*Richard's POVNakailang sayaw na kami ni Xandra pero wala atang kapaguran ang babae, energetic pa rin sya. Buti na lang at sandali akong nakawala sa kanya, sinabi ko lang na magko comfort room lang ako. Ayoko naman talagang umattend sa mga ganitong event, napilitan lang ako. Pero siguro kung si Meng ang partner ko ngayong gabi, mag eenjoy ako, kaso hindi eh. Ilang buwan na ang lumipas, pero hindi pa rin kami nagpapansinan. Hindi naman sa hindi ako gumagawa ng effort na muling maayos ang friendship namin, sinunod ko lang ang sinabi ni Meng na layuan ko sya. Kahit mahirap, kailangan kong gawin kasi mahal ko sya.
Napabuntong hininga ako bago naupo sa bench. Nandito ako ngayon sa tagong part ng school, malayo sa maingay at maliwanag na quadrangle. Although medyo naririnig pa rin dito ang music, pero hindi na ganun kalakas.
Inilabas ko ang cellphone ko para sana makinig ng music, para marelax ako pero natigilan ako ng makita ko ang wallpaper ko. Picture namin ni Meng, kinunan ito noong okay pa kami. Imbes na makinig ng music, tinitigan ko na lang ang wallpaper ko.
" Meng, miss na miss na kita. Kahit araw araw tayong nagkikita dito sa school, parang ang layo natin sa isa't-isa. Kahit seatmate pa rin kita, iba pa rin yung dati na nakakausap kita. Hindi ko pa man nasasabi ang nararamdaman ko sayo, lumayo ka na. Anong nangyari Meng? Sana sinabi mo ang lahat para naliwagan ako. Matatanggap ko naman kahit magkaibigan lang tayo, atleast andyan ka pa rin. Pero kasi, lumayo ka, itinulak mo ako. Doon ka ata expert, ang tumalikod pag may problema. Malapit na kaming umalis papuntang ibang bansa, sana bago mangyari yun masabi ko sayo ang nararamdanan ko. Sana magkalakas loob ako, Meng. At sana, kapag nasabi ko sayo, sana ma realize mo na masarap magmahal. Na hindi lahat ay puro heartbreak. Sana, Meng."
* Maine's POV
Nang makalayo sa quadrangle, agad kong hinubad ang sapatos ko. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong formal dresses kaya masakit ang paa ko. Plus ang dami pang nakipag sayaw sa akin palibhasa hindi akong mukhang boyish ngayon. Agad akong sumalampak sa bench at minasahe ang paa ko.
Naalala ko si Tisoy, walang oras ata na hindi sya sumasagi sa isip ko. Pero mukhan okay naman sila ni Xandra kanina, sila na kaya? Hindi naman kasi ako nagtatanong sa mga classmates ko about sa kanila, mas mabuti na siguro na hindi ko alam. Kung hindi ko kaya pinalayo si Tisoy dati, ano kaya kami ngayon? Sya siguro ang escort ko ngayon gabi. Baka same pa kami ng papasukang school sa college. At baka mag bestfriend pa rin kami. Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko. Kung may rewind button lang sana ang buhay, binawi ko na sana ang sinabi ko kay Tisoy at pinagbigyan ko sana ang sarili kong umiibig. Kung may fast forward button lang sana, pipindutin ko na lang kapag alam kong masasaktan na ako. Kaso hindi naman kasi ganun. At kailangan kong tanggapin ang lahat.
Tumigil na ako sa pagmamasahe ng paa ko at sumandal na sa bench. Muntik pa akong napasigaw dahil paglingon ko sa kabilang bench sa gilid ko, may lalaking nakaupo. At dahil medyo madilim sa lugar namin, sinipat ko muna kung sino ang lalaki. Si Tisoy! Babawiin ko sana ang tingin ko, pero huli na dahil nakatingin na din sya sa akin.
* Richard's POV
Nagulat ako ng may kumakaluskos sa tabi ng bench na inuupuan ko. Si Meng pala, looking amazingly beautiful sa black dress nya. Nag enjoy akong tignan sya habang minamasahe ang paa nya kaya hindi ako ko napansin na nakatingin na rin pala sya sa akin. Napansin kong nagmamadali nyang sinuot ang stilletos nya at agad na tumayo. Tumayo din ako at hinabol sya.
" Meng!" sigaw ko pero hindi sya huminto. " Meng, tatalikuran mo na naman ba ako?"
Hindi pa rin sya lumilingon, palibhasa naka stilletos kaya nahihirapan syang tumakbo kaya naabutan ko sya. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin nang muli akong magsalita.
" Meng, pwede ko bang maisayaw ang bestfriend ko for one last time? Please?" pakiusap ko sa kanya.
Ngunit imbes na huminto lalo nyang binilisan ang pagtakbo. Naiwan akong nakatingin na lang sa papalayong pigura nya.
" Paalam, Meng. Paalam sa unang babaeng minahal ko. Aalis ako pero sana sa pagbalik ko, handa ka nang harapin ako. Sana maging matapang ka na, kasi ako naging matapang para sayo, para sa atin." at isa isa nang tumulo ang mga luha ko.
-Waahhhhhh sorry mga bes sobrang tagal ng update ko bukod kasi sa sinisipa ako ng realidad, nagkaroon ako ng writer's block wow hahaha writer talaga???
- So ayun na nga wala na ata talagang pag asa ang pag iibigan nina Meng at Tisoy. Abangan nyo po ang next chapter mga bes. Salamat sa support at paghihintay sa gawa ko. Mahal ko kayo!
- tweet me up @iamlhudy87
BINABASA MO ANG
Unsaid (On Hold)
FanfictionBestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lungkot at saya, maasahan sa lahat ng oras at nakakaalam ng sikreto ng bawat isa. Ganyan ang samahan nina Richard at Nicomaine. Ngunit may mga pangyayari na makakapagpabago ng pagtingin nila sa isa't- isa at sus...