Parkinson's POV
Kakagaling ko lang school ngayon. Inayos namin yung mga kailangan para sa darating na elections. Sabi nila JC tumakbo daw ulit ako bilang president. Well wala namang masama sa Idea nila.
Tuluyan nang lumayo si Kara sakin. Di na daw siya magpapagamit sakin. okay lang yun, di siya kawalan. Sikat na ako kahit wala siya, After all for display lang naman talaga ang relationship namin.
Sabi ni Larry, nakita niya sila Kara at Manchester na naguusap. Bwisit na Manchester.
Pero hindi ko sila kailangan. Basta kasama ko ang SUPREME, kaya ko sila.
Dumaan akong coffee shop para bumili ng kape. Chesnut coffee ang favorite ko. Hazelnut naman ang favorite ni Julia.
Whoa. whoa. whoa. Bat ko alam yung favorite coffee niya? bat ko siyang tinawag na Julia?
Nako Daniel. Kape lang talaga katapat nito. Kape lang.
"Good evening sir. What's your order?" Sabi sakin nung babae na halatang sinusubukang makipagflirt saakin.
"Chesnut coffee. Large." Sabi ko habang inaabot yung bayad ko. Hindi ko pinansin yung babae na todo todo yung ngiti.
Umupo ako sa table malapit sa counter at hinintay ko yung coffee ko. Malamig ang gabi ngayon. Buti nalang di ko dinala ang kotse ko, maeenjoy ko ang lamig ngayon.
"Ford? Ready na po yung order niyo." Tawag sakin, tumayo ako para kunin ang order ko at umalis na ako sa coffee shop.
Ahh. Perfect ang coffee sa cold weather ngayon. Nakakawala ng stress.
Dahil sa good mood ako ngayon, napagdesisyonan ko na dumaan sa park.
Marami akong memories sa park na yun. Dun ko nakilala yung taong pinangakuan ko ng kasal.
Pero bata pa kami nun, mga 7 years old kami.
Madalas siyang naglalaro sa park, tuwing 4oclock asahan mong nandun na siya nagswiswing at nagtatatakbo. Nung bata ako wala akong lakas ng loob kausapin siya hanggang nung one time na nakita ko siyang nasa swing naiiyak, yun yung panahon na nagkaroon ako ng lakas ng loob at nilapitan siya.
Naalala ko pa yung conversation namin nun.
"Hoy bata." Sabi ko habang lumalapit dun sa swing.
"Bakit?" Sabi niya habang nakatingin sakin at umiiyak.
"Bat ka umiiyak?" Tanong ko sakanya.
At dun na nagsimula ang pagkakaibigan namin, palagi nadin akong nasa park tuwing 4oclock, sinusubukan ko nga siyang unahan pero hindi ko talaga siya maunahan. Naging playmates kami.
Hanggang isang araw, pumunta ako sa park at wala siya, nung una natuwa ako kasi inakala ko naunahan ko siya, pero hindi siya dumating. Naghintay pa ako ng ilang araw, paulitulit akong pumunta dun, ng eksaktong 4oclock. Pero hindi siya dumating.
Hindi ko ng alam kung anong pangalan niya, hindi namin naitanong ang pangalan ng isa't isa. Ang natatandaan ko lang ay Mahaba ang buhok niya na palaging nakaponytail at napakaganda ng mga mata at ng ngiti niya.
Nasaan na kaya siya ngayon?
Bat ko ba inalala bigla to. Matagal na yun. Eleven years na ang nakalipas nang mangyari yun. At I'm sure kung makikita ko man siya ngayon ay hindi niya na ako kilala at hindi niya maalala na ngako ako na siya ang pakakasalan ko. Ako nalang tong umaasa at humahawak sa mga alaalang yun.
Siya ang dahilan kung bakit gusto kong sumikat at makilala para kung mabalitaan niya at makita niya ang mukha ko eh lalapitan niya ako at matatanong ko na ang pangalan niya.
Pero hindi nangyari yun. Sikat at kilala lang ako. Di ko parin siya nakikita.
Ininom ko ang kape ko habang naglalakad. hmmm, ang sarap ng kape.
Ilang minuto lang at nakarating na ako sa park. Ganun parin ang itsura nito, maraming bulaklak, colorful parin yung slide at swing, speaking of swing, May tao sa swing ngayon.
Tinignan ko ang relo ko, 8:45pm.
Sino ba namang matinong tao ang magswiswing ng ganitong oras.
Tinignan ko yung babae at nakita kong nakaponytail siya, at naiyak din siya.
Naklakad ako papunta sa umiiyak na babae, nakaschool uniform siya. Hindi ko muna siya nilapitan ng sobra, pinakinggan ko muna siya.
"Bwisit..." Sabi niya habang nahikbi.
"Peste..." Teka, pamilyar yung boses na yun ah.
"Bwisit ka..." Kilala ko ang boses na to.
Gusto ng utak ko na lumapit sa umiiyak na babae para yakapin siya at patahanin siya. Pero hindi ako makagalaw, Parang ganito din yung sitwasyon ko noon pero bakit hindi ko mahanap ang lakas ng loob para lapitan siya.
"Ah Putek.." Sabi ulit ng babae, hindi parin siya tumitigil sa pagiyak, Alam ko na talaga kung kaninong boses yun.
Kaya pala hindi ko siya malapitan.
Hindi ko talaga siya pwedeng lapitan.
Si Julia Manchester yung babaeng naiyak.
Kahit na gusto ko siyang yakapin at patahanin.
Hindi pwede.
Kailangan kong imaintain ang distance namin.
Alam ko namang hanggang tingin nalang ako.
I need to keep my distance. I need to be mean to her.
Just to get her attention
This is my way of loving her.
_________________________________________
Merry new year guys! :">
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanfictionS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3
