I froze nang narinig ko ang mga sinabi ni Quen, Half sister niya si Kara, Half brother siya ni Kara. Anak siya sa labas.
Tinignan ko si Quen sa mga mata niya, alam niya kung anong ibig sabihin nito, kailangan ko ng mas malalim na explanation. Huminga ng malalim si Quen, Tumingin siya sa ceiling at tumingin siya ulit sakin.
"Tara Juls, wag tayo dito magusap." Sabi niya. Umoo nalang ako at sumakay na kami sa kotse niya.
"Enrique Harold Gil. Kailangan ko ng kape." Sabi ko habang inaayos ang seatbelt ko.
"Yes ma'am. Dun tayo sa apartment ko. May hazelnut coffee ako dun." Sabi niya habang iniistart ang engine.
"Good."
Nagdrive na si Quen papuntang apartment niya, Tinry kong iprocess ang mga information na nasa utak ko. Masyado nang maraming information, Una yung 'Kara and Ford' relationship, Pangalawa yung kay Elisa Ledesco, Ngayon eto naman. Kailangan ko talagang magkape ngayon.
"Juls okay ka lang?" Tanong sakin ni Quen.
"Okay lang ako, Magfocus ka jan sa pagdridrive mo."
Minutes past at nakarating na kami sa apartment ni Quen, Nagelevator kami papuntang 4th floor. Room 418 ang kay Quen. Gusto ko na talagang magkape.
"Saglit lang Juls." Sabi ni Quen habang kinukuha yung susi niya. Binuksan niya yung apartment niya at pinapasok ako.
Tinanggal ko yung sapatos ko at dumeretso ako sa couch.
"Enrique. Kape." Utos ko sakanya.
"Opo ma'am." Sabi niya habang natawa.
Humiga ako sa couch at pinikit ko yung mga mata ko. Narinig ko na may kausap siya. Dinilat ko yung mata ko at nakita ko siyang may kausap sa telepono. pinikit ko ulit yung mga mata ko dahil antok na antok na talaga ako.
Makakatulog na sana ako nang narinig kong nagring yung doorbell. Hinayaan ko lang siyang tumunog, nung pangalawang doorbell na, bumukas na yung pinto.
"KUUUUUUUUUUYAAAAA!" Sigaw ng babae, teka. Si Kara yun ah.
"Ay. Hello Julia! Sorry natutulog ka ata." Sabi niya sakin habang naglalakad papuntang couch.
"Okay lang." Sabi ko at umupo na ako, umupo siya sa tabi ko.
"So alam mo na." Sabi ni Kara habang nakatingin sakin.
"Yup. Pero kailangan ko parin ng explanation."
"Ah. Kaya pala ako pinapunta ni Kuya." Sabi niya habang kumukuha ng throwpillow.
"Eto na ang kape mo ma'am" Dumating si Quen galing sa kusina daladala ang kape ko.
"Sa wakas." Sabi ko at kinuha ko na ang kape ko. hmmmmm. Hazelnut.
"Ingat. Mainit pa. Sensya na Kara ah, minsan talaga eh sinasapian tong si Julia ng 3 years old." Sabi ni Quen habang binabalutan ako ng kumot.
"Hoy. Grabe ka. Ansama mo. Pero masarap yung kape. Thanks." Sabi ko while sipping my coffee.
"Hihihihi. Okay lang yun. Ano magstart na tayo?" Sabi ni Kara.
"Mamaya naaaaaa. Friday naman ehhhhh. Nood muna tayo ng Rise of The Guardians." Sabi ko habang naiinom ng kape. Pagkasi dumeretso agad kami sa pagkwekwento I swear hihimatayin na ako dahil sa information overload.
"AHHHHHHHH! JACK FROST! GWAPO MUUUUCH!" Sigaw ni Kara, Sumigaw din ako kasama siya. Tumayo si Quen at hinanda yung movie na gusto namin.
"Ewan ko sainyo. Di ba kayo nagsasawa dito? Gasgas na yung CD ko oh." Sabi ni Quen habang tinuturo yung CD.
"Hindeeeeee." Sabi naming dalawa ni Kara in Chorus.
Kumuha si Kara ng maraming unan at nagtimpla din siya ng kape niya. Nagfocus kami sa movie habang nagfafangirl dahil sobrang gwapo talaga ni Jack Frost at bagay sila ni Elsa from Frozen. Pero syempre mas bagay samin si Jack Frost.
Natapos namin yung movie,Parehas kaming nakangiti ni Kara after nang movie .
"Okay. Pwede na tayong magstart. Handa na ako."
Umupo sila sa harapan ko, Huminga ng malalim si Quen at nagsalita na siya.
"As you know, anak ako ni Mr. Bernardo sa labas, Nagmeet sila ni ma sa isang business trip sa America. They feel in love with each other, and to make the long story short nabuo ako." Kwento ni Quen.
"And at that time, di pa kasal sila daddy at mommy, so nauna talaga si kuya. You can say na first love ni daddy ang mommy ni kuya. Two years makalipas ipanganak si kuya, nalaman ni daddy na ikakasal pala siya kay mommy. Arranged marriage. kaya napilitan siyang iwan sila kuya." Dagdag ni Kara.
Nagkwento pa sila tungkol sa pagiging first son ni Quen sa Daddy ni Kara at sinubukan ko talagang iabsorb lahat, 3 years ang tanda ni Quen at siya ang magmamana ng company nila once na naintroduce na siya as legitimate son ni mr. Bernardo which is pagkagraduate namin sa highschool at na dati pa alam ni Kara na kuya niya si Quen, Heck akala niya nga daw na totoo niyang kapatid si Quen eh, 6 years old daw si Kara ng nalaman niya na half brother niya lang si Quen.
"Kara, tanong lang."
"Ano yun ate Juls?" Tanong niya.
"Bat galit sayo sila Jane at Liana dati?"
"Ahh. yun ba, ako nalang mag eexplain." Alok ni Quen.
"Hindi, ako nalang kuya. Ganito kasi yun Ate Juls. Dahil nga super close kami ni kuya, pinaghahanda ko siya palagi ng lunch dati, tapos one time nung second year kayo at first year ako, nakita ako nila ate Jane na hinahatiran ng pagkain si kuya, eh diba nga ang alam nila kami ni Daniel, kaya nainterpret nila na may gusto ako kay kuya at nangangaliwa ako." Paliwanag ni Kara with matching facial expressions, natawa kami ni Quen sa way nang pagkwekwento niya.
"Last na to. diba nung first year mo lang naging boyfriend si Ford at ginamit ka lang niya para sumikat lalo?" Tanong ko. Nag nod lang si Kara.
"So ang tanong ko ay para kay Quen. May kaugnayan ba ang pangloloko ni Ford kay Kara sa pagsali mo sa The Insurgency?" Tanong ko kay Quen. Humarap sakin si Quen nang may seryosong muka.
"Gusto kong pagbayarin si Parkinson sa ginawa nia kay Kara. Hindi niya talaga minahal si Kara, ginawa niya lang trophy si Kara para ipakita sa mga kaibigan niya na girlfriend niya ang anak ng may ari ng Bernardo Corporation." Sabi ni Quen at nakita kong naiiyak na si Kara.
Bwisit ka Ford. Wala kang karapatang paglaruan at paiyakin ang kapatid ni Quen.

BINABASA MO ANG
Mr. President's Enemy
FanficS T O P P E D || Isang story about sa isang terrorista at presidente, sa highschool. Cover by: Bebelabs @yourpolaris <3