TWO: Lunch War

884 18 2
                                    

Pumasok at lumabas ang mga teachers sa classroom namin, nagpakilala at binasa ang mga rules at regulations, sinabi ang mga ilelesson nila at kinilala kami.

Maraming bagong teacher ngayon which is fine with me naman, No hard feels. Ayoko sa mga lumang teachers namin eh.

Lumapit sakin ang mga kaibigan ko at niyaya akong maglunch sa cafeteria.

"Hey Juls! Tara lamon." Aya ni Quen. Antakaw talaga nitong lalaking to.

"Oo na. Tara na." Tumayo na ako at Kinuha ni Quen yung baunan ko.

"Juls, Me Chocomilk kang baon?" Tanong niya. Napaka sigurista. Walang takas yung chocomilk ko.

"Meron. Bibigay ko sayo mamaya. Tara lakad na." Sabi ko at lumakad na kaming papuntang Cafeteria.

Hindi ko pa napapakilala ng maayos at desente ang the Insurgency, magsimula tayo sa mga lalaki.

Si Harold Enrique 'Quen' Gil. Ang Chocomilk monster, Siya ang bestboybud ko. Ang kapartner in crime ko at ang Kanang kamay ko sa the Insurgency.

Sumunod si Diego Trent 'Dyegs' Loyzaga, Ang 'Bomb' Expert namin, Siya ang nagiisip ng mga pasabog na gagawin namin. He never fails us. Hindi pa siya pumapalpak sa mga pasabog niya.

Kapartner niya si Janica 'Jane' Oineza, Sila ang pranksters ng grupo, Tinutulungan niya si Dyegs sa mga explosions namin. Siya din ang checker ng grupo, sinisuguro niya na palagi kaming succesful sa mga gagawin namin.

At last but not the least, si Juliana 'Liana' Barretto, Ang IT specialist ng grupo, basta computer at technology sakanya ka sumaludo. Siya ang tagakalat ng mga information at ang tagasagap din, at siya din ang tagabigay ng information.

Mga players din sila ng Deadman. Kaya ko sila nakilala dahil dun. Sila ang 'Top Dogs', kahilera nila ang mga miyembro ng SUPREME.

Kenneth Kabe, Larry Giri, Sergio Gothico at Jorge Carlito Parkinson, sila ang 'Scorpions' sa larong Deadman. At oo, si Carlito ay kapatid ni Ford.

Nandito na kami sa cafeteria, umupo na kami sa upuan namin at agad agad na tumabi sakin si Quen, na may puppy eyes.

"Juls, Yung Chocomilk ko Juls." Sabi ni Quen. Ang tigas ng kulit nito no. Sinabi ko na ngang ibibigay ko eh.

"Oo na. Eto na." Sabi ko at inabot ko na yung Chocomilk sa kanya, gusto ko din nun eh.

"Chocomilk Monster! Akin nalang yung straw!" Sabi ni Liana habang kumakain ng cupcake.

"Ayoko nga! In your face! Nauna kaya ako! Blehhhh!" Humarap si Quen kay Liana at nag belat sa kanya. Ang isip bata talaga nila promise!

"Hay nako guys! Tigil na! Bendable straw lang yan!" Awat ni Jane.

"HINDI LANG 'LANG' ANG BENDABLE STRAW!" Sabi nilang dalawa in Chorus. Napapafacepalm nalang si Dyegs na katabi ni Jane.

"Ah basta, Juls akin yung Chocomilk mo bukas ah" Sabi sakin ni Liana

"Yes ma'am! No problem!" Sumaludo ako kay Liana at tumawa silang lahat.

Kumain kami at tumawa, Maingay ang Cafeteria,  pero biglang tumahimik ang mga estudyante, alam namin kung bakit, Nandito na sila.

"Just In Time." Sabi ko with a low tone. Automatic shift ang mood ko, maski din ang mga kaibigan ko. Naka Insurgency mode kami.

Nandito na ang SUPREME na feeling high at mga royalty, Nasa unahan si Ford kasama ang girlfriend niya, si Bernardo habang nasa likod niya ang Scorpions, Mas gusto ko silang tawaging Alimango.

Nang nakaupo na ang SUPREME bumalik na ulit ang ingay ng cafeteria. Tinignan lang namin ang table nila at tumuloy na ulit kami sa pag uusap namin.

"Juls, kung ano man yang iniisip mo wag muna, first day of classes ngayon. Kalma Juls." Babala sakin ni Dyegs

"Okay Dyegs, kalma ako. Kalma. Uhhhh" 

Tinuloy namin ang pagkain at pagkwekwentuhan, Kinalimutan muna namin ang mga tao at parang kami lang ang tao sa cafeteria.

Maayos na sana ang lahat ng  may tumamang Tinapay kay Quen. 

"WHAT THE-" Kinuha ni Quen yung tinapay at lumingon sa table nila Ford. Nakita naming tumatawa si Giri at Gothico. 

"IT'S ON!" Sabi Quen at nakita ko yung glint ng mga mata niya. Mukhang mapapasubo kami ngayon ah.

"LUNCH WAAAAR!" Sigaw ni Jane at nagsimula na ang batuhan ng pagkain. 

Unang bumato si Jane, Signal yun na nagsimula na talaga ang giyera. Binomba ni Dyegs ang mga alimango ng mga pasas syempre di din nakaiwas ang girlfriend ni Ford. Natamaan din siya, Tinamaan siya ni Liana. 

"NICE ONE LIANA!" Sigaw ni Jane, Parehas silang galit kay Bernardo since nung 2nd year.

Nakisali na din ang ibang estudyante, hati ang student population, may kampi samin may kampi sa kanila. May kanya kanya kaming cheerer at mga kampon. Madaming tamang natanggap ang mga alimango, maski din yung girlfriend ni Ford. Pero ang may pinakamaraming tama ay si Ford.

Wala namang kaming masaydong tamang natanggap dahil alam ng mga kampon namin kunga anong gagawin pag nagkalunch war. Ininform sila nila Dyegs at Jane, Mga boyscout ata tong kampon namin. Palaging handa.

Tuloy lang kami sa batuhan ng bigla naming narinig ang boses ng principal, Katabi ang girlfriend ni Ford with a smirk, Pano siya nakapagsumbong! Kanina lang katabi siya ni Ford.

"Ms. Manchester! Mr. Parkinson! In my Office! NOW!" Sigaw ng Principal.

Mukang aattend ako ng misa ngayon ah. 

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon