*Maine's POV
Nanatili kaming tahimik habang magkatabing nakaupo. I'm staring at the quadrangle while he was staring on his hands above his lap. Hindi na rin nito naubos ang sandwich na kinakain nito kanina, nahiya na siguro.
Pinakiramdaman ko sya, mukhang wala talaga syang balak magsalita muli. Tinignan ko sya, he was tensed. Hindi mapakali ang mga daliri nito sa kamay habang hindi pa rin nag- aangat ng paningin. Hindi na ako nakatiis, I gently poked his shoulder.
" Pssst, Tisoy bakit?"
" Ha?" gulat na tanong nya.
" I mean bakit ka pumapayag na inaapi? Matangkad ka, kung tutuusin kaya mong labanan ang mga kumag na iyon. Pero bakit ka pumapayag na kawawain?"
Hindi sya sumagot. Hindi ko na sya kinulit, baka ayaw nya magkwento. Kaya tumahimik na lang ako at muling ibinalik sa quadrangle ang mga mata ko. Ilang sandali pa ang lumipas, nagpakawala si Tisoy ng isang buntong hininga bago nagsalita.
" I can't M-meng." nakayuko pa rin sya habang nagsasalita. " Eversince I was a child, hindi ako nasanay na ipagtanggol ang sarili ko. I'm so sheltered while growing up kaya hindi ako namulat sa real world. Sa totoong mundo kung saan may mga taong tulad nila. Hindi ko kaya Meng." lalo pa atang bumaba ang ulo nya sa pagkakayuko.
Bumuntong- hininga ako bago nagsalita.
" So habang buhay ka na lang papayag na kawawain?"
Muling natahimik si Tisoy.
" Siguro kaya ka na-transfer dito kasi binu bully ka rin sa school na pinanggalingan mo?"
For the first time simula ng mag-usap kami kanina, tumingin sya sa akin.
" Yes Meng. K-kaya kahit 4th year na ako, my parents decided to transfer me."
Ako naman ang natahimik sa narinig. Parang may dumagan sa puso ko while looking at him. Naawa ako sa kanya at the same time naiinis ako.
" Sinubukan kong wag sabihin sa mga parents ko ang nangyayari sa akin sa school, pero naging frequent at grabe na kasi ang pambubully nila sa akin. When our school find it out, ipinarating nila sa mga parents ko."
" Hindi ba gumawa ng disciplinary actions ang school mo dati about sa kanila?"
" G-gumagawa, but still my parents decided to transfer me to prevent further more damage."
Napailing na lang ako sa sinabi nya.
"Don't worry Tisoy, simula ngayon hindi ka na mabubully. Nandito ako, okay?" I assured him. Ewan ko ba, parang feeling ko responsibilidad ko sya.
He was speechless for a while, ina absorb nya pa siguro ang mga sinabi ko. Ilang sandali ang lumipas, I saw his genuine smile again. At hindi ko na rin mapigilang mahawa sa mga ngiti nya.
Maya-maya pa, dumating na sina Yanyan at sabay-sabay na kaming bumalik sa classroom.
- Sabaw ba mga bes? Sorry ha bawi ako bukas... Don't worry first day of school pa lang naman nila, mahaba pa ang school year. 😃
- Sana hindi kayo naboboring sa story ko dahil walang spg... Teenager pa kasi sila mga bessy, pero dadating tayo dun ha... Kapit lang.
- tweet me up @iamlhudy87.Thanks!
BINABASA MO ANG
Unsaid (On Hold)
FanfictionBestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lungkot at saya, maasahan sa lahat ng oras at nakakaalam ng sikreto ng bawat isa. Ganyan ang samahan nina Richard at Nicomaine. Ngunit may mga pangyayari na makakapagpabago ng pagtingin nila sa isa't- isa at sus...