Chapter Three - Classmates

465 36 8
                                    

*Maine's POV

Tapos nang magpakilala ang mga classmates ko ng dumating ako sa classroom namin.

" Ms. Mendoza, bakit ngayon ka lang?"  tanong ni Mrs. Suetos, ang adviser namin. Kilala nya na ako dahil naging teacher na sya ng mga ate at kuya ko dati.

" Ma'am sorry po, may tinulungan po kasi ako kanina. May estudyanteng nadapa kaya sinamahan ko po sa clinic."

" Nagsasabi ka ba ng totoo?"

" Opo Ma'am."

"Sige na, maupo ka na at magle- lecture na ako."

Agad na akong umupo sa designated seat ko.

" Anong nangyari sayo Meng?"  bulong ni Yanyan na nakaupo sa likuran ng upuan ko.

" May pinagtripan na naman ang grupo ng mga ipis kanina, tinulungan ko lang."  pabulong ko ring sagot.

" Wow ! Lumabas na naman si Super Meng!"

" Sira, nakakaawa kasi."

" Okay class, let's continue our lesson."

Tumahimik na ang buong klase at nakinig sa lecture ni Mrs. Suetos.

Nasa kalagitnaan na sya ng pagtuturo nang may kumatok sa classroom.

" E-excuse me po Ma'am, dito po ba ang IV- Prosperity?"  napatingin ang buong klase sa pinanggalingan ng boses.

" Yung tisoy na tinulungan ko kanina, pero bakit nandito sya?"  tanong ko sa sarili.

" Yes, Mister. Who are you?"  tanong ni Ma'am.

" I'm R-Richard  Faulkerson Jr. Ma'am. At IV - Prosperity po ang section ko."  nauutal na naman sya habang nagsasalita.

Sandaling tinignan ni Mrs. Suetos ang master list nya bago muling nagsalita sa bagong dating na estudyante.

" Come here. Bakit  ka na late Mr. Faulkerson?"

" P-pasensya na po Ma'am , ano po kasi may unexpected na nangyari sa akin kanina, kaya po nalate ako." 

" And what it is?"  tanong ni Ma'am.

" N-nadapa po ako kanina, Ma'am."  napayuko sya habang nagtatawanan ang mga classmates ko.

" Shhh, quite class. Walang nakakatawa sa nangyari."  nagsi tahimik naman ang buong klase. "Pareho kayo ng dahilan ni Ms. Mendoza, ikaw ba ang tinulungan nya?"

"Ms. Mendoza po?"  muling umangat ang paningin nito para tignan si Mrs. Suetos.

" Her .."  turo ni Ma'am sa direksyon ko.

Agad syang tumingin sa akin. His face glow when he looked at me. For the first time simula ng makita ko sya kanina, he smiled.

" O-opo Ma'am, sya po ang tumulong sa akin. Sinamahan pa po nya ako sa clinic."

" Okay, tutal first day of school pa lang naman, you're excused. Anyway magpakilala ka muna sa mga classmates mo."

"O-opo Ma'am. Ahhh g-guys I'm Richard Faulkerson Jr. I'm sixteen years old. Galing ako sa St. Benedict College but for some reasons my parents decided to transfer me here. So guys, sana maging kaibigan ko kayo. Thank you."  he showcased a genuine smile.

"Okay Mr. Faulkerson, welcome sa St. Peter College. Pwede ka nang maupo sa bakanteng upuan."

" Thank you po, Ma'am."

Iginala muna nito ang paningin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan. At para namang nanadya ang pagkakataon dahil tanging ang nasa tabi ko na lang ang bakante. Nakayuko syang lumapit sa direksyon ko pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang palihim nyang ngiti.

" Is t-this occupied?"

" Nope, upo ka na dyan."  sagot ko.

Umupo na sya sa tabi ko.

" N-nice to see you again. Pero hindi ata tayo nagkakilala ng maayos, I'm R-richard."  he offered his hand.

" Nicomaine . Pero Maine or Meng na lang. Huwag mo akong tawagin sa totoo kong name, mag- aaway tayo."  biro ko sa kanya.

"M-meng it is. Pwede mo rin akong tawaging RJ or Tisoy."  hindi na naalis ang ngiti sa labi ni Tisoy.

" You should smile more often, bagay sayo. Gumagwapo ka."  sabi ko sa sarili.

"Ha?"  tanong nito.

" Ha?"  tanong ko rin.

" Sabi mo I should smile more often? Kasi gumagwa- "

  "Ha? Did I said that?"  putol ko sa sinasabi nya. Napalakas pala ang pagkakasabi ko. Tsk, tsk Meng! Umayos ka!

" Yeah."  again he smiled, flashing his bedimpled cheek. May dimple pala sya.

" No, ahhh nagkamali ka lang ng dinig. Tama mali ka ng dinig Tisoy. Makinig na tayo kay Ma'am, nagle lecture na sya."

" O-okay."  napakamot pa sya sa batok bago tumingin sa teacher namin.

-Yiiiiiieeeeee mag classmates sila!! Hihihi pabebe muna ang kilig natin ha dahil mga menor de edad pa sila dito at hindi pa uso ang harot. Pero kung kukulitin nyo ako, hahaha baka naman ....

- Unlike po sa real life na mas matanda si Richard kay Maine dito po ay magkaedad sila. At pinilit ko po yun para maging magkaklase sila, hahaha.

- tweet me up @iamlhudy87.

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon