Chapter Nineteen - Fiendish

312 18 7
                                    

Warning: Next scenes are not suitable for very young readers.⚠⚠⚠ Paki skip na lang po please.

Maine's POV

Nakauwi na si Jake galing sa Palawan. Ito na siguro ang tamang oras para sabihin ko na sa kanya ang desisyon ko. Pumasok ako sa kwarto namin at nakita ko syang kakalabas lang ng c.r, bagong ligo.

" Jake.. "

Saglit lang akong tinignan ni Jake bago ipinagpatuloy ang pagsusuot ng t-shirt.

" Jake, gusto sana kitang makausap."

" Tungkol saan? Kung tungkol yan sa late kong pag-uwi o kaya sa pag-alis ko pwede ba Meng wag muna ngayon?" irritableng sagot ni Jake.

" No Jake. Gusto ko na sanang makipaghiwalay. Mukha kasing hindi na maayos pa ang pagsasama natin. Tama na siguro yung limang taon nating pagtitiis sa isa't-isa."

Huminto si Jake sa ginagawa at marahas na lumapit sa akin.

" Bakit Meng, para maging kayo na ni Richard?" hinawakan nya ako ng mariin sa braso.

" Ha? A-anong sinasabi mo Jake? Hindi ko alam ang sinasabi mo."

" Hindi alam?! Ibig mong sabihin hindi mo rin alam na sa loob ng limang taon nating pagsasama hindi lang iisang beses na tinawag mo ang Richard na yan habang tulog ka. Hindi lang iisa Meng, maraming beses kong narinig yon. Wag mo akng gawing tanga!" lalong dumiin ang pagkakahawak ni Jake sa braso ko.

" Aray Jake! Nasasaktan ako! "

Binitiwan ni Jake ang braso ko pero nilipat naman nya sa leeg ko ang mga kamay nya at sinakal ako.

" No Meng, akin ka lang. Hindi ako papayag na mapunta ka sa Richard na yun. Kahit sabihin mong wala nang nangyayari sa atin asawa pa rin kita!" nanlilisik ang mga mata ni Jake habang nakatingin sa akin. Bigla-bigla, parang hindi ko na sya kilala. Parang hindi na sya yung dating lalaki na nangako na papaligayahin ako habang buhay. Ibang Jake na ang kaharap ko ngayon. Ibang iba na.

" Aggrrrhhh Jake! B-bitawan mo ako please! H-hindi na ako makahinga!" pagmamakaawa ko sa asawa ko.Pero imbes na alisin nya ang mga kamay nya, lalo nya pang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin.

" Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi na hindi ka makikipag hiwalay sa akin Meng!"

" O-oo J-Jake, h-hindi na ako m-makikipag hiwalay sayo. B-bitawan mo na ako p-please." pautal-utal kong sagot.

Marahas nya akong binitawan at halos isalya sa cabinet. Hilong-hilo ako, habang nakahawak sa leeg ko. Lumapit sya sa akin at dinuro ako.

" Sana nagkaintindihan tayo sa usapan natin Meng. Alam mong ayaw ko na ginagago. At wag na wag mong susubukan na magsumbong sa mga magulang mo, kung ayaw mong madamay sila sa galit ko sayo. Kayang kaya kong gawin yan Meng, kaya kung ako sayo manahimik ka na lang. Naiintindihan mo ba?!"

Hindi ako sumagot sa halip tahimik lang akong umiiyak sa tabi.

" Tangina, sumagot ka! Naiintindihan mo ba?!" sigaw nya sabay hila sa kwelyo ko.

"O-oo Jake." umiiyak pa rin ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabila kong tenga.

Binitawan nya ako bago walang lingon-likod na lumabas ng kwarto. Maya-maya pa narinig ko ang pagharurot ng kotse nya. Marahas kong sinuklay ang buhok ko sa pamamagitan ng mga daliri ko at pinahid ang mga luha ko.

" God, ano po bang nagawa ko para parusahan nyo ako ng ganito? Naging sobrang sama ko ba?" nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

" Si Mommy." nagmamadali kong sinagot ang cellphone ko.

" Mommy?"

" Meng anak kamusta na? Matagal tagal din kayong hindi nakakadalaw ni Jake dito sa bahay."

" Mommy sorry po, busy po kasi si Jake. Pero bayaan nyo po dadalaw po kami one of these days." pinigilan ko ang sarili ko na sabihin kay Mommy ang nangyari kanina lang sa amin ni Jake.

" Bakit ganyan ang boses mo anak, umiyak ka ba?" nagtatakang tanong ni Mommy.

" H-hindi po Mommy, kakagising ko lang po kasi bago kayo tumawag kaya medyo garalgal pa ang boses ko." pagsisinungaling ko.

" Sigurado ka anak? Baka nag-away kayo ng asawa mo?"

Napakagat-labi ako bago sumagot. "No Mommy, okay na okay po kami ni Jake."

" O sya. Sige dahil busy kayong mag asawa ako na lang ang dadalaw dyan bukas. Magpapahatid ako kay Dean. May pasok kasi ang Daddy mo kaya ako lang mag isang pupunta dyan sa inyo."

"Ha? S-seryoso ka ba Mommy?"

" Oo nga Meng. Sige na, bukas na lang anak."

" S-sige po Mommy. Love you po. Ingat kayo bukas."

" Salamat anak. Love you too, Meng." at sabay na nilang ibinaba ang cellphone.

Agad akong tumakbo sa pinaka malapit na salamin at tinignan ko kung nagmarka ang pananakal ni Jake kanina. Namumula ang leeg ko. Napakagat-labi ako. Hindi pwedeng malaman ni Mommy ang nangyayari sa amin ni Jake. Hindi pwede.

- Medyo sabaw mga betty pero medyo intense. Sorry kung may violence ha kailangan lang sa pag build-up ng story.

- Ano nga kayang mangyayari sa pagdalaw ng Mommy ni Meng sa bahay nila? Malaman na kaya nila kung gaano kamiserable ang pagsasama nina Jake at Meng? Abangan!

- At salamat po sa continues support sa mga gawa ko ha. Nakakatuwa lang kasi dalawa sa mga gawa ko ang nakapasok sa Top 1000 sa Fanfic category. Itong Unsaid at ung The Baedyguard ko. Yung nakita ko nga na nasa 900+ ung ranking ng Unsaid tuwang tuwa na ako lalo na nung pagtingin ko kahapon nasa 700+ na sya. Sobra pong happy ng puso ko at yun ay dahil sa inyo. Salamat po ulit. Mahal ko kayo.

- tweet me up @iamlhudy87 para magkwentuhan tayo.

- Teka kamusta ang mga puso nyo at ang mga mata nyo sa DTBY?? Wasak na wasak ba? 😭😭😭



Unsaid (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon