Chapter Seven - New classmate

353 27 11
                                    


*Maine's POV

"Thank's Kuya Nico. Ingat ka ha."  bumaba na ako sa motor ni Kuya Nico. Tuwing umaga bago pumasok si Kuya Nico sa work nya, hinahatid nya ako sa school.

" Welcome, Meng. Ihahatid ka ba ni Richard mamaya pag uwi?"  tanong ni Kuya.

" Oo, kuya." 

" Good, may lakad kasi ako mamaya eh. Teka Meng, magtapat ka nga, boyfriend mo na ba si Tisoy?"

" Kuya! Magkaibigan lang kami ni Tisoy. Bestfriend ko sya."  gulat kong sagot sa kanya.

" Weh? Iba kasi yung mata nya kapag nakatingin sayo eh. Sige na sabihin mo na kasi, promise hindi ko sasabihin kay Mama at Papa."  pangungulit pa nito.

" Kuya Nico kahit sabihin mo pa sa kanila, hindi talaga."  tumingin ako sa wristwatch ko bago muling nagsalita. " Kuya, male late na ako."

" Palusot, sige na pumasok ka na."  natatawang pinaandar ni Kuya Nico ang motor nya.

" Bye Kuya! Ingat!"  nang makaalis na si Kuya tumakbo na ako sa gate ng school namin. Nagulat pa ako nang mabungaran si Tisoy sa nasa gilid ng gate at nakaupo sa bench. Tumayo sya nang makita ako at agad kinuha ang bag ko.

" Morning, Meng."  nakangiting bati nito.

" Morning, Tisoy. Teka bakit nandito ka?  Bakit hindi ka na lang sa room natin maghintay?" 

" Wala lang, gusto lang kitang sabayan."

Tumingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Parang may nag-iba sa kanya, oo tama meron nga. Wala na syang salamin, hindi na nakatumpok sa gitna ang buhok nya in short hindi na sya mukhang nerd. Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ko sya sa magkabilang braso at iniharap sa akin.

" Sino ka? Ilabas mo ang bestfriend ko."  biro ko sa kanya.

Natatawang sumagot si Richard.

" Ano ka ba Meng, ako 'to. Tinanggal ko lang ang salamin ko at binago ko lang ang ayos ng buhok ko."

" Oo nga, anong nakain mo?"

"Wala lang. Mas okay pala pag wala akong salamin. Sinabi ko kay Mommy nung nakaraang araw na ayaw ko na magsalamin kaya sinamahan nya ako para bumili ng contact lense, para malinaw pa rin akong makakapagbasa. Bagay ba?"

"Oo! Pomogi ka Tisoy! Kahit mukha kang kawayan. Hahaha."

" Ouucchh."

" Ang arte mo, atleast pogi ka. Saka ang bango mo."  inamoy ko ang balikat nya. " Teka, may secret ka ba sa akin?"  nakapamewang kong tanong sa kanya.

" A-anong secret naman Meng?"

"May pinopormahan ka na ba o kaya may nililigawan ka na dito sa school kaya ka nagpapa pogi?"

" H-ha? Wala ah.Tayo nga ang palaging magkasama Meng kaya impossibleng hindi mo malaman kung meron." 

" Are you sure? Naku Tisoy ha ayoko sa lahat yung may secret ang friend ko sa akin ha."

" Wala nga Meng. Saka bestfriend tayo diba? Syempre sasabihin ko sayo lahat ng secrets ko."  inakbayan nya ako. Hindi na ako naiilang sa kanya pag ganito sya ka clingy, nasanay na ako dahil sa araw-araw naming pagkakasama." Lika na nga, male late na tayo."

Naglakad na kami papunta sa classroom namin.

--------------

Nasa loob na kami ng room at hinintay na ang teacher namin. Five minutes before 8:00 am, pumasok na si Mrs. Suetos.

"Good morning, class."

" Good morning, Mrs.Suetos."

" Okay, bago tayo magsimula, magpapakilala muna ang bago ninyong classmate. Ms. Cruz, magpakilala ka sa kanila."  tawag ni Mrs. Suetos sa bago naming classmate. Hindi namin napansin kanina ni Tisoy ang babae dahil nagkukwentuhan kami. Tumayo ang babae  sa harap ng klase.

" Good morning guys. I'm Xandra Cruz, 16 years old. Transferee ako from St. John College. I'm hoping na mag enjoy ako sa stay ko dito sa bago kong school kasama kayo guys." 

"Okay, thank you Ms. Cruz. Pwede ka ng maupo ulit."

" Thank you, Ma'am."  naglakad na si Xandra pabalik sa upuan nya. Tinignan ko sya habang naglalakad. Maganda sya, maputi,siguro mga kasing tangkad ko lang din sya. Mukha rin syang mabait kasi palangiti. Halos lahat ng mga kaklase kong lalaki nakatingin din sa kanya. Hanggang sa makarating sya sa upuan nya. Ngayon ko lang din napansin na katabi pala sya ni Tisoy. Bale ako, si Tisoy at si Xandra. Ngumiti sya sa amin bago umupo.

" Tisoy, ang ganda ng bago nating classmate no?"  bulong ko sa kay Tisoy.

"H-ha? Ahh oo."  gulat na sagot ni Tisoy.

"Tapos katabi mo pa. Crush mo ba? Gusto mo ilakad kita?"

" Ha? Hindi ah. Wag ka nang maingay Meng, nagtuturo na si Ma'am."  saway ni Tisoy sa akin. Tumahimik na rin ako at nakinig sa teacher namin.

-----------------

Recess na at nandito kami ngayon sa school canteen. Nasa kabilang table sina Yanyan at dahil puno na sila, bumukod na kami ni Tisoy ng table. Magka harap kami habang kumakain.

" So tuloy ba tayo sa library mamaya, Meng?"

" Oo. Kailangan kong mag review Tisoy, baka mangamote na naman ako sa Math sa exam natin. Pero okay lang kung hindi mo ako masasamahan, baka kasi may lakad ka."

" Hindi ah, sasamahan kita at tuturuan kita Meng. That's what friends are for."

" Naks, kanta yun Tisoy ah." 

" Hahaha, kumain na nga tayo Meng."

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng may lumapit sa table namin.

" Ahh guys, excuse me. Pwede bang maki share sa table nyo? Wala na kasing available na table eh. If you don't mind."  si Xandra.

" Okay lang Xandra. Upo ka dyan sa tabi ni Tisoy."  turo ko sa katabing upuan ni Tisoy.

" Thanks."  sabi ni Xandra at naupo na sa bakanteng upuan. "By the way guys, pwede ko bang malaman ang name nyo?"

" I' m Nicomaine pero Meng na lang. And he's my bestfriend Richard or Tisoy."  inabot ko ang kamay ko kay Xandra. Si Tisoy halatang nahihiya pero nakipag shake hands na rin sya.

" Nice meeting you guys, sana maging friends ko kayo."  sabi ni Xandra habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Tisoy. Napansin ko rin na nakatitig sya kay Tisoy habang si Tisoy naman ay nakatingin sa akin na parang nagpapasaklolo. Hindi ko sya pinansin, kunyari abala ako sa pagkain ko.

"E- excuse me, Xandra yung kamay ko." 

"Yes, sorry for that. Ang cute mo kasi eh."  prangkang sagot ni Xandra.

" T-thanks, let's eat."   naiilang na sagot ni Tisoy.

Hindi ko pinansin ang awkwardness sa paligid namin at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Habang kumakain, pasimple kong tinitignan si Xandra na noon ay pasimple ring tumitingin kay Tisoy. Si Tisoy naman ay tahimik nang ipinagpatuloy ang pagkain.

Parang may something sa mga tingin ni Xandra kay Tisoy. Pero bakit mabigat sa loob ko na tanggapin kung ano ang something na yun?

- Love triangol ba itey? Abangan kung ano ang magiging papel ni Xandra sa kwento nina Tisoy at Meng. Makaka apekto ba sya sa pagkakaibigan ng dalawa?

- Itutuloy ko pa ba ang fanfic ko mga bes? Parang naboboring na kayo kaso matagal pa ang itatakbo ng kwento nila eh. Please iencourage nyo ako hahaha minsan lang ako maglambing sa inyo mga bes. Pleaseeeee *puppy eyes. I love to read your comments guys, malaking bagay yun promise. Anyways, thank you and mahal ko kayo. Happy #ALDUB71stWeeksary Neyshen!

- tweet me up @iamlhudy87.

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon