Chapter Four - New friends

406 34 2
                                    

* Richard's POV

Recess time na at mas pinili kong mag-break mag-isa, kaysa makihalubilo sa mga classmates ko baka kasi ma bully na naman ako.

Sa ngayon, nakaupo ako dito sa tagong bench sa quadrangle at kumakain ng sandwich. Inilabas ko rin ang libro ko tutal one hour naman ang break namin kaya mahaba pa ang oras ko para magbasa.

Absorb na absorb ako sa binabasa ko kaya nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko ang siyam na estudyante sa likuran ko. Apat na lalaki at limang babae.

" A-anong kailangan nyo?"  kinakabahang tanong ko sa kanila. Baka katulad sila ng mga nambugbog sa akin kanina. Mabilis akong tumayo at bahagyang umatras para medyo makalayo sa kanila.

" Hoy Faulkerson, relax ka lang. Mga classmates mo kami at hindi ka namin aawayin"  sabi ng isa sa mga lalaki.

" Ha?"  bahagya akong nakahinga ng maluwag sa narinig ko.

"Barkada namin si Meng at ikinuwento nya sa amin kung ano ang ginawa ng mga bullies na iyon sa iyo. And guess what kung paano namin sila ginantihan."  sabi naman ng isang babae.

"How?"

" Nagmakaawa kasi sila sa amin na huwag silang isumbong sa principal natin at baka ma kick out sila, mabait naman kami kaya pinagbigyan namin. Pero kinulong namin sila sa bodega ng school at makakalabas lang sila mamayang uwian."  natatawang sabi ng isa pang lalaki.

" B-bakit ninyo ginawa yun?"

" Para matuto sila. Pero don't get us wrong ha, bully kami sa mga katulad nilang nambubully sa mga katulad mo."

" Salamat sa inyo."

" From now on, kapag may nambully ulit sayo, sabihin mo lang sa amin ha."

"O-oo, salamat ulit."

"By the way, I'm Macoy."

"I'm Yanyan."

"I'm JL bro."

"Mitch."

"I'm Clarence pare."

" I'm Juline."

"Joseph here."

" I'm Robie."

"And I'm Charis."

"And I bet you already knew your heroine, she's Meng."  turo ni Macoy kay Meng na papalapit na sa amin.

" Ano guys, success ba?"  nakangiting tanong ni Meng.

"Yeah, okay na Meng. Nakakakulong na sila sa bodega." sabi naman ni Yanyan.

" Good, thanks guys!"  nakangiti syang tumingin sa akin. "Richard, huwag kang matakot sa amin ha, harmless kami."

Napangiti na rin ako habang nakatingin sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na tibok na puso ko just by merely looking at her. She's mesmerizing.

" Don't worry Meng, na orient na namin sya."  sabi ni Juline. " Diba Richard?"

Narinig ko ang mga pinag uusapan nila pero hindi ako sumagot. Para kasing mas gusto kong titigan si Meng kaysa magsalita.

" Uyyy Richard! Natulala ka na dyan!"
siniko ako ni Mitch.

"Ha? Ahh oo M-meng."  nabubulol na naman ako. Nagtawanan sila sa reaksyon ko.

" Buti naman."

" Meng, canteen lang kami ha. Nagutom kami sa ginawa namin sa mga ipis eh."  sabi ni Robie.

" Okay salamat ulit guys ha. Dito na lang muna ako, daanan nyo na lang kami after ninyong kumain para sabay sabay na tayo pabalik sa room."  sabi ni Meng.

"Noted Meng. Richard, mauna na kami."  sabi ni Charis.

"O-okay guys."  sabi ko sabay tango.

Nang makaalis ang mga kaibigan ni Meng, umupo sya sa bench n kanina
ay kinauupuan ko. Umupo na rin ako sa tabi nya.

"B-bakit hindi ka sumama sa kanila? Hindi ka ba kakain?"  nahihiyang tanong ko. Pinagpapawisan ako ng malamig nang kaming dalawa na lang ang naiwan.

" I'm done Tisoy. Nauuna na akong kumain kanina. How about you?"

"M- may baon ako Meng."  sagot ko sabay taas ng sandwich na hawak ko.

She nod, then a comfortable silence filled the spaces between us.

-Awkward ba Ricardo?? Hahahaha Hindi pa marunong mag hokage si Richard dito kaya mas lalo syang nabubulol kapag kausap si Meng. Sundan po natin ang istorya nila.

-tweet me up @iamlhudy87.Thank you po sa    pagbabasa. Pavote na rin po ha.. Lamyu ol!

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon