FOURTEEN: Elisa

485 29 21
                                        

Parkinson's POV

Umalis sila Kuya Chong, naiwan kami sa rooftop, tahimik lang si Julia, di ako tumigil sa pagsosorry sa kanya, after all ako naman talaga ang may kasalanan. 

"Bakit ka ba nagsosorry?" Tanong niya sakin. Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Ford. Ford. Magsalita ka nga! Kelan ka pa naging pipe!" Sigaw niya sakin. Binitawan ko siya at umupo ako.

"Sorry talaga. Kung nalaman ko lang talaga kung ano yung ugali at tumatakbo sa utak nung Ledesco na yun nabalaan kita agad, hindi ka dapat muntik muntikan makidnap." 

"Huh? Ako makikidnap?" Tanong niya sakin. Umupo din siya. Tinignan ko siya nang nakabukas ang bibig. Ano ba tong babaeng to, inosenteng 5 year old?

"JULIA! Ikaw na yung hinila tapos sinakay sa kotse tapos di mo alam na makikidnap ka na? So basta basta ka lang na sumasama sa ibang tao?" Sigaw ko sakanya habang kinakamot yung ulo ko.

"ABA LOKO KA PALA! EH BAT NAMAN KASI AKO DI SASAMA KAY SIR EH KILALA KO NAMAN SIYA! At bakit niya naman ako kikidnapin?" Tanong niya sakin innocently. Too innocently. Akala ko ba terrorista to?

Tumahimik kami, tumingala ako at pinagmasdan ko yung mga ulap. tinignan ko si Julia, nakatingin siya sakin, alam kong gusto niya ng mga sagot sa mga tanong niya, nakikita ko yun sa mga mata niya, punong puno ng confusion.

"Nagsimula ang lahat last year." Sinimulan ko na ang pagpapaliwanag ko.

Tinignan ko ulit siya at alam kong nakuha ko na yung atensyon niya. Tinignan niya ako with curious eyes.

"Siguro naman kilala mo si Elisa diba? Alam kong nakwento na siya sayo ni Ledesco." Tanong ko sakanya at nag nod siya.

"Hindi talaga ang relasyon namin ang dahilan dun sa nangyari sa kanya." Sabi ko at tumigil ako, naalala ko yung mga nagyari.

"Alam kong alam mo na naging kami ni Elisa, Nung panahon na yun, mahal na mahal ko siya, twing nakikita ko kasi siya eh naalala ko yung bata sa park, Mahal na mahal ko siya, pero hindi niya ako mahal o minahal. May iba nang nagmamayari ng puso niya." Kwento ko sakanya.

Tinignan ko ulit siya, tahimik lang siya, Dahil sa tahimik lang siya eh tumuloy na ako sa pagkwekwento.

"Yung lalaking gusto ni Elisa ay isang basag ulo. Gwapo siya pero bag ulo. Nasa section two siya. Dahil nga sa basag ulo siya hindi pinayagan ng kuya ni Elisa yung relasyon nila." Huminga ako, nanginginig na ako ngayon, mahirap pala to.

"Teka. Eh bakit naging kayo?" Tanong niya sakin, sa wakas nagsalita na siya. Akala ko naging bato na yung kausap ko.

"Diba nga mahal na mahal ko siya? Dahil sa mahal na mahal ko siya. Kinaibigan ko siya, Yung reason kung bakit niya ako nireject eh sa bestfriend niya daw ako. Kaya nung hindi inapprove ng kuya niya yung relasyon nila eh agad siyang tumakbo sakin."

Tumigil ako sa pagkwento, napangiti nalang ako. Naalala ko nanaman yung araw na yun. Isa akong malaking tanga.

"Oh tapos, anong nangyari?" Tanong sakin ni Julia.

"Dahil sa mahal ko siya at ayaw kong nakikitang malungkot siya, sinuggest ko ang pinakabobong plano. Sinabi ko sakanya na magiging kami pero hindi talaga kami." Sagot ko sakanya.

"Panong hindi kayo? Kayo tapos ganun? What?" Tanong niya sakin.

"Sa tingin ng kuya niya kami, pero sila nung basag ulo talaga ang magkarelasyon." Paliwanag ko at napa-ah nalang si Julia.

"So hindi talaga ikaw ang dahilan kung bakit nagsuicide si Elisa?" Tanong niya sakin.

"Tama."

"Wait. Hindi ikaw ang dahilan, eh bakit sayo niya sinisisi?" Tanong niya sakin.

"Yung totoo, gano ka kaslow? Syempre sakin niya isisi yun kasi sa mata niya kami ni Elisa ang may relasyon." Napafacepalm nalang ako dahil sakanya.

"Hoy! Hindi kaya ako slow. Ituloy mo na nga yung kwento mo." Utos niya sakin.

"Ang dahilan kung bakit tumalon si Elisa eh dahil dun sa basag ulo. Diba may secret relationship sila? Nabuntis ng basag ulo si Elisa." Huminga ako ng malalim at itinuloy ko ang pagkwekwento.

"Oo mahal ni Elisa yung basag ulo at mahal din siya ng basag ulo, pero nung nalaman ni Elisa na buntis siya, natakot siyang sabihin to sa basag ulo, baka daw kasi iwan siya. Hindi niya din to sinabi sa kuya niya dahil natatakot siya." Sino ba naman kasing hindi matatakot diba? 

"Hindi nakayanan ni Elisa yung pressure, sakin niya lang to sinabi, sinabihan ko siyang matatanggap to ng basag ulo, pero pinangunahan siya ng takot kaya tumalon siya dun sa HRM building." 

"So akala ni sir Ledesco na ikaw ang dahilan, pero bakit ako ang hinahabol niya?" Tinanong niya na yung tanong na di ko kayang sagutin.

Kasi mahalaga ka sakin. Kasi mahal kita. Kasi mahal na mahal kita.

"Kasi tinuring ka na rin niyang kapatid Julia, Ayaw niyang mangyari ulit yung kay Elisa." Sagot ko sakanya kahit alam kong hindi naman talaga yun ang sagot.

"Pero wag ka nang magalala Julia, Ilalayo na dito si Ledesco, nalaman kasing may disorders siya, hindi ko na siya babanggitin." Paninigurado ko sakanya.

"Magbanggit ka ng Isa." Utos niya sakin.

"Multiple Personality Disorder. Nadevelop daw to ng namatay si Elisa." Sagot at paliwanag ko sakanya.

Tahimik kaming dalawa. Tinitignan ko lang siya, nakatingin lang siya sa langit, buti nalang at walang nangyari sakanya. Pero alam ko namang di kaya ni Ledesco na manakit, Alam kong kaya niya tinangkang ilayo si Julia dahil ayaw niyang malaman ni Julia na mahal ko siya, ayaw niyang masaktan si Julia.

Tumingin sakin si Julia at ngumiti.

"Hindi na ako magaalala, kasi alam ko nandyan ka para protektahan at iligtas ako." Sabi niya sakin at pakiramdam ko eh sasabog na ata yung puso ko.

Mr. President's EnemyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon