Richard's POV
" Meng, ikaw ba yan?"
Walang gaanong nagbago kay Meng, maganda pa rin sya tulad ng dati. Yung mga mata nya, napaka expressive pa rin. Yung labi nya, pout pa rin. Yung ilong nya na maliit pero sakto lang para sa kanya. Yung clef chin nya na mababaw lang pero nagpalakas lalo sa appeal nya. Pero bakit lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya?
" Tisoy? "
" Ako nga Meng. Kamusta na? "
" O-okay naman." matipid na sagot ni Meng.
" P-pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.
" Nag-uusap na tayo, Tisoy."
" No, I mean, pwede ba tayong mag-usap away from here? "
" W-what for? " sagot ni Meng bago nag-iwas ng paningin.
" T-to clear some issues between us, bago tayo nagkahiwalay noong highschool tayo."
" Tisoy, I'm sorry. Maybe some other time na lang. Hindi ako pwede."
Napabuntong-hininga ako bago naisuklay ang mga daliri ko sa buhok. Hindi pa rin talaga sya nagbago, same old Maine na mahilig iwasan ang problema. Hindi sya binago ng nakalipas na mga taon.
" Okay, Meng let me clear this out, hindi ako manggugulo. Hindi ko guguluhin ang buhay may asawa mo, kung iyon ang iniisip mo." parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi ko.
Hindi sya kumibo pero muli syang tumingin sa akin.
" Yes, alam kong may asawa ka na. Pero mag-uusap lang tayo, for old times sake." paliwanag ko sa kanya.
" P-pero Tisoy, wala naman tayong dapat pag-usapan pa. Tulad nga ng sabi mo, may sari-sarili na tayong buhay ngayon. "
" Meng, gusto ko lang ng closure. Para naman pareho na tayong makapag move on sa mga buhay natin. It is too much to ask?"
" Para saan ang closure, Tisoy? Para saan ang move-on? Wala namang 'tayo' before." tanong ni Meng. Magsasalita sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Meng.
" Excuse me. I have to go. I'm sorry, Richard." sabi ni Meng bago tumalikod at sagutin ang cellphone nya.
Mabigat ang loob ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni Meng.
" You've never change, Meng."
*Maine's POV
" Napaka impokrita mo Meng! " sigaw ng isang bahagi ng isip ko.
" Bakit? Tama naman ang ginawa ko. Wala namang dahilan para mag usap pa kami ni Tisoy." sagot ng matinong bahagi ng utak ko.
" Wala? Eh di ba ang dami mong tanong dati na hanggang ngayon hindi pa nasasagot? Dahil mula noon hanggang ngayon iniiwasan mo pa rin ang problema, dyan ka magaling. Duwag! Impokrita! "
Napailing ako bago ko sinagot ang cellphone ko. Si Jake pala ang tumatawag.
" Hello, Jake?"
" What took you so long, kanina pa ako tumatawag. Nasaan ka?! " pabulyaw na tanong nito.
" I' m sorry Jake, namimili kasi ako. Nandito ako sa supermarket. Dadalaw kasi si Mommy bukas, bumili lang ako ng mga kakailanganin ko sa mga lulutuin ko. A-are you free tomorrow?"
" Nope, alam mo kung gaano ako ka busy. Umuwi ka na nga, nagugutom na ako!"
" P-pero Jake, ini expect ka ni Mommy, baka naman pwede ka kahit saglit lang."
" Anong parte ng BUSY AKO ang hindi mo naiintindihan, Meng?"
" O- okay, ako na lang ang magsasabi kay Mommy.
" Umuwi ka na!"
" Babayaran ko lang ang mga pinamili ko, uuwi na ako Jake."
Then he ended the call.
" Ang tanga tanga mo, Meng. Sobra."
- that's it muna mga bes, pero don't worry next chapter is up na. Malapit na rin pong matapos ang fic na to, few chapters left na lang. Kaya wala na pong bibitaw ha, kapit lang.
- Salamat po ng marami sa support. Sa mga hindi nalilimutang mag vote at mag comment, salamat po. 😙😙😙 Kung hindi dahil sa inyo wala rin po kami. 😊
-tweet me up @iamlhudy87, kwentuhan tayo.😊
BINABASA MO ANG
Unsaid (On Hold)
ФанфикBestfriend, tagapagtanggol, kasama sa lungkot at saya, maasahan sa lahat ng oras at nakakaalam ng sikreto ng bawat isa. Ganyan ang samahan nina Richard at Nicomaine. Ngunit may mga pangyayari na makakapagpabago ng pagtingin nila sa isa't- isa at sus...