Recap

270 16 2
                                    

Aaaaaannnnnddd I'm back!!! Sobrang namiss ko kayo mga betty at namiss ko rin ang pagsusulat. Sorry kung npatagal ang hiatus ko ha...babawi ako. Eniwey recap tayo sa mga pangyayari sa mga previous chapter mga betty I'm sure nalimutan nyo na yun sa tagal. Ako din eh 😂😂😂. Pero kung gusto nyo pa rin basahin ang mga dating chapters its up to you guys. Oo ito na nga dami ko pang daldal. 🙊🙊

Nagkakakilala sina Meng at Tisoy noong highschool. Pinagtanggol ni Meng si Tisoy sa mga ka schoolmate nila na nambubully sa kanya at simula noon naging matalik na silang magkaibigan. Sa pagdaan ng mga araw lalo silang naging close sa isa't isa at hindi na namalayan ni Tisoy na nahuhulog na sya kay Meng. Minsan inopen ni Tisoy kay Meng kung sakali anong gagawin nya kung may isang kaibigan na magtapat sa kanya ng nararamdaman, ang sabi ni Meng ayaw nya daw ng ganun dahil baka madistract sya sa pag aaral. Sinabi nya pa na mas gugustuhin nya pa ang kaibigan na lang kasi sa pagkakaibigan walang heartache. Sa narinig, nawalan ng lakas ng loob si Tisoy na umamin kay Meng dahil sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Hanggang sa pumasok sa eksena si Xandra, bagong transfer sa school nila at agad na nagpakita ng interes kay Tisoy. Noong malaman ni Xandra na matalik na magkaibigan si Tisoy at Meng nanghingi sya ng pabor kay Meng na kung pwede sya ibuild up kay Tisoy. Nag aalinlangan man, pumayag si Meng sa hinihinging pabor ni Xandra. Simula noon, inilayo na ni Meng ang sarili nya kay Tisoy para mapag bigyan si Xandra at para na rin ikaila sa lahat ang nararamdaman nya para sa kaibigan. Sa kabilang banda, si Tisoy naman ay nagtataka sa pagtataboy ni Meng sa kanya at pagtutulak para mapalapit sya kay Xandra. Nasasaktan sya sa tuwing iniiwasan sya ni Meng, ngunit wala syang magawang hakbang para maibalik ang pagkakaibigan nila. Hanggang isang araw, isinugod sa ospital si Tisoy dahil sa kanyang sakit. May congenital heart disease pala ang binata at kailangan na ng transplant na gagawin sa Amerika. Ngunit wala pa silang mahanap na donor kaya hindi pa sila makapunta sa ibang bansa. Naisipan ng mga magulang ni Tisoy na pahintuin muna sya sa pag aaral para masubaybayan sya at para maiwasan ang anumang bagay na magko cause ng atake sa puso nya. Ngunit nakiusap si Tisoy na tatapusin na lang nya ang 4th year highschool nya na ilang buwan na lang naman. Sa isip nya kahit hindi na sila nagpapansinan ni Meng makita nya lang ang dalaga araw araw, masaya na sya. Mamahalin nya na lang ang kaibigan kahit sa malayo.

Hanggang sa dumating ang gabi ng J.S prom nila. Pareho silang nasa tagong bahagi ng school quadrangle at nagpapahinga dahil napagod sila sa pagsasayaw. Hindi nila napansin ang isa't isa dahil na rin sa medyo madilim ang parte na iyon ng school. Nagulat na lang sila nang makita ang isa't isa. Waring may nagtulak kay Tisoy na kausapin si Meng. Nagkalakas loob syang aminin ang nararamdaman sa dalaga bago man lang sila umalis patungo sa ibang bansa. Ngunit bago pa man nya masabi sa dalaga ang nasa puso nya, tumakbo palayo na naman si Meng sa pangalawang pagkakataon.

Wala nang mas masakit pa sa mga pangyayari iyon sa murang isipan at puso nina Tisoy at Meng.

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon