg girl!" Sabi ni Liana. Habang natawa. Siya ang katabi ko, Siya at ang bintana.
"Oo na girl! nakakagigil kasi eh! ang sarap nilang-"
"Ihug?" Suggest ni Liana
"Hampasin."
Nagpakilala yung adviser namin at binasa niya yung rules at regulations samin. Ugh. Bakit ba kailangan tong ulitin every year! Di ba sila napapagod or anything. Namememorize ko na siya eh. Wear proper uniform, Wear your ID at kung ano ano pa.
At dahil first day of school at bago yung teacher namin at bata pa siya, Ginawa niya ang ayaw na ayaw ko. Ang magpaintroduce ng estudyante one by one. paulitulit na to promise! Di naman nagiiba yung mga kaklase ko eh!
Isa isa silang tumayo at nagpakilala, same names, same faces, same classmates.
"I'm Daniel Parkinson. President of the student government." Urk. Nakakapanggulo ng dugo. Bwisit na kotse.
Tumayo at napakilala pa ang iba kong mga kaklase kasama na ang the Insurgency hanggang ako na ang nagpakilala.
"I'm Julia Manchester, Ready Aim Fire."
Humanda ka Ford. Sisiguraduhin kong babagsak ka na ngayong taon.
![](https://img.wattpad.com/cover/10889779-288-k612683.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
Fiksi PenggemarS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3