Chapter Six - Bestfriends

432 27 2
                                    


Paki play po yung video para masaya.😃 ctto po

*Richard's POV

Lumipas ang mga araw at buwan. Hindi ko namamalayan na almost two months na ako sa bago kong school. Ganun siguro talaga kapag nag eenjoy ka, mabilis lumipas ang mga araw. Sobra kasi akong nag eenjoy sa school dahil wala nang nambubully sa akin. Samantalang dati sa school ko before, umabot pa sa point na halos ayaw ko nang pumasok dahil sa mga bullies.

Nag-eenjoy din ako sa company ng mga kaibigan ni Meng. Actually mga kaibigan ko na rin sila, sila kasi mga naging tagapagtanggol ko. And as for Maine, mas lalo kaming napalapit sa isa't- isa. Whenever hindi nya magets ang mga lectures ng teacher namin sa Math, matyaga ko syang tinuturuan. Aminado kasi syang mahina sa Math.

Tulad ngayong araw, imbes na umuwi o sumama sa lakad nina Yanyan sa mall, nandito kami sa library at nag aaral. Malapit na kasi ang exam kaya nag aya dito si Meng.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag eexplain ng isang Math equation ng mapansin kong tahimik sya. Tinignan ko sya at napailing ako sa nakita. Nakatulog na pala sya. Ginawa nyang unan ang mga braso nya habang nakapatong sa table. Magkatabi kami at nakaharap ang mukha nya sa akin kaya malaya ko syang napagmasdan. Imbes na mainis dahil tinulugan nya ako, hindi ko napigilang mapangiti. Parang nag sirko nang ilang ulit ang puso ko habang nakatitig sa maamo nyang mukha.

" Meng, ano ba itong nararamdaman ko sayo? Bakit sa tuwing nakikita o nakakasama kita tulad ngayon tumatalon ang puso ko?  A-anong ginawa mo sa akin?"  marahan kong itinaas ang kamay ko para hawiin ang mga hibla ng buhok na nasa mukha nya. Marahan ko ring hinimas ang pisngi nya na parang kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha nya.

" Meng, salamat ha. Hindi ko man masabi sayo, pero sobra akong nagpapasalamat at dumating ka sa buhay ko. Simula ngayon hindi mo na ako makikitang mahina, lalaban na ako dahil sayo, Nicomaine."  bulong ko habang hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kanyang mukha.

Hindi ko sya ginising, tinitigan ko lang sya. Maya-maya pa, napansin kong gumagalaw ang talukap ng mga mata nya. Natatarantang binawi ko ang paningin ko sa kanya at kunyari ay abala sa libro na nasa harapan ko.

"Hala Tisoy, bakit hindi mo ako ginising?"  nag-inat sya ng kamay.

"Eh ang sarap kasi ng tulog mo M-meng kaya hindi na kita ginising."

" Kaasar ka. Nakakahiya tuloy sayo, nagpaturo ako tapos tutulugan lang kita."

" Okay lang Meng, para kasing antok na antok ka."  muli akong napangiti habang nakatingin sa kanya.

" Oo nga eh, hindi ako masyadong nakatulog kagabi may nag-iisip ata sa akin."  natatawang biro nya. "Totoo ba yun Tisoy?"

"H-ha? Ang ano?"

"Yung pag hindi ka makatulog sa gabi  may nag iisip sayo, totoo ba yun?"

"H-ha? Ewan ko. Hindi naman kita iniisip eh." 

" Loko! Hindi ko naman sinabing ikaw ang nag iisip sa akin,Tisoy."  natatawang hinampas nya ako sa braso. "Ang tanong ko kung totoo ba yun?"

Namula ata ako sa sinabi nya. Bakit naman kasi sya nagtatanong ng ganun? Nabigla tuloy ako sa sagot ko. "Relax, Tisoy kaya mo yan. Inhale, exhale."  sabi ko sa sarili.

"Ahhhh h-hindi siguro totoo Meng. Oo hindi totoo yun, kasabihan lang naman ng matatanda yun."

" Siguro nga Tisoy, uwi na tayo? Bukas na lang ulit, promise hindi na kita tutulugan." 

" Tara na."  tumayo na ako at isa isang kinuha ang mga gamit namin sa ibabaw ng mesa.

" Ihahatid mo ako Tisoy?"  tanong nya ng makalabas na kami ng library.

" Oo naman, Meng. Palagi naman diba? "  simula nang maging close kami ni Meng, palagi na kaming sabay umuwi. Dati kasi palagi syang sinusundo ng Kuya Nico nya ng motor pero ngayon hindi na kasi nga hinahatid ko na sya. Nilalakad na lang namin pauwi tutal malapit lang naman ang mga bahay namin sa school. Mas pabor pa sa akin na naglalakad kami pauwi, para mas matagal ko syang makasama.

"Yehey! Love talaga ako ng bestfriend ko!"  napatalon sya sa tuwa bago yumakap sa leeg ko.

Nagulat ako sa ginawa nya. Parang sandaling tumigil ang buong paligid habang yakap nya ako. Nanlamig at nanigas ang buo kong katawan.(A/N katawan ang nanigas mga bes, wag kayong mga ano dyan. Hahahaha) Alam ko walang malisya ang yakap nya pero bakit ganito ang epekto ni Meng sa akin?

Naramdaman ata ni Meng na nanlalamig ako kaya bigla syang bumitaw.

"S-sorry Tisoy, natutuwa lang kasi ako. Lika na nga, uwi na tayo."  muli nyang ipinagpatuloy ang paglalakad. Wala sa sariling napasunod ako sa kanya.

" M-meng, akin na yang bag mo, ako na magdadala."

"Ha? Wag na mabigat 'to."

"Kaya nga ako na ang magbibitbit, para hindi ka mabigatan."  nakabawi na ako sa pagkabigla kaya nakasabay na ako sa paglalakad nya.

" Sige, ingatan mo yung mga joints mo baka ma dislocate."  natatawang biro ni Meng. " Hahahaha biro lang Tisoy."

Natawa na rin ako. " Wag kang mag alala Meng, may dala akong rugby para idikit ang mga buto ko."  sakay ko sa biro nya habang kinukuha ang bag nya.

" Hahahaha, loko."

" Meng kain muna tayo, bigla akong nagutom. Treat kita."  sabi ko sa kanya ng mapadaan kami sa harap ng Mcdo.

" Weh? Si Tisoy na sobrang kuripot, ililibre ako?"

" Oo nga, lika na."  hinawakan ko sya sa braso at hinila papasok ng Mcdo.

--------------

Nang maka order agad na kaming kumain. Hindi matapos tapos ang kwentuhan namin habang kumakain. Maloko si Meng, makulit at palabiro kaya unti-unti akong nahawa sa personality nya. Ngayon ko lang natuklasan na may itinatago pala akong kakulitan sa katawan.

Saglit kaming tumambay sa Mcdo bago nag decide na umuwi. Naglalakad na ulit kami ng muli akong nagsalita.

" Meng?"

"Hmmm?"

" Nagka boyfriend ka na ba?"  kahit close na kami ngayon lang ako nagka lakas loob na tanungin sya ng ganun.

Umiling sya. " Nope, Tisoy. Ayaw ko muna, nakaka distract sa pag-aaral yun. Focus muna ako sa studies ko. Gusto ko kasing maging proud sina Mama at Papa sa akin. Love can wait."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya habang naglalakad.

" W-what if may isa sa mga kaibigan natin ang magtapat ng feelings nya sayo?"

Napahinto sya sa paglalakad at tumingin sa akin.

" Sino naman yun Tisoy?"

" Ha? H- hypothetical question yun Meng. W-what if nga eh."  napahinto na rin ako sa paglalakad pero hindi ko sya tinitignan.

Nagkibit balikat sya bago ipinagpatuloy sa paglalakad.

"Ayoko siguro, Tisoy. Baka masira ang friendship namin. Between boyfriend and friendship, I still choose the latter. Sa friendship walang heartbreak. Lika na Tisoy, late na masyado." 

Napatango ako, bago malungkot na sumunod sa kanya.

- Eeeeeekkkkkkk may nahuhulog na ata mga bes! ' I think I'm fallin, falling in love with you. And I don't, I don't know what to do...' ( kumanta ka, aminin mo hihihi) Hayyyy buhay highschool hahaha nakaka miss!
Dito po nag umpisa ang alamat ni Boy Dulas hahahaha. Ano kaya ang nararamdaman ni Tisoy para kay Meng? Magkalakas loob pa kaya syang sabihin ito? Abangan!

- Sorry mga bes wala akong update kahapon ah, nakigapang kasi ako para sa 1M natin para sa ekonomiya. Sana nakabawi ako sa inyo sa update ko ngayon. Salamat at mahal ko kayo!

- tweet me up mga bes @iamlhudy87. Pati ang @AlDubPoems paki palo hihihi gv din ang mga post nun. Hi there Katrina! Hahahaha





Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon