*Maine's POVTwo days nang hindi pumapasok si Tisoy. Nag-aalala na ako sa kanya kaso hindi ko sya magawang kontakin dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang araw. Gustong gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya kaso hindi ko kaya. Call me selfish pero ayoko lang talagang masaktan kaya kahit ayaw ko, isinakripisyo ko ang nararamdaman ko sa kanya kaysa naman ipush ko at ang ending mas masasaktan pa ako.
Walang text or tawag mula kay Tisoy sa mga araw na nagdaan. Ang baliw ko lang, matapos ko syang itulak palayo, mag eexpect pa ako ng tawag mula sa kanya?
" Pffft, you're sick Meng, seriously. Sabi mo ayaw mo na syang maging bestfriend diba? Ngayon binibigay nya sayo ang gusto mo, anong inaarte mo dyan? Serves you rightp." tuya ko sa sarili. Kung hindi lang ako mukhang tanga, baka kanina ko pa sinambunutan ang sarili ko.
" Meng! Tulala ka na naman dyan. Ilang araw ka ng ganyan ah." nagulat ako ng kalabitin ako ni Yanyan.
" Ha? Hindi may iniisip lang ako." breaktime namin at nandito ako sa bench.
" Kpayn, sabi mo eh. Nga pala ano bang nangyari sa inyo ni Tisoy? Bakit noong mga nakaraang araw, nag iiwasan kayo?"
" Hindi naman, m-may misunderstanding lang kami."
" Because of Xandra ba? May something ba sya kay Tisoy? "
" No." pagde deny ko. " Labas si Xandra dito Yanyan, besides she's a nice girl kaya."
" Owwwss?"
" Oo nga, basta iba ang reason ng misunderstanding namin ni Tisoy. "
" Hayyy, nakakapagtampo ka sa totoo lang. Never ka kasing nag open ng problem mo sa amin, palagi mong sinasarili. Alam ko naman na wala akong maiitutulong, pero willing naman akong makinig. Pero dahil mahal kita, sige iintindihin kita." tama si Yanyan, kahit matagal ko na silang kaibigan hindi ako nag oopen ng mga problems ko sa kanila. Hindi naman sa wala akong tiwala, pero ewan ko ba nahihirapan talaga akong i open ang damdamin ko sa iba. I think may mali sa akin.
" Okay, ganito na lang ha. Kapag ready na akong sabihin sa inyo or sa iyo, sasabihin ko. Wag ka nang magtampo."
" Okay, basta lagi mong tandaan na palagi kaming nandito para sayo ha."
" I know, thank you for that. "
" Ang drama natin, Meng." natatawang sabi ni Yanyan." Anyway kumain ka na ba? Sabay na tayo."
" Busog pa kasi ako, Yan. Kayo na lang, I'm sure hinahanap ka na ng jowa mong si Macoy." nakangiti kong sagot sa kanya.
" Sure ka?"
" Yep. Daanan nyo na lang ako dito after nyo kumain, sabay sabay na tayong bumalik sa room."
" Okay, see you later. "
Pag alis ni Yanyan muli akong naiwang mag isa at naging abala na naman ako sa malalim kong iniisip, kaya nagulat na naman ako ng muling may tumabi sa akin.
" Meng, kanina pa kita hinahanap."
" Ikaw pala Xandra, bakit?"
" Meng, I have a question kasi?"
" What it is?"
" Kamusta kayo ni Tisoy? I heard kasi na hindi kayo okay this past few days, it's because of me ba?"
Na off-guard ako sa pagiging straight-forward ni Xandra, paano ko sasabihin sa kanya na isa sya sa dahilan?
" Ahh n-no, may maliit lang kaming misunderstanding ni Tisoy pero inaayos naman namin. Hindi naman kasi maiiwasan yun sa pagkakaibigan eh."
" Buti naman, nagigi guilty kasi ako dahil akala ko nasira ko ang friendship nyo."
" So kamusta naman kayo?" tanong ko.
" Okay naman, aloof pa rin sya ng konti pero hindi na katulad dati. Kaka text nya nga lang kanina eh, may sakit pala sya kaya pala hindi nakakapasok."
" Ooohh, so ganyan na kayo ka close ha. Buti pa sayo nagte text." sabi ko sa sarili ko. Sana kainin na lang ako ng lupa para matapos na ang usapan namin ni Xandra.
" Dinalaw mo na ba sya sa bahay nila?"
" Nope, later pa lang Meng. Gusto mo bang sumama? Sabay ka na sa akin, susunduin ako ng driver namin after school."
Very tempting ang alok ni Xandra kaso hindi ko alam kung paano haharapin si Tisoy.
" Wag na lang Xandra may lakad kasi ako, baka tawagan ko na lang sya mamaya." pagsisinungaling ko.
" Okay, Meng ikaw ang bahala. Alam mo ba Meng, nafa fall na talaga ako kay Tisoy. Iba kasi sya sa mga lalaking nakilala ko. Tapos napaka gentleman pa, matalino, mabango, gwapo. Basta lahat ng quality ng ideal guy nasa kanya na."
" I feel you, Xandra. Ako din ganyan na ganyan ang nararamdaman." sabi ko na naman sa sarili ko.
" May hiling lang sana ako sayo, Xandra."
" Ano yun, Meng?"
" If ever na maging boyfriend mo si Tisoy, please take care of him ha. Sakitin kasi yun. And please huwag mo sana syang lolokohin, he's precious. Bibihira na lang ang tulad nya." muntikan kong palakpakan ang sarili ko dahil dire diretso kong nasabi ang kataga na iyon.
" You're right, Meng. He's a good catch, kaya susundin kita."
" Good, kasi kung hindi maraming naghihintay sa kanya." isa na ako doon, Xandra.
" Really? Sino Meng, kilala mo?"
" Ha? Ahhh yung mga c-classmates natin, Xandra. Yung ibang classmates natin na may crush sa kanya." pagsisinungaling ko na naman.
" Okay. Thank you pala sa pagtulong mo sa akin kay Tisoy, Meng. I really owe you one."
" You're welcome, Xandra. Anytime." then isang pilit na ngiti ang ipinakita ko. Sana ma convince ko sya na okay lang ang lahat sa akin. Sana.
- Thirteen mga bes! Nag give up na si Meng kay Tisoy. So Team RichDra na talaga??? May pag asa pa ba ang Team MaiChard? Abangan! And watch out sa mga upcoming chapters, may time hop na mangyayari mga bes. Salamat po sa support! Mahal ko kayo!
- tweet me up @iamlhudy87
BINABASA MO ANG
Unsaid (On Hold)
FanfictionBestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lungkot at saya, maasahan sa lahat ng oras at nakakaalam ng sikreto ng bawat isa. Ganyan ang samahan nina Richard at Nicomaine. Ngunit may mga pangyayari na makakapagpabago ng pagtingin nila sa isa't- isa at sus...