February 2017
Maine's POV
" Tisoy?"
" Yes, Menggay ko?"
" Thank you ha."
" Thank you for what?"
" Thank you for staying. Thank you for loving me, lalo na sa mga panahon na hindi ako kamahal-mahal."
Marahan nya akong kinabig para yakapin. Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso nya.
" Matagal ko itong pinangarap Meng, alam mo yan. Matagal kong pinangarap na mayakap ka nang ganito kahigpit. Ipagpapalit ko ang lahat ng mararangyang bagay sa mundo para lang makasama ka. Kaya ako ang dapat magpasalamat sa iyo, dahil pinayagan mo akong maging parte muli ng buhay mo."
Hindi na ako nakapagsalita dahil isa isa nang tumulo ang mga luha ko. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Richard. Naramdaman ko na umiiyak na rin sya. Ilang sandali pa, marahan syang bumitaw. He gently cupped my cheeks.
" I love you, Nicomaine. Mahal na mahal kita, Menggay ko."
Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay nya na noon ay nakahawak pa rin sa mukha ko.
" I love you too, Tisoy ko. Sorry kung ipinagtabuyan kita dati , pero we have a lifetime para bumawi sa mga nasayang na panahon sa atin."
And then we kissed. Sobrang perfect ng mga sandaling iyon sa pagitan namin ni Tisoy. Hanggang sa maghiwalay ang aming mga labi. Marahan lumayo si Tisoy at naglakad.
" Tisoy, san ka pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Ngunit sa halip na sumagot, ipinagpatuloy ni Tisoy ang paglayo. Hanggang sa hindi ko na makita ang kanyang pigura. Paulit ulit ko syang tinawag hanggang sa mawalan na ako ng boses. Ang kanina na perpektong sandali sa pagitan namin ni Tisoy ngayon ay mistula nang isang bangungot. Isang nakakatakot na bangungot..........
Nagising akong pawis na pawis. Kinapa ko rin ang magkabila kong pisngi, basa iyon ng mga luha ko. Marahas kong isinuklay ang mga daliri ko sa buhok ko.
" Oh God, kailan ako titigilan ng nakaraan? Kailan ninyo ako papatahimikin?" mabigat ang katawang tumayo ako sa kama para pumunta sa kitchen, tuyong tuyo ang lalamunan ko. Nang makarating sa kusina, agad akong kumuha ng tubig sa ref. Matapos uminom, naupo ako sa upuan. Ilang minuto rin akong nakatulala, iniisip ang mga pangyayari sa panaginip ko, no bangungot pala. Ilang taon ko nang napapanaginipan iyon. Paulit-ulit. Ngunit iisa lang ang ending, umiiyak ako. Si Tisoy, kahit anong kaila ko sa sarili ko sya pa rin ang palaging laman ng mga panaginip ko. Tumayo ako at nagtungo sa c.r para maghilamos at para mabura ang bakas ng mga luha sa mukha ko.
Nang matapos maghilamos, napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Hinagod ko ang buhok ko pati rin ang paligid ng mukha ko.
" Kailan ka babalik sa dati, Meng? Yung masayahin na Nicomaine, yung matapang, yung malakas ang loob. Yung tawa mo na parang walang pakialam. Yung ngiti mo na umaabot sa mata. Nami miss ko na yung dating ikaw. Kailan ka babalik, Meng o babalik ka pa ba?" tanong ko sa sarili ko. Habang nagsasalita, masaganang tumutulo sa mga mata ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Umalog ang mga balikat ko bago dahang dahang napaupo sa tiled floor ng c.r.
" Okay lang Meng na umiyak ka, walang nakakakita sayo dito. Mag isa ka lang. Walang makakakita sa mga luha mo. Walang makakaalam na mahina ka. Hindi nila malalaman kung gaano kapira piraso ang pagkatao mo. " muli ay sabi ko sa sarili habang sapu-sapu ng mga palad ko ang mukha ko.
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon, bago muling tumayo. Muli akong naghilamos at lumabas na ng c.r.
Napatingin ako sa mga pagkaing nakatakip sa mesa. Isa isa kong binuksan ang mga ito. Malamig na at hindi man lang nagalaw. Malungkot akong naglakad pabalik sa kwarto nang marinig ko ang pagbukas ng front door ng bahay.
" Meng!"
Si Jake.
- That's it muna mga betty. Medyo mabigat agad sa puso ang pagbabalik ko, sorry for that. Sige ibash nyo ako, tatangapin ko ang lahat. 😂😂😂😂
Tweet me up @iamlhudy87 gusto ko kayong maging kaibigan..kung gusto nyo lang naman😊
BINABASA MO ANG
Unsaid (On Hold)
FanfictionBestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lungkot at saya, maasahan sa lahat ng oras at nakakaalam ng sikreto ng bawat isa. Ganyan ang samahan nina Richard at Nicomaine. Ngunit may mga pangyayari na makakapagpabago ng pagtingin nila sa isa't- isa at sus...