Chapter Eighteen - Reunited

318 17 2
                                    

Richard's POV

Nasa daan na ako papunta sa bahay nina Macoy. Noong nalaman kasi nila na nakauwi na ako from U.S, agad nag set ng reunion ang mga highschool friends ko. Sinasamantala ko rin habang hindi pa ako nagsisimula sa pagma manage ng business ni Daddy sa Maynila. Sa susunod na araw kasi luluwas na ako ng Maynila para doon na mag stay. Kinakabahan ako, baka kasi nandoon si Meng. Hindi ko naman kasi naitanong kay Macoy kung pupunta sya. Posible rin kasi super close din si Meng at si YanYan noong highschool kami.

Nang maipark ang kotse ko, agad na lumapit sa akin si Macoy at si YanYan.

" Pre!" bati ni Macoy.

" Tisoy! Ang laki na ng pinagbago mo!" nakangiting bati ni YanYan.

" Hindi naman, nahiyang lang sa U.S malamig kasi. Kayo kamusta na ang buhay mag asawa?"

" Ito buntis na si YanYan sa pangalawa naming anak. Ninong ka ha. " sagot ni Macoy.

" Ayy oo naman, walang problema. Teka andyan na ba sila?"

" Oo Tisoy, nasa loob na ng bahay. Halika na, pasok na tayo." sagot ni YanYan.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay, mainit akong binati ng mga highschool friends ko. Nagkwentuhan kami, nagkamustahan at binalikan yung mga memories namin noon. Napag alaman ko rin na halos lahat sila ay may sari-sarili ng pamilya.

" Mas masaya sana kung kumpleto tayo ngayon, sayang wala si Meng." sabi ni Juline.

Natahimik ang lahat at napatingin sa akin.

" Shhh Juline." saway ni YanYan sa kaibigan.

" No, I'm okay Yan. Ahh san pala si Meng? Hindi nya ba alam na may reunion tayo?" pinilit kong maging kaswal ang boses ko.

" Ininvite ko sya Tisoy, kaso hindi naman ata na nagbubukas ng FB si Meng. Nagtatampo na nga kami doon, simula kasi noong mag asawa sya parang pinutol nya na ang komunikasyon namin sa kanya. Ilang beses akong nag reach out sa kanya, pero she keeps on declining me." sagot ni YanYan.

" Sa mga parents nya na lang kami nakakabalita, sabi nila okay naman daw si Meng saka yung asawa nya. Bihira lang kasi silang dumalaw dito sa Bulacan. Teka, alam mo na ba na may asawa na sya?"

Tumango ako. " Ibinalita ni Mommy."

" Ano ba kasing nangyari sa inyo noon, Tisoy? Bigla na lang kasi kayong hindi nagkikibuan, tapos after ng ilang buwan umalis kayo ng family mo. Wala kaming balita sayo simula noon." tanong ng isa pa naming kaibigan na si Robie.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Ngayon ko lang sasabihin ito sa inyo guys, pasensya na kung nag secret ako dati. Umalis kami noon kinabukasan after ng prom natin para pumunta sa U.S para magpa heart transplant. May congenital heart disease kasi ako noon, kailangan sa ibang bansa gawin ang operasyon. Naging succesful naman ang operasyon ko, noong okay na ako, nag decide sina Mommy na bumalik na dito sa Pilipinas pero nagpaiwan ako. Sabi ko sa sarili ko uuwi lang ako ng Pilipinas kapag handa na ako.Kaya  nag stay ako dun, eh hindi naman ako mahilig sa social media kaya hindi nyo ako mahanap sa facebook. Yun din ang way ko para umiwas sa balita about kay Meng at sa a-asawa nya."

" I think may unfinished business kayo, Tisoy  kasi wala kayong closure before. Si Meng naman simula noong umalis ka, naging malungkutin. Kaya noong nag college kami, sa Maynila sya nag aral. To escape." sagot ni YanYan.

" Escape? Yeah, doon nga pala sya magaling sa pag iwas." sabi ko sa sarili ko.

" Dapat mag-usap kayo, Tisoy." sabi ni Macoy.

" I doubt kung kakausapin nya ako Macoy, hindi ganoon kaganda ang paghihiwalay namin dati. Saka ayoko ng makagulo sa kanya, sa kanilang m-mag asawa. Okay naman na ako."

" Hindi ka mukhang okay, Tisoy. Saka ang tagal na nun, dapat lang na magkaroon kayo ng closure para makapag move na kayo sa mga buhay nyo." sabi ni YanYan.

"Ewan ko guys, naguguluhan ako."

" Hayy nako tama na nga muna yan, kumain muna tayo." sabi ni Macoy.

Sumunod na kaming lahat sa dining area.

- Sabaw? Yup sabaw na sabaw. Bitin? Bitin na bitin. Sorry mga bes, kailangan lang sa story. Bawi next chapter ha.

- tweet me up @iamlhudy87 kwentuhan tayo. 😊



Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon