Chapter Sixteen - Uncertainty

358 19 6
                                    

Maine's POV

Mabilis akong bumalik sa front door para salubungin si Jake.

" Jake. "

" Nagugutom ako, may pagkain ba?" tanong nito, bago dumiretso sa dining area.

" M- meron, sandali lang at iinitin ko." nagmamadali kong ininit ang mga pagkain sa lamesa. Nang matapos agad kong hinainan si Jake.

Habang kumakain si Jake, umupo ako sa tabi nya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

" Hindi ka umuwi kagabi Jake, kaya lumamig ang mga pagkain. Ngayon inumaga ka naman." mahinahon kong sabi sa kanya.

Napahinto sa pagsubo si Jake at marahas na inilapag ang kutsara sa gilid ng plato.

" Hindi mo ba ako papatapusin kumain bago sermunan Meng?" matalim nya akong tinignan.

" H-hindi naman sa sinesermunan kita Jake, gusto ko lang malaman kung saan ka galing." nangiginig ang boses ko habang nagsasalita.

" Damn! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na galing ako sa negosyo ko kaya nale late ako sa pag-uwi? Ilang beses Nicomaine?!" padabog na tumayo si Jake mula sa upuan. Halos pumutok ang mga litid ni Jake sa leeg dahil sa galit.

" O- okay Jake, calm down. Hindi na ako magtatanong, kumain ka na please. I'm sorry." marahan kong hinawakan ang braso nya.

" Ayoko na, nakakawalang gana ka!" marahas nyang inalis ang kamay ko sa braso nya at mabigat ang mga paa na umakyat sa kwarto naming mag asawa.

Tama, mag asawa.

Richard' s POV

Pagbaba pa lang ng eroplano, alam kong nasa Pilipinas na ako. Bumungad kasi sa akin ang mainit na klima ng bansa. Pero kahit na mainit, maingay, magulo, matraffic nakaka miss pa rin pala ang Pilipinas. Sabi nga nila 'there's no place like home'. Walong taon na din ang nakakaraan noong huli akong tumapak sa airport na ito. Parang kailan lang noong umalis kami ng pamilya ko papunta sa ibang bansa para sa transplant ko. Parang kailan lang, pero ang dami ng nagbago.

Nakangiti kong sinuyod ang kumpol ng mga tao sa waiting area. Lalong lumapad ang mga ngiti ko nang makita ko ang hinahanap ko na sasalubong sa akin. Nakita kong kumakaway sila kaya mabilis akong tumakbo para lumapit sa kanila.

" Mom! Dad!" isa isa ko silang niyakap.

" Tisoy kamusta ang flight?" tanong ni Mommy.

" Okay naman po, si Rizza wala?"

" Hindi na sumama ang kapatid mo anak at may importanteng meeting sya negosyo nya." sagot naman ni Daddy.

" Talaga yung kapatid ko, isa nang career woman. Baka malimutan na nun ang pag aasawa? " biro ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

" Naku, wag mong ipaparinig sa kapatid mo ang tanong na yan anak at baka hindi ka makasagot kapag ibinalik nya sayo ang tanong mo." natatawang sagot ni Daddy.

" Oo nga anak, kailan ba kami magkaka apo sayo? Eh wala ka ngang nakukuwentong girlfriend mo doon sa ibang bansa. Akala ko sa pag uwi mo, may kasama ka ng asawa." sabi naman ni Mommy.

Natahimik ako. Tama sila, sa loob ng walong taon sa U.S wala akong ipinakilalang girlfriend sa kanila. Hindi nila alam na isa lang ang babaeng nagmamay ari ng puso ko sa mga nagdaang taon. Ang akala kasi nila Mommy na puppy love lang ang nararamdaman ko sa bestfriend ko noong highschool, never na kasi akong nag open sa kanila. Mas gusto kong sarilinin na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo sa bestfriend ko noong highschool, si Meng. Ang first love ko at first heartache ko rin.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng muling mag salita si Daddy.

" Naisip ko nga minsan baka iba ang gusto mo anak, baka lalaki rin ang gusto mo." natatawang biro ni Daddy habang nagda drive.

" Daddy!"

" Biro lang anak, hindi ka na nasanay sa Tatay mo. Natahimik ka kasi kaya biniro kita." natatawa pa ring sagot ni Daddy.

" Ayyy nako, Ricardo wag mo ngang mabiro si Richard nang ganyan kita mo naman napaka gwapo ng panganay natin." sabi naman ni Mommy.

Napakamot ako sa ulo bago muling nagsalita.

" Oo nga Dad, last mo na yun ha." nakangiti kong sabi kay Daddy.

" Oo anak, takot ako sa Mommy mo eh."

Napangiti ako sa dalawa, hanggang ngayon para pa rin silang bagong kasal. In love na in love pa rin sila sa isa't- isa, relationship goals indeed. Habang bumibyahe hindi ko maiwasan na mag isip. Paano kung naging maayos ang lahat sa pagitan namin noon ni Meng? Paano kung hindi natakot si Meng na magmahal? At paano kung nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Meng na mahal ko sya, iba kaya ang sitwasyon namin ngayon? Katulad kaya kami nina Mommy at Daddy? Ilan na kaya ang anak namin?

Napailing ako sa naiisip.

" Tangina naman Tisoy, alam mo naman na may asawa na yung tao diba?" sermon ng matinong bahagi ng isip ko. " Saka akala ko kaya ka bumalik dito sa Pilipinas kasi naka move on ka na kay Meng? Kala ko okay ka na?"

Tama naka move on na ako. Wala na akong nararamdaman kay Meng, wala na......

Sana.

- Awww mukhang mas naging komplikado ang lahat sa pagitan nina Tisoy at Meng sa paglipas ng panahon. Wala na ba talagang pag asang sa pagitan nila? Huli na ba ang lahat?? 😢😢😢
Tweet me up @iamlhudy87 para magkwentuhan tayo...It's my pleasure mga betty...

And thank you nga pala sa mga nagbabasa pa rin ng mga completed fanfic ko dito sa wattpad. Madami na rin pala yung natapos kong kwento, teka bibilangin ko ha.......Mga tatlo 😂😂😂😂 hahahaha  ( makamarami wagas!) Pero srsly mga betty salamat sa support ha..lalo na sa The Baedyguard at  Betrayal. Pinataba nyo ang katawan ko ayy! puso ko pala... Yung feeling na ang daming magagaling na AlDub fanfic writer dito sa wattpad, pero  pinagtyatyagaan ninyo ang fanfic ko, nakaka overwhelming lang kasi. Teka bago ako umiyak, thank you ulit ha... Salamat talaga😊😊😊

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon