Agad kaming pumunta ni Ford sa Principal's office and I swear na binigyan ni Ford ng look of disgust si Bernardo habang nakasmirk parin si Bernardo. Anong nangyayari?
Habang nakasunod sa Principal lumingon ako para tignan sila Quen, Nginitian ko sila at nakuha agad nila ang ibig kong sabihin.
Alam nating lahat ang katutunguhan ko, ang Detention. At alam nila ang gagawin kung malagay man ako sa detention.
Narating na namin ang office ng principal, pinaupo niya kami. Eto na.
"Anong nangyari dun sa cafeteria?" Tanong samin ng principal, Walang sumagot samin.
"Walang magsasalita? Ms. Manchester? Mr. Parkinson?" Tanong niya. Alam ko na susunod neto, magbabanta siya. Sus, Memorize ko na tong principal namin eh.
Yun, nag astang good cop bad cop ang dakila naming principal, pero wala parin namanag nagsalita, parehas lang kaming nakapokerface, nakatingin sa sahig at tahimik.
"Fine. Wala talagang magsasalita. May dentention kayong dalawa mamaya!" at umalis na ang principal namin, bat siya umalis eh office niya to? diba dapat kami ang papalayasin niya?
"AGH. Bwisit! Detention! Kasalanan mo to Manchester!" Bintang sakin ni Ford.
"ABA! At ako pa ang may kasalanan! Pagsabihan mo yang mga alimango mo! turuan mo ng Good Manners!" Sabi ko sakanya at tumayo na ako para umalis pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Sorry." Sabi niya at binitawan niya na yung kamay ko.
Tinignan ko siya at lumayas na ako sa Principal's office. Weird. Bat siya nagsorry? Himala. Siguro mageend of the world na.
Naglakad ako at nakita ko sila Liana at Jane sa corridor, hinihintay ako.
"Hey! Nasaan sila Quen?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ayun nagreready para mamaya. Kawawa ka Juls, Detention with Ford? Laslas na friend." Sabi sakin ni Jane habang natawa. Nakitawa din si Liana.
"HAHA. NAKAKATUWA. Tumigil mga kayo! Titirisin ko kayo eh!" Banta ko sakanila.
"Ooooooh. SPOOKEEEEH." Sabi nilang dalawa.
Tumawa lang kaming tatlo at naglakad kami papuntang next class namin habang nagkukwentuhan.
"Uy guys! alam nyo ba ang weird ng nangyari kanina, Nagsorry si Ford sakin." Kwento ko sakanila.
"Ha? Seriously? OMOGOD. Hala." Sabi ni Liana. Tinignan ko si Jane, mas lumapit siya samin. Mga chismosa.
"Oo. Seriously, Ang weird nga eh. Para siyang may sapi. Hinawakan pa nga niya yung kamay ko eh." Kwento ko habang hinihimas yung kamay ko na hinawakan niya.
"HALA KANG BATA KA! ANONG NANGYARI?" Sigaw ni Jane.
"Shhhh. Wag kang sumigaw! ewan ko kung anong nangyayari! ugh! magulo!"
Pumasok na kami sa room namin just in time bago dumating yung teacher namin. Time passed and flied slowly, last period na namin, May pumasok ng teacher for our last subject.
Lalaki yung teacher namin, bago siya.
Matangkad na nakasalmin na may black messy hair, estimated age ay 24. Masyado siyang gwapo para maging teacher. Nakakabanas. Makakapagfocus ba ako nito?
"Girl! Girl! GIIIIIRL! Ang gwapo girl!" Bulong sakin ni Liana, echoserang babae.
"Alam ko! Ang gwapo niya grabe!" Eto nanaman kami, fangirling. Don't Judge. Kayo nga eh puro Daniel Padilla jan! ew.
Pumunta yung bago naming teacher, tumingin ako sa mga kaklase kong mga babae na grabe narin ang pangingisay sa sobrang kakiligan, tumingin ulit ako sa bago naming teacher at nagawa ko ata yung tinatawag niyong eye contact. Nagmeet yung mata namin, at ginawa niya yung bagay na kinatunaw ko.
Nginitian niya ako.
"Good Afternoon class, I'm your new Science teacher, Mr. Ledesco." Sabi niya while maintaning yung eye contact namin, God. Natutunaw na ako.
Nginitian ko siya tapos lumingon na ako sa iba kong mga kaklase, at nakita ko si Ford na nakasimangot at nakatingin kay Sir Ledesco ng masama. Whatever.
Mabilis na natapos ang klase ni Sir Ledesco, totoo nga yung sabi nilang time flies when you're having fun. Grabe, ang gwapo niya.
Lumabas si Sir Ledesco at agad agad na lumapit sakin sila Jane at Liana. May mga malalaking ngiti sa kanilang mukha. Tinakpan ko agad yung tenga ko.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw nilang dalawa in chorus. Buti nalang natakpan ko na agad yung tenga ko, kungdi bingi na ako ngayon.
"ANG GWAPO NIYAAAAAAA! OMYGOSHHHHHHH!" Sigaw ni Liana habang nagtatalo talon kasama si Jane. Grabihan talaga tong mga babaeng to.
Attracted by the shoutings, Agad agad na lumapit sila Quen at Dyegs para makigulo.
"Alam ko guys, alam ko! Kalma na kayo! Hi Quen! Hi Dyegs! baka pwede niyo silang pakalmahin." Sabi ko habang nakangiti at iniiwasan yung mga hampas nila Jane.
"Ayaw nga namin! Diba Dyegs?" Tanong ni Quen kay Dyegs habang naka smirk. Nagnod naman si Dyegs.
"Ewan ko sainyo. Bahala nga kayo jan. Pupunta pa ako sa Impyerno. See you guys." Tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko.
"Juls! text mo kami pag kailangan na naming gawin ang dapat gawin." Paalala ni Dyegs.
"Bon Voyage!" Sigaw ni Quen habang natawa.
"Roger that! Wish me Luck!" Sabi ko at lumakad na ako papuntang Detention Room.
Detention, the action of detaining someone or the state of being detained in official custody.
Detention Room. Ang impyerno ng Olympian High School. Ang kwartong ilang beses ko nang napupuntahan at pupuntahan ko ngayon.
"Longtime no see dre." Sabi ko sa pinto ng Detention Room.
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko na nandun na si Ford, nakasimangot. Umupo ako, three seats away from him.
"Bat ka nakasimangot?" Tanong ko sa hangin, not even trying to look at him.
"Ano ba kasing meron sa Ledesco na yun?" Sabi niya.
Hala ka. Inggit si Ford. Naiingit din pala tong bwisit na to? Buti nga sakanya
BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
Fiksi PenggemarS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3
