Chapter One - To the rescue

830 43 10
                                    

June 2009

*Maine's POV

Bagong school year, bagong mga classmates at teachers, at bagong adventure na naman ang inaasahan ko ngayong taon. Actually, hindi na pala bagong classmates kasi almost the same last year ang mga classmates ko ngayon. At halos karamihan sa mga iyon ay barkada ko, Ms. Congeniality that's me.

Nag text na sa akin si YanYan, one of my besties. Tinatanong nya kung nasaan na daw ako dahil fifteen minutes na lang at mag uumpisa na ang klase namin. Huminto muna ako sa paglalakad para replayan sya.

"Otw na ako Yan 😊." message sent.

Paakyat na ako sa hagdan nang may marinig akong sigaw sa dulong bahagi ng hallway.

"Urggghhh! Tama na please!" sigaw ng boses lalaki. Agad akong tumakbo sa pinanggagalingan ng komosyon. Nang makarating, isang lalaking nakayukyok sa semento ang napapalibutan ng limang estudyanteng lalaki. Aamba pa sanang sisipain ng isang lalaki ang lalaki sa semento nang kalabitin ko ito.

" Hoy, tukmol."

Gulat na napatingin sa akin ang limang lalaki.

" Meng..." gulat na sabi ng isa sa mga lalaki bago napaatras.

" Kayo na namang lima? Diba last year may warning na kayo? Hindi ba kayo titigil sa pambu bully nyo?" sabi ko sa mga ito at isa isa ko silang nilapitan para kutusan. Kahit na mas matatangkad sa akin ang limang lalaki, hindi sila pumalag. Takot lang nila.

" Eh M-meng, ito kasing si Putla ayaw ibigay sa amin ang pera nya. Ayan tuloy nasaktan pa sya."

" Ay gago ka talaga no? So kasalanan pa nito?" turo ko sa lalaking nasa semento.

" Oo Meng, matigas kasi ang ulo." sagot naman ng isa. Last year ko pa sila kilala. Same year kami pero magkaiba ng section. Pero hindi ko alam ang pangalan ng mga mukhang ipis na mga lalaking ito, sayang lang sa oras.

" Sasagot ka pa?" isa isa ko silang pinag papalo ng libro sa dibdib. " Alis! Magsi alis kayo mga ipis! " agad namang tumakbo palayo ang limang lalaki.

Agad kong nilapitan ang lalaki sa semento na noon ay nanginginig pa rin.

" Pssst kuya, kaya mo bang tumayo? Wala na ang mga ipis." hindi sya kumibo kaya nilapitan ko na at hinawakan sa magkabilang braso para alalayang tumayo. Marahan nitong itinaas ang mukha nito at tumingin sa akin. Basag ang eyeglass nito, putok ang labi at lalo pang pumutla ang dati na atang maputlang balat nito. Ngayon ko lang sya nakita sa school namin, transferee siguro.

" Okay ka lang ba? Bukod sa labi mo may masakit pa ba sa iyo?"

"Y- yung tyan ko, masakit. Sinikmuraan din kasi nila a-ako."

" Halika, samahan na kita sa clinic." muli ay inalalayan ko sya sa pagtayo. Dahan-dahan itong tumayo at isa-isang pinulot ang mga notebook na nagkalat sa sahig.

"S-salamat." bulong nito ng makatayo. Mataman ko syang pinagmasdan. Matangkad ang lalaki, mga nasa 5'8 ang height nya, mapayat. Actually hindi sya maputla, mestiso sya.

" Ang tangkad mo tapos pumayag kang bugbugin ng mga ipis na yun? Tsk ang lampa mo."

Hindi sumagot ang lalaki sa halip ay napayuko na lang. Napansin kong namula ang tenga nya, napahiya ata sa sinabi ko.

" Halika na nga sa clinic para magamot na yang mga sugat mo." inalalayan ko na sya sa pag lalakad.

- First chapter mga bes! Introduction muna tayo ha.

- Tweet me up @iamlhudy87...thanks!

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon