SIX: Bernardo

820 18 3
                                    

Insurgency, an organized rebellion aimed at overthrowing a constituted government through the use of subversion and armed conflict. The quality or circumstance of being rebellious.

Nang sinabi ni Bernardo na gusto niyang sumali sa The Insurgency sinabi ko sakanya na kailangan ko munang kausapin ang iba pang miyembro, at kasama dun si sir Lesdeco. 

Pumayag naman siya at bumalik ang pagka highpitch ng boses niya, Nagpaalam kami sa isa't isa at umiw na ako sa bahay.

Nagpuyat ako at nagplano ako kung paano namin mapapabagsak si Ford. Ngayon na kakampi na namin si Sir Ledesco at Maaring mapasaamin si Bernardo kung papayag sila.

At ang resulta nitong pagpupuyat na ito ay eyebags at zombie mode.

"Yo Guys!" Sabi ko sakanila habang hinihila ko ang sarili papuntang kotse ni Quen. Literally.

"GIIIRL! ANYARE SAYO!" Sabi ni Liana habang tinutulungan ako na makapunta sa kotse ni Quen.

"Long story. Eto oh basahin niyo." Sabi ko at inabot ko sakanila ang papel na hinanda ko.

Dahil sa alam kong magzozombie mode ako kagabi, hinanda ko na yung mga sasabihin ko sa papel kasi alam kong di ako makakapagexplain ng maayos pag nakazombie mode ako.

At matatawa ka sa reaksyon nila nang binabasa nila ang sinulat ko.

Nagsulat lang naman ako ng letter na nagsasabing sasali si Bernardo sa The Insurgency at sinulat ko din dun kung ano ang nangyari kagabi. Nilagay ko din dun kung bakit kailangan namin siyang tanggapin.

Priceless ang mukha ng Jane at Liana.

"ANO!" Sabi nilang dalawa ng sabay. Tinignan ko sila Quen at masasabi kong nagulat din sila.

"Nabasa niyo yung letter." 

"Tama si Juls guys. Maganda kung isasama natin si Bernardo. Malaki ang matutulong niya." Pangungumbinsi ni Quen. 

"I agree with Quen, girls kailangan niyong intindihin yung sitwasyon." Sabi ni Dyegs.

Napanod nalang ako sa mga pangungumbinsi ng dalawang lalaki. At the end napapayag nila sila Jane at Liana.

"Mamayang uwian natin siya kakausapin, ipapaalam ko din to kay Sir Ledesco." Sabi ko.

"Tara na guys pasok na tayo, Mukhang antok na antok na si Juls eh." Alok ni Dyegs.

"Agree ako kay Dyegs. Antok na antok na ako." Sabi ko at tumawa silang lahat.

Naglakad na kami papuntang classroom namin just in time bago dumating ang teacher namin.

Nagklase yung mga teacher namin at may bagay akong napansin, wala si Ford. Hala. Di umaabsent yun ah. Bakit kaya siya absent? As if namang I care. Di ko kailangang magbigay ng care sa kanya, bahala siya jan.

Dumating ang lunch break, nagpaalam ako kayla Dyegs na pupuntahan ko si sir Ledesco. Pumaya sila at pumunta na akong faculty, Sinundo ko si sir at nagusap kami dun sa back garden.

Sinabi ko sakanya kung anong nangyari at yung tungkol kay Bernardo. Pumayag din siya, so mamayang uwian eh kakausapin na namin si Bernardo, pero syempre di sasama si sir Ledesco. Syempre kinwento ko din yung pinagpuyatan ko.

"Sir, nagpuyat ako kagabi." Sabi ko sakanya.

"At bakit ka naman nagpuyat iha?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Gosh nakakatunaw.

"Pinlano ko po kung paano ko pababagsakin si Ford." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa kanya.

"At paano naman aber?"

"Tatakbo po ako bilang vice president."

Kinuwento ko pa kay sir yung iba pang paraan, pero syempre kailngan ko munang manalo bilang vice president para masagawa ko yung mga plano ko, meron din naman akong back up plan, at involved dito ang deadman, ang paborito kong laro.

Pagkatapos naming magkwnetuhan ay bumalik na ako sa room ko para kumain ng mabilis, syempre kinuwento ko kayla Quen kung anong nangyari at na payag din si sir na isali namin si Bernardo.

"Mamayang uwian eh kakausapin na natin siya." Sabi ko at pumayag naman sila.

Lumipas ang oras nang mabilis, pumasok at lumabas ang mga teachers namin. nagturo sila at nagbigay ng mga assignments. Uwian na, tinext ko si Bernardo na magkita kami sa Back Garden. Magkakaroon nanaman ng bagong miyembro ang The Insurgency.

Pumunta kami sa Garden at nakita namin na nandun na si Bernardo, naghihintay at nakangiti. Nilapitan namin siya ng nakangiti din. Lalo na si Quen.

"Hey!" Sabi ko sakanya. 

"Hey Guys!" Sabi niya samin habang nakaway, kumaway naman si Quen pabalik. 

"Okay, let's start na!" Sabi ko at nagform kami ng circle at umupo sa damuhan, katabi ni Quen si Bernardo. Napansin ko nanaman yung mga mata nila, Magkatulad yung mata nila. O baka antok lang to.

"May good news kami sayo." Sabi ni Liana with a cheery tone. Siguro Inalis na nila yung galit nila kay Bernardo. ambait talaga nitong dalawang to.

"Karalyn Bernardo. Welcome to The Insurgency!" Sabi ko at nagpalakpakan silang lahat. Tinignan ko yung mukha ni Kara, Pure happiness ang nasa mukha niya, sincere talaga siya sa pagsali samin.

"Thank you guys! di niyo alam kung gaano to kaimportante sakin." Sabi niya habang nakangiti.

"Kara, pwede magtanong?" Tanong ni Jane.

"Go lang!" Alok niya.

"Bat mo gustong pabagsakin si Parkinson na boyfriend mo? I mean ex." Tanong ni Jane, Nakita ko na may hint ng sadness sa mukha niya.

"Uy sorry! okay lang kah-" 

"Niloko niya ako. Ginamit niya lang ako para sumikat siya lalo." Sagot ni Kara na naiiyak na.

"Aww Girl! Wattpad story na ang buhay mo!" Sabi ni Liana habang niyayakap si Kara, Naiiyak nanaman si Liana. Ang sensitive talaga nito!

"Onti pa ngalang yung sinabi niya eh!" Sabi ni Jane na tumatawa na.

Tinawanan namin si Liana at nag group hug kami. Sumama nadin sila Kara at Liana na hindi maintindihan kung naiyak ba o natawa.

Nagkwentuhan pa kami hanggang oras na para umuwi, Naghiwahiwalay kami pero hinarang ko si Quen sa parking lot  para makausap siya.

"Quen! Pwede bang magtanong?" Sabi ko.

"O ano yun Juls?" Tanong naman niya.

"Uhm" Tumingin muna ako sa paligid, sinuguro ko na magisa nalang kami.

"Napansin ko kasi na ang masiyahin mo pag nanjan si Kara, at parehas kayo ng mata." Sabi ko. 

"Ngayon, Ano si Kara sa buhay mo?" Dagdag ko. Tahimik lang si Quen pero nakangiti siya.

"Napansin mo din pala, well wala akong dahilan para magsinungalin sayo." Sabi niya at huminga siya ng malalim.

"Juls, Half sister ko si Kara. Anak ako ni Mr. Bernardo sa labas."

___________________________________________

nagkamali pala ako sa numbering, yung chapter 5 (Deal) ay nalabelan ko as six. Eto po talaga yung chapter six. Sorry po. :3

missjuniper

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon