Chapter Eight - Bothered

367 22 3
                                    

*Richard's POV

Kinabukasan...

Nandito ulit ako sa gate at inaabangan si Meng. Mag aalas otso na pero wala pa sya, hindi naman sya nale late ng ganito. Tinext ko na sya pero hindi nagrereply. Hindi na ako mapakali kaya tinawagan ko na sya. After ng ilang rings, sinagot na ni Meng ang cellphone nya.

"Meng?"

"Hhhhmm, Tisoy. I'm sorry nag text ka pala, ngayon ko lang nakita."

" Saan ka na? Kanina pa kita hinintay dito sa gate. Okay ka lang ba?"  nag aalala kong tanong sa kanya.

" Hindi ako makakapasok Tisoy, may sakit ako."

" Ha, anong sakit mo?"

" May monthly period ako. Ganito talaga ako isang beses sa isang buwan, halos hindi ako makagalaw sa sakit."  parang hirap na hirap si Meng habang nagsasalita. Medyo may knowledge ako sa nararamdaman nya dahil may kapatid din akong babae.

"Hindi na lang kaya ako papasok? Pupuntahan na lang kita."

" Hoy, ano ka ba? Pumasok ka, okay lang ako. Mawawala din ito mamaya."

" Pero, Me-"

" Okay lang ako Tisoy, kung gusto mo talaga pumunta ka na lang dito mamaya after school."

" Alright."  napabuntong hininga na lang ako. " Pupuntahan na lang kita mamaya."

" Okay, see you later."

" Sige, Meng. Magpahinga ka ha."

" I will, thanks Tisoy."  then she ended the call.

Tumayo na ako sa bench at naglakad na papunta sa room namin. Nasa kalagitnaan na ako ng quadrangle nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses, si Xandra pala.

" Hi, Tisoy. Good morning."  nakangiting bati nito.

" Xandra, ikaw pala. Good morning din."

" Mag-isa ka lang? Where's Meng?"

" Absent sya eh, may sakit."

" Ahh okay, so pasok na tayo? Male late na tayo."  nagulat ako ng umangkla sya sa braso ko. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya nang hilahin nya ako papunta sa classroom namin.

----------------

Halos hindi ako makapag focus  habang nagtuturo ang teacher namin, nag aalala talaga ako kay Meng. Gustong gusto ko nang matapos ang klase namin para mapuntahan ko na sya.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na ang klase namin. Nagmamadali akong lumabas ng classroom namin.

" Tisoy!"  nilingon ko ang tumawag sa akin. Sina Macoy pala.

" Guys, bakit?"

"  Tutal wala naman si Meng, gusto mong sumama sa amin sa mall?" tanong ni Yanyan.

" May lakad kasi ako guys, next time na lang."

" Obvious nga eh nagmamadali ka."  natatawang biro naman ni Mitch.

" Oo guys. So paano, alis na ako ha." paalam ko sa kanila.

" Okay bro, ingat ka."  sabi ni Macoy.

" Thanks guys, ingat din kayo ha."  at tuluyan na akong lumabas ng classroom.

Nang makalabas ng school, pumara agad ako ng tricycle para mas mabilis akong makarating sa bahay nina Meng.

Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon