ELEVEN: Rooftop

591 23 9
                                    

Agad agad kong cinrumple yung paper pagkatapos ko siyang mabasa. Seriously? sinong taong mapangahas ang magbabato sakin ng ganitong note? Ah ewan. 

May mga hinala ako kung sino. Pero isa lang talaga ang alam ko.

Binobopols lang ako kung sino mang putspang nilalang na to.

"Pssssssst." Tawag sakin ni Liana.

"Hm?" Sabi ko, hindi ko siya nililingon kasi baka makita kami ng teacher namin.

"Anong nakasulat sa papel girl?" Tanong niya sakin.

"Ikaw na ang tumingin sa sarili mo." Sagot ko at hinampas ko yung papel sa lamesa niya. SILENTLY. 

tumingin ako sa blackboard at narinig kong naggasp si Liana. As what I expected. At kung di ako nagkakamali.

"Putabibe." 

"WhattheFudgeebar?"

Sabi na eh, pinasa ni Liana yung papel kayla Quen, napangiti ako sa mga reaksyon nila. 

"Guyssss. Quiet. Shhhhh." Bulong ko sakanila habang natawa

"Hindi ka ba nababahala dito juls?" Tanong sakin ni Jane.

"Nababahala. Pero ipapakita ko ba sa kalaban ko na nababahala ako? Syempre hindi." 

"Well. ano pa bang ieexpect namin sayo?" Tanong ni Quen.

"Madami. madami, kaya makinig na kayo sa teacher."  Sabi ko sakanila at tumigil na sila sa pagbulong.

Outside, I am calm pero sa kalooblooban ko eh nagaalala ako na nagagalit na nagtataka na naasar na naiinis na andami kong nararamdaman at sabay sabay sila. Uulitin ko, sino ba namang taong nasa tamang katinuan ang magbabato ng ganitong papel at sasabihan akong wag nang tumakbo? Really ah. I can punch someone right now.

Agad agad akong tumayo at lumapit sa teacher.

"Ma'am may I go out?" 

"Yes Ms. Manchester." Sagot niya sakin.

"Thank you ma'am" At agad agad na akong lumabas ng room.

Naglakadlakad ako sa corridors dahil I need to clear my mind. Tumingin tingin ako sa palagid, tinatanaw yung labas, nakatingala sa kisame, Pumunta ako sa cafeteria.

Pagdating ko sa cafeteria umupo ako sa upuan at pumikit. Payapa. Wala masyadong tao kasi lahat ay may klase.

Ineenjoy ko ang katahimikan ng may lumapit sakin.

"Uhm- Ate! Ate!" Tawag sakin ng lumapit sakin, Oh. First year to ah.

"Bakit?" Tanong ko.

"May nagpapabigay po." Sabi niya at inabutan niya ako ng papel sabay takbo palabas ng cafeteria.

"Teka-" Grabe naman. Alis agad? Di ko tuloy na tanong kung sinong nagbigay nito.

Binuksan ko yung papel at binasa yung laman nito, agad agad akong umalis ng cafeteria para pumunta sa rooftop.

NASA ROOFTOP ANG KASAGUTAN

Yan ang nakasulat sa papel na binigay sakin ng bata. Kung sino mang nagsusulat nitong mga to eh sinasagad niya na ako.

Tumakbo ako papuntang Rooftop, binuksan ko ang pinto at magugulat ka sa nakita ko.

Wala akong nakita.

Bwisit. 

Nakakaloko na talaga kung sino man to.

pumunta ako sa rooftop para sa wala, nagmadali ako para sa wala. Ginagalit na talaga ako ng kung sino mang nasa likod nitong mga sulat na to,

isasara ko na sana yung pinto ng rooftop ng biglang may humila sakin papasok sa rooftop.

"whatthe-"

Niyakap ako ng humila sakin at sumara ang pinto ng rooftop.

"Julia. Julia. Julia." Sabi sakin ng humila sakin. Teka-

Kilala ko ang boses na to.

At Wtf, umiiyak siya? 

"Bitawan mo ako." Sabi ko sakanya pero hindi ko siya matulak, parang naparalyze ako. 

"Julia. Julia." Sabi niya sakin. at cofirmed, umiiyak nga siya.

"Kung anomang kagaguhan to eh itigil mo na to Ford. Bitawan mo ako."

Hindi siya sumasagot, pero naririnig ko yung mga hikbi niya. Yakap yakap niya padin ako pero eto ang weird. Hindi ko siya matulak, hindi ko kayang mawalay sa yakap niya.

"Julia." Tawag niya ulit sakin.

"Ilang beses mo ba akong tatawagin?" Tanong ko sakanya at lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sakin.

"Julia, Wag mo nang ituloy ang Candidacy mo. Please. Hindi ko kayang mawala ka sakin." Pakiusap niya sakin.

Tahimik lang ako, for the first time eh wala akong masagot sa kanya. Ako mawawala? Bakit siya nagmamakaawa? Bakit niya ako niyayakap? Bakit siya ganito?

Ano ba ang nangyayari?

"Ford. Umayos ka nga bitawan mo ako." Sabi ko sakanya.

"Hindi. Hindi ako bibitaw. Julia, Hindi mo ba ako naalala?" Tanong niya sakin, still hugging me and burying his face on my shoulder.

"Bakit kita maalala?" Tanong ko sakanya.

Tuloy lang siya sa pagiyak, hindi niya sinagot ang tanong ko at I feel like crying too. 

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon