Chapter Ten - Advice

322 22 3
                                    

*Richard's POV

" Dad?"  bungad ko kay Daddy na noon ay nasa garden namin at nagpapahangin. Kakatapos lang naming mag dinner.

" Yes, son?"

" Can I asked you something?"

" Oo naman, may problema ka? Maupo ka anak."  umusod sya ng kaunti para makaupo ako.

" Dad? Paano mo niligawan ni  Mommy?"

" Uii bago yan, inlove na ba ang anak
ko?"  nakangiting nyang tanong.

" Basta Dad, sagutin mo na lang."  pakiramdam ko namumula ang buo kong katawan dahil sa sobrang hiya.

" Maloko ako noon sa babae, Tisoy. Madalas sabay-sabay sila. Pero kinarma ako sa Mommy mo. Sobrang pinahirapan nya ako at limang beses na binasted. Pero sumuko din sya, kasi simula nang ligawan ko sya pinatunayan ko talaga na sya lang. Talagang napag bago nya ako. Naalala ko pa yung unang bulaklak na binigay ko sa kanya, pinitas ko lang sa kapitbahay namin. Pero alam ko naapreciate nya yun kasi halatang kinilig sya eh. Alam mo ang mga babae Tisoy hindi mahalaga sa kanila kung mahal ang regalo mo ang importante sa kanila ay effort. Saka gusto rin nila na sinu surprise sila. Teka sino ba ang magiging first girlfriend ng anak ko?"

" Wala Dad, naitanong ko lang po."

" Anak, Daddy mo ako, kilala kita. Si Meng ba? Inlove ka ba sa bestfriend mo?"

Mabilis akong napatingin sa kanya.

" Dad!"

" Anak, wag mo nang i deny. Iba ang kislap ng mga mata mo kapag kasama mo sya. Katulad na katulad ng mga kislap ng mata ko pag tinitignan ko ang Mommy mo."

" Obvious ba masyado Dad?"

" Sa akin na Daddy mo, obvious na obvious."

Bumuntong hininga ako bago muling nagsalita.

" Dad, kumplikado eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko sya, hindi pala mahal ko na sya. Minsan kasi tinanong ko sya what if isa sa mga kaibigan namin ang may gusto sa kanya, ayaw nya daw baka kasi masira daw ang friendship nila. Ayaw din daw nya ng heartbreak dahil makakasira lang daw yun ng focus nya sa pag aaral. Hindi pa nga ako nag uumpisang manligaw, basted na agad."

" Ang torpe mo anak. Bakit hindi mo subukan? Kesa naman habang buhay mong pagsisihan na hindi mo sinubukan. Makakaya mo bang makita sya na kasama ng iba?"

" Hindi po."

" Oh ano pang ginagawa mo dito? Tawagan mo na sya at magtapat ka na."

" Eh Dad, may problema pa po."

" Ano?"

" Nirereto nya po ako sa classmate namin na bagong transfer. Nagsabi daw po kasi sa kanya na magpapatulong daw yung babae na mapalapit sa akin at pumayag naman sya. Dad, ano pong gagawin ko? Si Meng ang gusto ko."

"  Mahirap nga yan, anak. Pero kung ako sayo lalakasan ko ang loob ko na magtapat kay Meng at magtapat sa classmate mo. Wala sa lahi natin ang torpe, anak."

" Pero Dad, paano po kung magalit sa akin si Meng? Parang hindi ko po kaya. Makakaya ko pang habang buhay n lang kaming magkaibigan kesa magalit sya sa akin."

" Gusto mo ako magsabi?"

" Dad, naman."

" Eh ang torpe mo. Nako kung hindi lang kita anak , baka kanina pa kita nasapak dyan. Sige na umakyat ka na sa kwarto mo at tawagan mo sya."  pagtataboy ni Daddy sa akin. " Dali na at mag momoment kami dito ng Mommy mo."

Natatawang napailing ako bago tumayo.

" Salamat, Dad."

Matapos mag paalam, umakyat na ko sa kwarto ko. Nakaka gaan pala sa loob na may napagsabihan ako ng nararamdaman ko kay Meng. Dati kasi simula ng marealize ko na mahal ko sya parang mabigat sa dibdib dahil hindi ko naman masabi.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at agad na tinawagan si Meng. Kahit na medyo nag tatampo ako sa kanya kanina, hindi ko pa rin kayang hindi kami nagpapansinan.

After ng ilang rings sinagot na rin ni Meng ang tawag ko.

" M-meng?" 

Silence. Naririnig ko ang pag hinga nya pero hindi sya nagsasalita. Napabuntong hininga ako bago muling nagsalita.

" Meng.. speak up please."

" Bakit ba, Tisoy?"

" Hindi ko pala kayang magtampo sayo ng matagal, kaya ito tinatawagan kita."

" Okay naman tayo diba? By the way kamusta kayo ni Xandra?"

" Walang kami Meng, alam mo yan. Bakit ba kasi pinipilit mo ako sa kanya?"  naba badtrip na naman ako.

" Tisoy uulitin ko na naman ba ang reason? Alam mo rin yan."

" Hindi nga sya ang gusto ko, Meng."  medyo napalakas ang boses ko.

" This is all nonsense, Tisoy. Kausapin mo ako pag nagets mo na ang pinopoint ko."  then she ended the call.

Inis na nahiga ako sa kama. At nag isip kung paano ko masasabi kay Meng na mahal ko sya.

- Hayyy mga babae talaga ang hirap basahin, ay babae pala ako hahahaha sorry mga bes! Meng ha nakakainis na ha. Sige pahirapan mo pa ang sarili mo at si Tisoy. Ikaw naman Tisoy, kelan ka aamin? Naku! Naku! Naku!

- Obviously medyo matamlay ang fanfic ko na ito dahil nga walang spg or hindi lang gusto ng iba ang story itself. Pero nag promise ako sa sarili ko na tatapusin ko talaga 'to kahit ano pang mangyari. Although hindi lang iisang beses na sumagi sa isip ko na ihinto na ito pero para sa sarili ko at para sa inyo na nagbabasa nito, hindi ko na lang papansinin ang negative thoughts na iyon. Promise! Salamat po sa inyo! Mahal ko kayo!

- tweet me up mga bes @iamlhudy87



Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon